January Eleven

225 5 0
                                    


CHAPTER 11

I looked at my brother for the 4th time, from his hair to his eyes up to his nose and his mouth, I even look at his skin colour and body. Wierd.

"Stop it! Your starting to look creepy!" Reklamo nito, siguro ay napapansin nya ang panay pagtitig ko sa kanya.

Nasa kusina kami at naghihimay ng malunggay na gagamitin namin sa monggo ni Mama, paborito kasi iyon ni Papa at uuwi ito mamaya, himala nga nasa bahay siya kahit hindi weekend. Once in a blue moon lang iyon mangyari, hindi naman sa nagrereklamo ako pero nasanay na lang kasi kami na weekend lang kasama si Papa and beside naiintindihan naman namin ang klaseng trabaho na meroon siya, at hindi nya kami pinapabayaan so why complain?

Tinitigan ko na lang ulit si Kim, agad naman itong napa tingin sa akin ng mapansing naka titig na naman ako. Ang wierd talaga.

"Ano ba Kuya?! Hindi kaba talaga titigil?!" Pagalit ng tanong nito sa akin.

But I can't help it, I still stair at him. It's really wierd! Alam mo iyong wierd na wierd. Sakto namang pumasok si kuya ng kitchen para kumuha ng tubig ng makita nyang hindi na naman maganda ang timpla ng mukah ng bunso.

"Ano na namang pinag aawayan nyo? Ang aga-aga eh!" Puna sa amin ni Kuya.

Napa tingin ako sa mukah ni Kuya, ganun din naman ito, bakit iyong kay Kimpe wierd!

"Si Kuya Basti kasi parang tanga kanina pa ako tinititigan!" Sumbong nito kay Kuya Jay, akala mo naman kakampihan sya nito!  Tandem kaya kaming dalawa sa pambubully sa kanya.

"Ano na namang sapi mo Sebastian?"

Ibinalik ko ang tingin sa mukah ni Kim bago inilabas ang kanina pa iniisip.

"Kasi kuya kapag tinitigan mo pala si Kim mas makikita mo kahit kunti wala siyang hawig sa atin."

Ang layo-layo kasi ng mukah ni Kim sa amin, iniisip ko kung sino ang kamuka niya sa aming apat pero wala talaga, mistisa si Mama, si kuya mistisa din, si Papa moreno, ako moreno din. Samantalang si Kim maputla, parang may hepa ang balat nito, yellow.

"Gago ka kuya!" Sigaw nito sa akin.

"Gago talaga iyan! Malamang nakita natin kung paano dinampot ni Papa 16 years ago si Kim sa kanal." Natatawang sabi ni Kuya, magsisimula na naman itong mang asar, kaya ganun na din ako.

"Oh nga no? Tagal mo na din palang nasamin Kim? Panahon na siguro para bumalik kana sa tunay mong mga magulang." Sagut ko naman "Hayaan mo, tutulongan ka namin ni kuya na hanapin sila kahit magala finding nemo pa tayo."

Ang kapatid naman namin ay nalukot na ang mukah at halatang nag-pipigil na huwag maiyak, iyakin at babakla-bakla talaga ang bobong yan, parang lalaki. Mamasa-masa na ang mata niya peri hindi naman niya magawang umatungal dahil kapag ginawa nya iyon mas lalo lang lalakas ang pang aalaska namin sa kanya.

"Tangina nyo!" Sigaw na lang nito bago tumatakbong umalis ng kusina para magsumbong kay Mama.

"Sige magsumbong ka ng sabihin nya na sayo ang totoo!" Sigaw naman ni Kuya.

Napa tingin ako sa hindi matapos-tapos na hinihimay bago muling tiningnan ang tinakbohan ng kapatid "Hoi Kim bumalik ka dito! Taposin mo tong malunggay mo!"

Tulad ng dati ay napagalitan na naman kami ni Mama dahil pinaiyak na naman daw namin ang baby bunso nya, sixteen na kasi binibaby parin, ihulog ko sya dyan sa bobong makita nya! Buti na nga lang at may pasuk ako sa hapon  kaya naka-iwas na ako, ayaw na nga sana akong paalisin dahil nandyan si Papa pero I insist, intramurals ngayun sa school at magpalaro ako ng basketball. Manonood iyon, ayoko namang idisapont siya kapag hindi nya ako nakita doon.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon