January Fourteen

192 6 0
                                    


CHAPTER 14

Finals week, subra kaming busy kahit si January ay busy din, pero kahit ganun ay nag-kikita parin kami, sinasabay ko siya papunta sa school at hinahatid na rin siya pagka-tapos. Ganun ang routine naming dalawa, araw-araw nya parin akong binibigyan ng pandesal na may palamang peanut butter, at araw-araw ko pa din iyong binibigy kay Jeff, siya lang naman ang malamon sa amin at gustohin ko man na ako ang kumain noon ay hindi pwede, papatayin ako ni Mama kapag umuwi akong namamaga at puro pantal.

To: Mangkukulam
Contain: Sabay ka saming maglunch, nasa baba na ako.

I hit send at inabangan na siya sa labas ng building nila, kanina kasi ay late na kami, kaya nag-mamadali na siya we didn't talk a lot, lalo na kapag nasa likod si Kim, baka mabwesit na naman ako, and I want to eat lunch with her today.

Yeah, so not me! Pakshit eh!

Pag-lingon ko sa likod ay saktong padating na sina Raffa galing sa building namin, nauna na kasi akong lumabas na kanila, our professor asked us to make an essay tungkol sa design ng bagong gawang super market, buti na lang at nagpasamang mag-grocery doon si Mama noong isang araw kaya may basis ako.

"Basti tara na sa canteen kumakalam na ang sikmura ko!" Aya ni Jeff.

"Saglit sasabay daw satin si January."

"Bakit naman sasabay satin si January?" Tanong ni Raffa.

Nagkibit balikat lang ako "Aba malay ko, nag-text lang."

"Napapansin ko napapadalas magkasama kayo ni January, ano nahulog-log-log na ba ang dakilang si Sebastian Luzada?" Pang iinis na naman ni Kent, kaya agad kong sinamaan ito ng tingin.

"Gusto mong ipakain ko sayo tong  storage tube ko?"

Ipinakita ko sa kanya iyong drawing storage tube na lagi naming dala-dala, wala eh! Nandito buhay namin, ilalapit ko na sana iyon sa bunganga ni Kent ng tabigin ito ni Raffa.

"Hoi Sebastian, walang kapatid na lalaki si January pero kailangan mo munang dumaan sa aming mga pinsan nya, at kahit kaibigan kita, I won't be easy on you." Mayabang na sabi ni Raffa, minsan lang yan may sabihing mahaba, it's either tungkol sa mga anak niya o di kaya ay sa pinsan, and what he said is not a good threat.

"Kikilabutan na ba ako?" Sarcastic kong sabi kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan na din ako.

Hindi na naka sagut pa si Raffa ng may sumabit sa brado ko, ang pinsan nya, si January.

"Hoi January distansya amiga kung ayaw mong may madisgrasya! Tandaan mo kailangan mag-simula dapat kay Manuelle papunta kay Gabrielle ." Sabi ni Raffa bago nauna ng nag-lakad papunta sa canteen.

Agad naman akong tiningnan nito. 

"Anong problema ni Kuya Raf?"

"Dinatnan ata!" Sabi ko bago kinuha iyong canvas na hawak niya, natatakpan ito ng manila paper.

Si Jeff naman ay napa hiyaw na lang.

"Tangi'na! Kapag tumibok talaga ang puso wala kanang magagawa kundi sundin ito!" Sigaw nito, sinipa ko naman ang pwetan nito kaya muntik ng masobsob.

"Seb naman!" Reklamo ni January,  as if siya iyong muntik na madapa dahil sa ginawa ko.

"Tss! Sorry na!" Maagap kong sabi kay Jeffrey.

Magaaway na naman kasi kami, ayoko na ng ganun, kung dati mas gusto ko kapag naiinis ko siya at malayo siya, lately mas gusto ko na okay kami at dapat laging nasa malapit lang siya.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon