CHAPTER 21Ilang araw ko na naman siyang hindi nakita after non, pero wala paring palya ang pandesal na galing sa kanya. Kung kanikanino nya ito pinapadala, nagulat nga ako dahil noong isang araw iyong school doctor ng university ang nagabot sa akin.
Kanina na ay siya na ulit ang nagbigay sa akin, gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa nangyari sa classroom nila, subra akong binagabag ng konsensya ko, akalain mo ba naman may conscience pala ako! Pero hindi man lang ako nakabigkas ng kahit isang word man lang.
When I saw her smile na para bang wala lang iyon sa kanya, na andyan na naman siya sa akin ay umurong ulit ang dila ko, wala na akong nasabi. Iba kasi ang pakiramam ko kapag kaharap ko na siya, alam mo iyong nakaka-hinga ako ng maluwag na kahit anong gawin ko sa kanya ay akin parin siya hindi siya mawawala.
"Ingat ka Seb." Iyon lang at tumakbo na siya palayo sa akin.
Matapos iyon ay hindi ko na siya nakita sa campus. Kahit sa mga sumunod pang araw ay ganun din ang nangyari, aabutan nya lang ako ng pandesal pagka-tapos ay aalis na, hindi na ulit magpapakita hangan sa susunod na araw. Nafrufrustrate tuloy ako, hindi ko naman na siya makumusta kay Raffa dahil hindi na kami nag-uusap, hindi na. Mapride kasi kami pareho, walang gustong may maunang kumausap. Ang lagay ay nagkawatak-watak na kaming apat, silang dalawa ni Kent amg laging magkasama habang kami naman ni Jeff, madalas ay nandyan din si Cathy.
"Baka naman lumalapit ka pa din doon sa January na iyon, magagalit na talaga ako!" So iyong ginawa nya sa klase nina January, hindi pa pala siya galit non.
"Cath pabayaan mo na si January, hindi ka naman inaano nong tao."
"Akala mo lang iyon."
Kapag ganun na ang reaction niya ay hindi ko na pinapatulan pa, si Jeff ay tinitingnan na din ako ng masama nagsasabing huwag ko ng patulan pa. Ayoko namang magkasamaan din kami ni Cathy kaya ako na lang ang sumusuko, di bali na kaibigan ko na naman siya.
Madalas ay tinutupak siya, matapos iyong scenario sa klase nina January ay nagwala siya sa kwarto niya, iyak siya ng iyak, galit na galit din ang Mommy nya, imbes na daluhan siya ay mas pinagalitan pa ito, naawa ako sa situation niya, paano niya maoovercome ang depression kung walang suporta ang pamilya nya.
"Basti, gusto mong sumama hihigop kami ni Raffa ng mainit na sabaw?" Aya ni Kent ng matapos ang klase namin.
Siya at si Jeff ang bumabangka sa amin ni Raffa, kami lang naman dalawa ang may problema kaya bakit sila makikisama."Kayo na lang, may tatapusin pa akong plates."
"Next week pa naman ang submission non, bulalo muna tayo sa diversion!"
Tiningnan ko si Raffa na naka tingin din sa akin, walang emotion ang mukah nito at palagay ko wala pa sa mood para kausapin ako.
"Hindi talaga Kent, sabi ko din kasi kay Mama maaga akong uuwi."
"Paano kapag nas New Zealand na tayo? Magiiwasan parin kayo, para kayong mga tanga!"
Hindi na ako kumibo lumabas na ako ng classroom at naglakad papunta sa parking lot, nakakainis madalas si Raffaelle, ang tingin ko lagi sa kanya ay kalaban sa klase pero nakaka-miss din kasi iyong samahan naming apat, for 4 years ay kaming apat ang magkakasanga, pero dahil sa pride masisira iyon.
Actually hindi naman dapat kami magiiwasan ng ganito, Oo sumama ang loob ko sa hiniling niya pero ginagawa ko naman ito, kaya wala dapat kaming problema. Pero iba na kasi ito, may kasamang feeling, nasasaktan akong iwasan siya, idagdag mo pa si Cathy, kahit gusto ko ring panigan si January o kahit maging patas man lang ay hindi ko magawa. Bullshit!
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#