CHAPTER 34I am still holding her in my arms habang halos paliparin na ni JR ang sasakyan sa bilis ng takbo nito, wala ng malay si January at namumutla na rin ito.
Bakit hindi ko man lang napansin? Hindi siya okay lately, pumayat siya at maputla ang pagkakaputi niya, sa subra kong sabik sa kanya hindi ko na pinansin ang physical niya, and she's sick. How come that she's sick?! Ang lakas-lakas nya pa, she's still so bubbly and energetic, kailan pa iyang sinasabing sakit nya? Kahapon? noong isang araw? Damn it's so frustrating.
15 minutes ang layo ng hospital sa funeral home, ang alam ko ay may malapit lang doon pero hinayaaaan ko lang si JR na magmaneho dahil sa mga oras na ito siya ang higit na nakaka-alam. Sa loob ng 15 minutes ay nasa backseat lang ako at hawak si January, good thing she's still conscious dahil kung hindi ay baka kanina pa din ako naglupasay dito.
May masakit siya iyon lang ang alam ko, hindi niya sinasabi pero sa itsura niya ay halatang nahihirapan na siya, hinhawakan ng dalawang kamay nya ang kanyang ulo at hindi na nakatiis.
"Ahhhhhh!" Sigaw nya na nagpataranta sa akin.
"Shit January, ano ang masakit?" Taranta ko pang tanong, I feel stupid, I am so clueless wala akong alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya.
Mas lalo lang siyang nagsisigaw sa sakit ay umiyak, sinyales na mas sumakit ang kung ano mang iniinda niya.
"Malapit na tayo!" JR announced bago iniliko ang sasakyan sa hospital.
Pagtigil nito ay agad akong binaba at kinarga si January, pero hindi pa man kami nakakapasuk ay bigla akong sinukahan nito, imbes na mandiri ayas natakot pa ako? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?!
Inihiga ko siya sa kama at si JR naman ay tumawag ng nurse.
"Please Wari hold on." Pakiusap ko sa kanya habang hinahawakan ng mahigpit
Hindi ako nito sinagut imbes ay mas hinawakan nya lang lalo ang ulo niya at umiiyak sa sakit. Awang-awa ako sa lagay nya, kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak, seeing the person you love in pain is torture.Mabilis namang bumalik si JR at may kasama ng nurse, itinakbo ng mga ito si January papunta sa emergency room, nakasunod pa kami ni JR hangan sa pinto, gusto ko pa siyang hawakan at samahan pero pinagbawalan na ako ng mga nurse.
It is so frustrating knowing na nasa loob siya nahihirapan at nasasaktan habang ako nandito lang sa labas at walang magawa at walang alam sa nangyayari. Malakas kong sinuntok ang pinto ng ER, akala ko masasaktan ako pero Namanhid na ata ako at hindi na nakaramdam ng sakit ng katawan. Napaupo na lang ako sa sahig at hinilamos ang mga palad,
Nilapitan ako ni JR at inabutan ng bahong t-shirt, hindi ko man lang napansin at naamoy ang polo ko na sinukahan nya na pala."Magpalit kana muna Basti, lalabas na din iyon si January."
"Aantayin ko na sya, she need me dito lang ako."
Umiling lang ito na para bang hindi siya sang-ayun sa gusto kong mangyari, at inilapag sa harap ko amg bagong t-shirt.
"Sa mga ganitong pagkakatapos Basti dapat maging matatag ka , kapag nakita ka ni January na nasasaktan mas lalo lang siyang masasaktan."
Napaka kalmado ni JR ngayun iyong tipong sanay na sanay na diya sa ganitong scenario, I don't know if dahil sa training nya sa academy o madalas siyang nasa ganitong tagpo. Paano naman ako kakalma first time kung makita na ganun kahina si January, hirap na hirap siya at subrang sakit ng kung ano man ang iniinda niya.
"Sabihin mo nga sakin ano ba ang nangyayari kay January?" Diretso kong tanong kay JR.
"Isn't it obvious? She's sick."
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#