CHAPTER 20"Basti anak hindi ba talaga pwedeng bumisita man lang dito si January?"
Tanong ni Mama habang kumakain kami ng almusal.
Sa tuwing magkikita ata kami ni Mama ay tinatanong niya ako ng kaparehong tanong, minsan nakakairita na lalo pa at hindi ko na siya nakikita, dalawang linggo ng nagsimula ang 2nd semester pero hindi parin siya pumapasuk, hindi na rin siya nagpaparamdam wala akong natatangap na text o message galing sa kanya, huling punta nya ata sa school ay noong enrolment na pinagalitan siya nina Raffa at aang huling kita ko naman sa kanya ay 4 days after noon sa mall, kumakain siya ng hotdog at ice cream kasama ang isang bata, she look so cute that day, wearing the same unicorn jumper like the girl. Gustong-gusto ko siyang lapitan noon pero hindi ko ginawa.
I am giving false hope, sa kanya at sa sarili ko, pinaasa ko ang sarili ko na kaya kong magbago para sa kanya pero hindi, kahit anong gawin ko I am still a heartless beast na walang ibang priority sa buhay kundi ang magaral. At sita naman kahit balibaliktarin ay hindi ko kayang abutin, just like what Raffa told me, I don't deserve her, and she don't deserve me.
Kung pwede lang talaga na tulad na lang noong dati na sa pagaaral ko lang inuubos ang oras ko wala ng iba, ito lang ang mahalaga sa akin, ito lang ang iniisip ko, pero hindi kasi madali, hindi madaling huwag isipin si January First, nilamon nya na ang boung pagkatao ko.
"Nak naman, papuntahin mo na kasi dito si January." Pagpupumilit parin ni Mama, hindi kasi makakauwi si Papa ngayung linggo dahil kailangan nitong magreport sa main camp nila, kaya walang ibang ginawa si Mama kundi kulitin kaming mga anak nya.
"Ma hindi nga pwede."
"Bakit di pwede kuya? Nagaway ba kayo? Hindi na kasi natin siya dinadaanan papuntang school." Tanong naman ni Kim.
"Oo nga naman Basti, may ginawa ka ba kay January?!" Wala akong ginawa sa kanya peri iyong pinsan nya pinapalayo ako sa kanya.
"Ma may sariling mundo si January, huwag na natin siyang gulohin."
Umirap lang si Mama bago kami iniwan doon at tinuloy ang pagkain, hindi nagtagal ay bumalik din ito sa mesa at ini lapag sa harap ko ang dalawang transparent topper ware na naglalaman ng pastilyas ang isa habang cookies naman ang sa kabila.
"At least bring this to her, she would love it." Paki usap pa nito.
Napahalumbaba na lang ako, I know my Mom mahirap kuhanin ang loob nya pero si January isang beses nya pa lang nakasama si Mama pero gustong-gusto na siya nito. January effect.
"Please Sebastian, ayaw mo na siyang dalhin dito kaya kahit ito man lang mapag bigyan mo ako. And it's Saturday siguro naman nasa bahay ito, diba?"
"Fine! After kong kumain pupuntahan ko siya." Sabi ko para tumahimik na siya.
Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Mama, ngiting nagsasabing nagtagumpay siya.
"Sama ako!" Hirit ni Kim.
"Ako lang!"
Mabagal ang mga sumunod na subo ko, kahit noong natapos na ako at naliligo ay mabagal pa din ang kilos ko, para bang gusto kong mabilis na dumaan ang oras sa pagbabakasali na magbago pa ang isip ni Mama, pero hindi. Halos itulak nya na nga ako palabas ng bahay noong maakita nya akong naka bihis na.
Byumahe na ako papunta sa subdivision kung saan naka tira si January, nag-salute pa nga sa akin iyong guard nila ng makita ako.
Pagdating ko sa kanila ay agad akong nag-doorbell pero walang lumabas, naka ilang beses kong inulit iyon pero wala talaga, marahil ay walang tao, pero baka naman nandyan lang si Ate Ganda, hindi naman iyon gaanong umaalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#