January Twelve

197 7 0
                                    


CHAPTER 12

Wala akong nagawa kung hindi ang isama siya pauwi, alangan namang umatongal siya ng umatongal doon. Kapag ganun talagang kahit .5% wala na talaga akong chance na makapasuk sa langit.

Naka sakaybparin kami sa kotse ko, hindi ko naman talaga dapat siya isasama sa amin pero ayaw bumaba, kahit anong hila ko sa kanya palabas ng kotse ko ayaw talagang bumaba, kumapit siya ng subra sa upuan para kaming tanga habang pinag titinginan ng mga kapitbahay nila ayoko naman mapahiya kaya wala  akong choice kung hindi isama siya pauwi. At mahuhuli na ako sa family dinner namin sa labas, literal na sa labas, dahil doon lang naman talaga iyon sa garden namin sa labas.

"Magusap na naman tayo Seb, sige na."

Kanina nya pa yan sinasabi, pero hindi ako nag-sasalita. Iniinsist niyang magusap kami pero kanina pa siya nag-sasalita ng magisa, hindi ko maintindihan kung ano ang ini explain niya.

"Seb sino ba kasi ang sinasabi mong boyfriend ko, at hoi! Wala naman akong ganun pwera na lang kung sinasagut mo na ako kapag ganun ikaw na ang boyfriend ko!"

Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy lang ako sa pagmamaneho, pababain ko siya dyan, eh!

"Seb kausapin mo na ako please! Para kana naman kasing tanga dyan, huwag mong seryosohin ang pagmamaneho baka mas mabanga tayo dahil ang talim ng tingin mo sa daan, dapat ako lang ang sineseryoso at tinitingnan mo ng ganyan! Nagseselos na talaga ako!"

Dapat talaga nag-babaon ako ng tela o masking tape na ibubusal ko sa bibig niya ng sa ganun ay matahimik naaman ito.  Kanina lang mga 5 minutes ago umiiyak pa yan, natigil lang noong balikan ko at isakay sa kotse, then nag-simula na naman ang walang preno niyang pag-sasalita.

"Seb sa isang relation kailangan ng communication,  it will never work without talking, so gara sabihin mo kanino ka nag-seselos at buburahin ko sa mundong ibabaw."

Kung ano-ano na lang talaga ang sinasabi nya may masabi lang. Itinigil ko ang kotse sa tapat ng bahay namin, bago ko siya binalingan.

"Ayaw ng Papa ko sa maingay, at ang Mama ko 99% sa sinasabi nya opinion at observation nya lang na hindi naman totoo kaya kung ano man ang sabihin niya huwag mong paniniwalaan." Umpisa ko.

"Huh?!" Taka naman niyang tanong.

"Hindi ko alam kung nasa loob ang kuya ko at pamilya nya pero gago iyon huwag mong kausapin, iyong bunso namin malamang nandito iyon mas lalong huwag mo iyong kausapin, do as I say kung ayaw mong tayo ang hindi na magusap, understand?"

Tumango ito, baba na sana ako ng pigilan nya ako.

"Naiintindihan ko ang sinasabi mo pero hindi ko maabsurb."

Bumaba na ako ng kotse at binuksan sa likod para kunin ang bag ko, hindi man lang ito gumalaw kay inalog ko na iyong upuan.

"Ano dyan kana talaga titira sa loob ng kotse ko? Mahal ang upa!" Sigaw ko sa kanya.

Mabilis naman itong bumaba dahil sa gulat kaya napa-ngiti ako, napaka dali nya talagang pasunorin. Iginala naman nito ang paningin at bago tumigil sa bahay sa harap namin, lumapit na ako sa may gate at binuksan ito, si January naman ay nanatiling naka tayo sa tapat ng kotse ko.

"Ano dyan ka na lang? Inaantay ako ng pamilya ko!"

Ulit ay mabilis din naman itong lumapit sa akin, pagpasuk namin sa gate ay agad itong kumapit sa t-shirt ko at nagtago sa likod, well successful naman siyang nakapag tago doon dahil malaki akong tao at siya ay maliit lang.

"Para kang tanga! Umalis ka dyan sa likod." Pagkatapos ay pilit kong inaalis iyong kamay nya sa damit ko.

"Ikaw kasi! Meet the family agad parang mas gusto ko pa ata iyong galit ka sa akin! Ano magsusumbonh kaba sa parents mo na kinukulit kita?"

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon