January Twenty Five

137 4 0
                                    


CHAPTER 25

Ilang minuto matapos sabihin ni Jeff iyon sa akin ay umalis na ako, at nangakong babalik ako kinabukasan bago magising si Catherine.

"Aaauuuggghhhhh!"

Pinaghahampas ko ang manibela ng kotse ko sa akalang kapag sinaktan ko ang sarili ko physically baka mawala na din ang sakit na nararamdaman ko sa loob, but I was wrong nanatili ang subrang sakit.

I drive, iyong klase ng pagmamaneho na hindi ko pa nagawa sa tanang buhay ko. Kahit kailan hindi ako lumagpas sa 60 pero ngayun ay higit pa sa doble ang bilis ng takbo ko. Tangina! Kung sakaling babanga man ako sa oras na ito ay okay lang matigil lang ang sakit. Mula ng magbinata ako, ngayun lang ulit naulit ito, ang umiyak ako. Sa subrang sakit kasi ay hindi ko na kayang panghawakan ang sarili kong emotion.

Dirediretso ang takbo ko, walang direction kung papunta saan gusto ko lang ay lumayo at mawala saglit. Catherine is dying, kapag hindi parin ako lumayo kay January baka ulitin nya na naman iyon, at habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag may nangyaring mas malala sa kanya.

Dinala ako ng sarili ko sa labas ng bahay nina January, saka ko lang narealise na nadito na pala ako ng huminto ang kotse, hindi ko alam kung nagkusa ba ang kotse ko o alam lang talaga ng tadhana na ito ang kailangan ko.

Tanging ang ilaw na lang ng kwarto niya ang nakabukas, tiningnan ko ang relos ko, pasado ala-una na ng madaling araw pero gising pa siya, sinuntok kong muli ang manebela ng marealise kung bakit, inaantay niya ang tawag ko, I remember telling her bago umuwi na huwag siyang matutulog hangan hindi ako tumatawag.

"Putang ina mo Sebastian! Hayup ka kasi! Napakainutil mo!" Paulit-ulit ko na namang mura sa sarili ko.

Kailangan kong tapusin ito, hindi pwedeng katulad noong dati na basta na naman akong iiwas sa kanya, palagi ko siyang iniiwan ng walang clue, karapatan nyang malaman ang totoong feelings ko at ang dahilan kung bakit ko na naman ito gagawin sa kanya.  Wala akong karapatan sa mundong ito pero si January she deserve everything in this world, kasama na doon ang honesty.

Masasaktan mo na naman siya Sebastian. Bulong ng kalahating parte ng utak ko, na nagpaiyak na naman lalo sa akin.

Pero kung hindi ko ito gagawin si Cathy naman ang masasaktan. Mas masasaktan siya. Higit na malakas si January kay Catherine, maiintindihan nya naman siguro ang magiging decision ko at susuportahan, mabait si January maiintindihan nya ako.

I dial her number, at matapos ang dalawang ring ay sinagut nya na ito.

"Seb akala nakalimutan mo na naman ako!" Bungad niya sa akin.

Gusto kong matawa dahil kunwaring nagtatampo na naman ang boses niya, pero imbes na matuwa ay nalungkot pa ako, this may be the last time that I will talk to her over the phone.

"Baba ka, nasa labas ako."

"Huh?!" Bumukas ang bintana ng kwarto niya at sumilip siya doon pero agad din umalis ng makita ako "Anong ginagawa mo dito? Late na!"

Bumukas ang ilaw sa may hagdan nila at dahil salamin ito at ay nakita ko siyang pababa dito. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at inayus muna ang sarili bago bumaba ng kotse.  Nakita ko siyang lumabas ng gate naka pyjama na ito at jacket na may desinyong unicorn. Sinalubong ko siya, nabigla ako ng tumakbo ito papunta sa akin at inakap ako.

"Nagalala ko ng hindi ka agad tumawag, then your brother called hindi ka pa daw umuuwi hinahanap kana ng Mama mo! Saan ka ba galing."
Oo nga pala may pamilya akong nagaantay sa akin na umuwi sa subrang lutang ko kanina ay hindi ko man lang nagawang magtext sa kanila para ipaalam ang lagay ko.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon