CHAPTER 45Walang sino man sa amin ang nagbangit ng mangyayari sa araw ng new year pero lahat kami ay aware sa kung ano man ang mangyayari sa araw na iyon, nagdarasal kami para sa milagro pero hinahanda na namin abg sarili at lahat para sa pagdating ng araw na iyon.
Lahat ng oras ko ay ibinigay ko kay January, hindi ko hinahayaan na magkalayo kami kahit saglit, ito na lang kasi ang magagawa ko, darating ang araw na hindi ko na siya mayayakap at mahahalikan, dalawang bagay na pinaka mamimiss ko sa kanya, we celebrate Christmas sa bahay ng pamilya ko, sumama ang parents at si Ate Ganda niya, iyon ang pinakamasayang pasko ng buhay ko at una't huling pasko din namin na magkasama.
On Christmas I received a portrait of January and I galing kay Simon, iyak ng iyak si January dahil hindi daw nakuha ni Simon ang green na mga mata ko, tawang-tawa naman ako pero sa huli ay tinulungan ko parin siyang maghalo ng pintura para sa tamang kulay ng mga ko.
"Alam mo namang sa mga mata mo ako unang nain-love diba?" Umiiyak nya pa ding sabi joong mapalita na namin ang kulay.
Isinabit ko ito sa kwarto ko at kapag nagkaroon na ako ng sariling bahay sisiguradohin kong sa sala ng bahay ko iyon ilalagay, magaling na pintor si Simon at balang araw alam ko na sisikat siya.
Noong araw din ng pasko ay binigyan ko si January ng singsing bilang regalo, isang plain white gold na sing-sing, tangna lahat ng inipong pera ko sa bangko ang ibinili ko ng sing-sing na iyon, isa siyang couple ring na may nakaukit na pangalan namin sakanya ay "Sebastian Olly" habang ang akin naman ay "January First", kilig na kilig ang lola mo! Sing-sing pa lang iyon kung pwede ko lang sana siyang pakasalan ng araw na iyon kaso shempre tangap na ako ng Daddu nya pero kuntrabida parin ito sa amin.
Dumating din si Katherine kasama si Jeff noong araw na iyon, nang malaman daw niyang nasa Naga kami ay hindi na siya nagdalawang isip na magpasama kay Jeff para humingi sa amin ng sorry sa amin ni January, for being mean and selfish. Napaka bait ni January para patawarin so Cathy ng subrang bilis sa dami ng ginawa at sinabi nitong masasakit kay January.
"Waring hindi tamang patawarin mo siya agad." Kuntra ko dito, magagawa mo lumabas ang sungay ko noong nakita ko siya.
Kahit pa sabihin na kaibigan ko siya at mas matagal kong nakasama mas nanaig parin iyong pagiging selfish ko kay January, sinaktan nya ang mahal ko kaya tama lang na magdusa siya sa subrang guilty.
"Seb naman! Baka maka-abala pa iyan sa pagpunta ko sa langit eh!" Parang bata niyang sabi "Beside nag-sisisi na naman siya ano ba iyobg patawarin na natin siya, hindi na naman maibabalik ang nakaraan kahit gaano pa tayo kagalit sa kanya."
Napatawad ko na si Catherine dahil napatawad na din naman siya ni January, ang mahalaga ay hindi na siya ulit manggugulo at magpapaka disperada makuha lang ako, dahil alam na naman ng lahat na nandyan man o wala si January, ang puso ko kanya parin.
Umuwi kami sa Partido kinaumagahan, at matapos lang din ang masayang araw na iyon ay mas lalong nanghina si January, mas naramdaman namin ang pagdating ng bagong taon. Sunod-sunod ang nangyaring pagpapahirap ng cancer sa katawan niya, iyak at hiyaw ang laging maririnig sa kwarto niya, minsan ayoko na siyang panourin ng ganun dahil pakiramdam ko ay napaka-wala kong kwenta, hindi ko man lang kasi siya matilungan alisin ang sakit.
Natatangi lang ang goal ko ng mga panahon na iyon, ang gawing masaya at memorable ang new year namin, sinikap kong lahat ng kamag-anak at kaibigan niya ay makasama namin kahit sina Mama ay pinakiusapan ko na pumunta sa Partido para sa kanya. Nakiusap din ako sa Lolo niya na maari bang sa may malaking puno na kami mag-celebrate ng new year dahil iyon ang gusto ni January na doon siya sundoin ng Lola niya.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#