CHAPTER 19Dalawang linggo din mula noong huli ko siyang nakita na sumakay sa kotse ng hindi man lang nagpapaalam, sinusundan ko ang bawat post niya sa IG nasa Singapore siya kasama ang pamilya, she has a picture on top of a building kung saan kita ang city light ng Singapore, meroon din siyang pinost na candlelight dinner kung saan kasama niya ang parents niya na sweet na sweet, akala ko ba hiwalay na ang parents niya? They still look like a happy couple. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga post niya, no reaction, no comment, para akong creepy stalker.
Umaasa ako na makikita ko siya sa school dahil simula na ng enrolment, sasalubongin nya ulit ako sa parking area at may dalang tinapay na pandesal na pinalamanan ng peanut butter, na bubuntot-buntot ulit siya sa akin sa campus, magkwekwento ng kung ano-ano, pero sa huli ay maalala ko lang ulit ang ipinaki usap ni Raffa, pwede ko namang hindi gawin iyon pero may tumutulak sa akin para sundin ito, si pride.
Nagmemessage at tumatawag siya sa akin pero hindi ko ito sinasagut, naisip ko kasi iyong paki-usap ni Raffa at ni Simon, they both asked me to ignore January magkaiba lang ang stand, si Simon sabi nya kasi masaya na naman daw si January kahit hindi ko pinapansin habang si Raffa naman gusto nya lang layuan ko ang pinsan niya dahil hindi kami bagay. Slowly I also realised na kahit pala anong kumpetensya ko kay Raffaelle hindi kami magiging magka level, their family name gives no justice. January is a pure Solidad, hindi kami magiging magka level.
Si Cathy at Jeff ang kasakasama ko sa boung sem break, minsan ay dinadalaw nila ako, minsan naman nagmamall kami, kung minsan din ay tumatambay kami sa restaurant ng nanay ni Jeffrey, kung saan laging may libreng pagkain.
"Anak kapag nagkita kayo ni January sa school isama mo naman siya dito." Bilin ni Mama noong makitang naghahanda ako papunta sa school.
"Si Cath na lang Ma." Suggestion ko.
"Gusto ko si January, sawa na ako sa muka ng kaibigan mo. Mas mapag tyatyagaan ko naman ang violet na buhok non kisa sa flat na mukah ni Catherine."
Kung alam mo lang ma, kung pwede lang sana. I check my phone before leaving the house.
From: Catherine
Basti, susundoin nyo ba ako ni Jeffrey?Agad ko siyang nereplayan na sa university na lang kami magkita, aalis na sana ako ng may matangap ulit akong isa pang text.
From: Mangkukulam
Take care Seb, huwag kang sisingit sa pila kung hindi ako ang magpapasingit. Love you 3x 3x (imagine Naruto).Napailing na lang ako bago ibinalik sa bulsa ang cellphone at byumahe papuntang school.
Pagdating ko doon ay hindi katulad ng dati ang naabitan ko wala ang karaniwang lila na scooter na nakapark malapit sa kotse ko, late siya walang papandesal ngayun. Tapos na pala ang mural na ginagawa nila ni Simon, iyong sa wall ng EDUC building na paharap sa parking area, doodle ito ng pangalan ng school namin Rain Elites University, at sa itaas nito ay mga kabataan na nagrerepresent ng iba't-ibang klase ng kurso na meroon ang REU, aaaminin ko it is actually good! May talento talaga siya sa pagpipinta.
Tumuloy na ako sa registrar office at pumila sa napaka-habang pila doon, sabi sa text ni Cath parating na daw ito at si Jeff, na traffic lang dahil may pasuk na ang ibang school kaya traffic na naman kapag rush hour. Maaga pa pero mahaba na agad ang pila, sinilip ko kung sino ang nasa unahan ng pila at ang magpinsan na Solidad ang nakita, si Raffa at Simon. Nasaan kaya ang babaeng Solidad?
Wait paki alam ko ba?
"Bakit kaya wala si January? Nandyan na sina Simon oh." Nadinig kong sabi noong babae sa unahan ko.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#