January Two

324 8 0
                                    


CHAPTER 2

I hate Mondays,  who doesn't? Kailangan kong gumising ng maaga dahil sa 7:30 ang first class ko, at straight na iyan hangan 5pm , simula first year ang lunes ko ay lagi ng ganito at kahit apat na taon nang ganito ang lunes ko hindi parin ako nasasanay.

"Basti isabay mo na si Kimpe papunta sa school." Bilin ni Mama pagka labas ko ng banyo.

Binigyan ko ng masamang tingin ang sutil kong kapatid, muntik ko ng utosan ang google ng search for "How to get rid of your younger brother?" Inirapan ako nito na para bang alam nya kung ano ang nasa isip ko. babakla-bakla talaga ang batang yan.

"Ma si Kimpe ng iirap na naman!" Sumbong ko kay Mama.

"Ma si Kuya mukang demonyo na naman maka-tingin!" Ganti naman nito.

Agad kong dinampot ang basahan sa counter at ibinato ito sa kapatid, pasalamat siya hindi kutsilyo ang nadampot ko dahil kung hindi magpapakape kami ni Kuya Jay sa subrang tuwa. Alam ko na ang susunod na mang-yayari magsusumbong siya kay Mama kaya nagmamadali naman akong umakyat sa itaas. Nag-ayos ako at nag-sout ng uniform.

Bumaba na ako at wala na doon si Kimpe, nauna na siguro? Mabuti nga iyon ng wala ng maingay sa kotse ko.

"Ma papasuk na po ako!" Sigaw ko kay Mama.

"Magingat ka! Maggigirlfriend ka pa naman!" Sigaw din naman ni Mama galing sa kusina.

Ganyan siya palagi niya akong pinipilit sa mga bagay na hindi pa ako handa, ayoko pang maggirlfriend araw-araw kong inuult iyon sa kanya na hindi pa ako handa at wala pa akong oras, girls are demanding and I am busy with my study, kapag pumasok ako sa relation isa sa dalawa ang mapapabayaan ko,sayang lang. at wala pa akong nakikilalang babae na papayag makipag-date aa library.

"Ang bagal mo namang kumilos para kang bakla!" Reklamo sa akin ni Kimpe habang naka sandal sa hood ng kotse ko, ang bastos talaga ng batang to siya na nga itong makikisabay, siya pa ang nay ganang mag-yabang.

Naiiling na lang akong inibatid ang bunsong kapatid sa Catholic school na pinapasukan, sayang ang tuition na binabayad nina Mama sa pagpapaaral kay Kimpe hindi na mababago ang ugali nyang kahit ilang madre at pari pa ang itapat.

"Hoi kuya!" tawag niya sa akin ng maka-baba.

"Ano?!" Singhal ko naman.

"Huwag kang makikinig kay Mama, huwag kang Maggigirlfriend iiwanan ka din non kapag nakita ang buntot mo!"

"Aba gago to!"

Amba ko sana siyang babatohin ng bote ng mineral water ng tumakbo na ito, nagawa pa nitong humarap para bumilat. Humanda kang bata ka mamaya pag-uwi ko itotosta kita ulit gaya noong naka-raang linggo.

Nagdrive na lang ako papunta sa university,  hindi na naman ito ganun kalayo galing sa school ni Kimpe, isang sakayan lang nga ng jeep galing sa bahay papunta sa school namin, pero I prefer to use car, mas mabilis kasi ang byahe at may kakayahan akong pumili kung saan ko gustong dumaan.

Pagdating ko sa university nakita ko kaagad si January na naka upo sa scooter niya, araw-araw ganito ang scenario namin, inaabangan nya na naman ako at aabutan ng pandesal na may peanut butter,  pag-katapos para siyang aso na susunod sa akin.

"Lumayo ka nga!" Asik ko ng medyo sumasabay na siya sa akin sa paglalakad, dapat kasi sa likod ko lang siya.

"Alam mo ba Seb iyong aso ng kapitbahay namin namatay kagabi sabi noong mag ari na dengue daw, kung hindi ba naman sila bobo pinaturokan ng dengvaxia, tao nga namatay dahil doon aso pa kaya?" Kwento niya, wala naman talaga akong paki-alam sa aso ng kapitbahay nila, at hindi naman nagtuturok ng ganun ang DOH sa aso.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon