CHAPTER 3
"Formalejo, Luzada kayo ang representative's ng course natin sa gaganaping leadership camp, 3 days and 2 nights iyon." Anunsyo ng adviser namin.
"Sir bakit ako? Diba dapat si Raffa? " reklamo ko.
Usually ang president at secretary ang pinapadala ni Sir sa mga ganyan, Vice lang ako, at napilitan lang akong hawakan ang position na ito, dahil kunti lang naman kami sa klase.
"Hindi pwede si Raffa, birthday daw ng anak niya. "
Damn! Aanak-anak kasi ng maaga! Ayoko sa mga ganung camp, matao, malamok, limited ang tubig at nakaka antok ang mga sessions. Mas gusto ko pa sa bahay at manood na lang ng TV o di kaya gumawa na naman ng bagong design, hindi ko pa natatapos iyong huli dahil naguguloha na ako kung ilang floors ba talaga dapat ang ilagay ko.
Ang babaeng iyon kasi!"Well, sorry Mr. Luzada but weather you like it or not ikaw na ang naregister kong dadalo doon."
Napa busangot na lang ako sa harap ni Sir, wala akong paki alam kung pagagalitan nya ako dahil sinimangotan ko siya, kung siya din kaya pagalitan ko sa pagregistered sa akin ng walang pahintulot?!
Disganado kaming lumabas ni Jeff sa opisina ni Sir, mapanot sana lalo ang matandang iyon.
"Okay lang yan Tol, magkasama naman tayo." Pagencourage sa akin ni Jeff.
"Iyon na nga! Magkasama na naman tayo! Walong taon na tayong magkasama hindi ka pa ba nag-sasawa?" Reklamo ko sa kanya, simula 1st year high school kasama nya na ako, hihirit pa daw!
"Grabe ka talaga sa aking gago ka!"
Gago? demonyo kaya ako!
Hindi ko na lang pinansin si Jeff at tumuloy naa sa paglalakad. Papunta na ako sa classroom ng matanaw ko si January na naka sabit na naman sa pader ng CoEd building, napabuntong hininga na lang ako at least ngayun medyo malapad na ang apakan niya at may naka kabit na sa bewang niya para sigurohing hindi siya mahuhulog, ang hindi lang talaga kanais-nais ay si Simon na kasama niya.I hate that guy, laging epal! Tss. Ihulog ko sila dyan eh.
"Hinuholog mo na ba si January One sa utak mo? Ano wasak na ang utak at ngala-ngala nya?" Biro ni Jeff sa akin.
"January First hindi One, isahan kita dyan, eh!"
"Ito naman napaka protective sa pangalan ni January, huwag kang mag-alala naka record na iyon sa NSO hindi mo na mababalikan."
"Gago!"
Pumasok na ako sa room at umupo sa tabi nina Raffa, at sinimulan mag-isip kung paano ako magpapa alam kay Mama, 3 days and 2 nights din iyon.
Maaga akong umuwi kina haponan, hindi kasi ako ginambala ng makulit na magkukulam na kulang na lang ay walis, very unusual nga dahil lagi iyong naka abang sa may gate para kumaway, hindi ko maman pinapansin.Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Mama na naka upo sa sala at nanonood ng local news.
"Ma?!" Tawag ko dito.
"Bakit?" Tanong nito, umiling-iling lamang ako.
Tuwing umuuwi ako si Mama agad ang hinahanap ko at kahit nakita ko na sya hindi parin ako matatahimik hangang hindi ko naririnig ang boses niya.
Dumiretso ma ako sa kusina at nagbungkal, may toron doon pero wala pa kaming ulam. Kumuha ako ng toron at tinabihan si Mama sa sala, sumiksik pa ako dito, pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kapag nakita nila akong ganito, kay Mama lang naman talaga kasi ako mabait."Ang laki-laki mo na Basti sumisiksik ka parin kay Mama." Puna ni Kuya Jay na pababa sa hagdan.
"Ingat ka lang!"
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#