January Thirty Eight

156 6 0
                                    


CHAPTER 38

Mabilis ako nagpunta sa hospital, hindi man lang ako nagpalit bumaba agad ako at sumakay ng kotse, subra akong kinakabahan habang nasa byahe, takot na takot na baka kung anong mangyari sa kanya habang wala pa ako doon.

Umiiyak na ako noong makarating ako sa hospital, tinakbo ko pa mula 1st floor hangang 4th floor kung nasaan ang kwarto niya, hindi kasi gumagana ang lift at ang adrenaline ko umaapaw na kaya hindi ko na ininda ang layo ng nilakad ko.

Pagdating ko doon ay nasa labas ng kwarto si Tita Dale, agad akong dumiretso sa may pinto binuksan ko ito at doon nakita ko ang lagay ni Wari, naiiyak pa ako pero pinahid ko agad ito sa takot na makita nya, kung ano-ano na naman apparatus ang kinakabit sa kanya at may injection na naman na naka-handa.

Sininyasan ako ng nurse na isara ang pinto kaya wala akong nagawa kundi ang isara na lang ito, at umiyak na naman. Kapag nakikita ko ng nasa ganung scenario si January hindi ko na napipigilan ang sarili na huwag masaktan at maawa sa kanya, alam ko kasi na subra ang sakit na nararamdaman niya at kahit hindi iyon akin nararamdaman ko din ito.

"Seb taha na." Pagpapatahan sa akin ng Mommy nya.

Pinapatahan nya ako habang siya din itong umiiyak.

"Tita ano pong nangyari? Bakit siya kinombution? Kanina okay pa naman siya pagalis ko."

Nakita ko ang pagpikit ni Tita na para bang napaka hirap ng tanong ko, tumulo lalo ang luha niya kaya naiyak din ako lalo.

"Kanina sabi ni Doctor nirereject na daw ng katawan ni January ang medication, kumakalat na daw ang cancer maging sa ibang bahagi ng katawan niya."

"Bakit?  Tuloy-tuloy naman po ang pagpapagamut niya sinosunod naman natin lahat ng bilin nila kaya bakit lalala?" Frustrated kong tanong.

Lahat ng sabihin ng doctor kahit na nahihirapan si January ginagawa namin kasi sabi nila it's for the better, kaya nga panag chemotherapy namin kasi sabi nila gagaling siya, tapos sasabihin nila it's getting worse at kumakalat na daw. Tangina nila!

"Sabi nila kailangan na daw gawin iyong operation para tangalin iyong tumor pero alam naman nating hindi na kaya ni January ang isa pang operation, but we don't want to prolong her agony. " paliwanag ni Tita na subrang nagpabigat ng loob ko.

"Tita para nila tayong pinapipili between a very risky operation or watch her as cancer eat her, trabaho nilang gamutin si January, may iba pa naman sigurong paraan para mapagaling siya ng hindi inooperahan, diba?"

If she undergo that operation mas malaki ang chance na hindi na siya makalabas ng buhay sa ER o di kaya ay macoma ulit ng mas mahabang panahon, natatakot ako para sa kanya, hindi pa ako handa na mawala siya.

"Hindi pa ito alam ni January, bukas uuwi ang Daddy niya we will talk this over I want you there Sebastian dahil subrang halaga ng opinion mo sa amin."

"I am too weak to decide Tita."

"Hindi tayo ang magdedecision Seb, si January pero malaki ang influence mo sa decision nya."

Nagiiyakan kami ni Tita doon, panay ang bulong niya ng dasal sa tabi ko habang ako naman ay umiiyak dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa loob. Idagdag mo pa iyong sinabi ni Tita hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang tama, ang operahan siya pero walang kasiguradohan o makasama siya ng matagal pero alam namin na hindi na siya magtatagal, either way hindi ako magiging masaya.

"Sebastian, Ate Dale pwede na kayong pumasok." Si Ate Ganda pagka bukas ng pinto, lumabas na din ang doctor at ilang nurse.

Agad akong pumasok sa loob at dinaluhan siya, may mga machine na namang nakakabit sa kanya may oxygen na naman sa mukah niya, payapa na ang paghinga nya at palagay ko naman ay nawala na ang sakit ng ulo niya.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon