January Twenty Seven

151 6 4
                                    


CHAPTER 27

Kasabay ng school festival ang birthday ni Raffa, kaya lahat ng tao sa university ay abala, may kanya-kanyang booth ang bawat organization's, at ngayung araw kaming magkakaibigan ang nakatoka na magbantay ng booth namin, hindi lang naman kaming apat dahil sampo kami, madalas nga lang ay alis ng alis ang iba, pumupunta sa ibang booth.

"Wala na bang ibang naisip itinda ang mga architecture students maliban sa t-shirt na may iba't-ibang rural at vernacular architecture?!" Reklamo ni Kent, akala mo naman ay may naiambag siya noong magmeeting ang org.

"Anong gusto mong gawin magtinda tayo ng tilapia dito?" Sarcastic kong tanong sa kanya, inirapan naman ako nito, bastos talaga.

"Something creative man lang sana, naturingan pa man din tayong mga futire architect pero walang creativity sa katawan." Sabi naman ni Charlie isa naming kaklase.

Nakakainis iyong reklamo ng reklamo wala namang naiiambag, pero kung sabagay taon-taon na lang ata ito ang booth namin, basta t-shirt na may architectural attractions sa amin mo makukuha (Alangan sa mga culinary diba?)

"Fine arts na naman ang mananalo sa pagandahan ng booth ngayung taon, talagang gumawa pa sila ng gallery para maibinta lahat ng paintings at crafts nila." Sabi pa ni Kent, taon-taon sila ang maguuwi ng pinakamaraming awards, palibhasa ang dami-dami nilang pakulo, hindi nauubosan ng gimik.

Speaking of her course,  kanina ay nakita ko siya sa parade, siya kasi ang may hawak ng tarpaulin nila kaya nandoon siya sa unahan, silang dalawa ni Simon actually. Ang ganda niya doon, siya ang nangingibabaw sa lahat, palibhasa boung parada kasing nakangiti, siguro ay nangangalay na ang mga panga noon.

"Ano sasama ka ba sa amin nina Raffa mamaya?" Mamaya kasi ang celebration ng birthday ni Raf, nagkasundo kami na magbabar na lang, katulad noong dati.

Wala si Jeff ngayun, nasa ospital hindi para bantayan si Cathy kung hindi para magpagamot, nakakain daw kasi ito ng sirang karne kaya sumakit ang tiyan, napaka patay gutom naman kasi ng isang iyon, ikamamatay nyaa yang katakawan nya.

Tinanguhan ko si Kent "Yeah, alangan namang hayaan kita doon, maagang aalis si Raffa malamang, baka malasing kana naman at magkalat, at least may magsasabi sa presinto ng pangalan at number ng magulang mo."
The last time he got drunk, nadampot siya ng mga pulis dahil umihi daw sa mobile ng mga ito, lasing na lasing hindi na nga kayang sabihin ang pangalan niya, kaya isinaama na ng mga pulis sa station nila, noong magising daw ay iyak ng iyak, si Raffa ang tinawagan niya dahil takot siya na patayin ng tatay nya kapag nalaman ang ginawa, noong pinuntahan namin ay umiiyak pa ito, buti na nga lang at handy ang apelyido nang mga Solidad, kaya napakiusapan ang hepe nila na palabasin na si Kent at nangakong hindi na mauulit.

"Hindi ko na gagawin ulit iyon."

"Kwento mo sa pagong, walang maniniwala sayo."

Bumusangot na lang ito at itinoun ang attention sa binibilang na mga t-shirt, nabibilang pa ba namin ito ng tama gayung kwentohan lang kami ng kwentohan, maya-maya pa ay dumating na si Raffa na inabot na naman ng isang oras sa CR.

"Wow dude akala ko kinain kana ng inidoro!" Pangiinis na naman ni Kent, hindi naman ito pinatulan ni Raffa pero pinatikim nya parin ng malakas na sapok.

Lihim naman akong napangiti, ang sarap lang kasing makitang nasasaktan ang kaibigan ko.

Mabenta naman ang paninda namin, puros babae ang dumadayo, nagtataka na nga ako kung t-shirt ba talaga ang pinunta nila sa booth namin o dahil iyong mga may itsurang archi student ang pinagbabantay ng mga faculty namin, either of the two ang mahalaga ay nakakabenta kami ng marami na gagamitin para sa field study ng mga freshmen.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon