January Twenty Eight

139 5 1
                                    


CHAPTER 28

Pagbalik namin sa lamesa ay nakay January na lang talaga ang boung attention ko, nagugulohan ako, madaming tumatakbo sa isip ko, lalong-lalo na ang punyetang 11 star na iyan ano ba talaga ang ibig sabihin non, bakit ba kasi hindi ko ito tinanong sa kanya noong unang beses ko itong nakita.
Basta ang naalala ko na lang ah labing isang bitwin ito na may iba't-ibang laki, nakalinya ito mula sa kaliwang balikat niya hangan sa kanang balikat, it was beautifully done. Ang bobo ko lang naa hindi ko tinanong kung bakit at para saan iyon.

Nilagok ko ang natitirang laman ng bote ko, pangilan na ba ito?

"Hoi Basti nakakarami kana magdradrive kapa pauwi." Sabi ni Nicollo noong inilagay ko na sa lamesa ang walang laman na bote.

"Hindi pa ako lasing." Which is true,  kaya ko pang umuwi sa amin.

"Madalas sagut ng mga taong lasing na." Sabi naman ni Simon, mag-bestfriend talaga sila.

Naglaro pa sila hindi ko alam kung laro o laitan dahil kinukuntra nila ang sinasabi ng bawat isa, may isang fishbowl at sa loob nito ay may mga papel na sinulatan ng mga salita na kailangan mong dugtongan, isa-isang sasagutin ng lahat ang tanong.

"Sebastian ikaw na ang bubunot." Pagkatapos ay iniabut sa akin ni Trinitu ang fishbowl, hangan ngayun I still wonder kung paano siya nakuha ni Nicollo, ang bait, talino at hinhin nya habang salamuha naman ang pinsan ko.

"Huwag mong tingnan si Trinidad ko na para bang aagawin mo siya." Saway sa akin ni Nicollo.

"Baki na trigger ka? Mas bagay kami." Pangiinis ko dito.

"Huwag ka namang ganyan Basti, harap-harapan nandito si January oh!" Banat ni Kent na walang sumakay, lahat kasi natahimik sa sinabi nya, walang may gustong gumatong at magreact.

Tss, bakit naman yan magseselos may nakalingkis na nga agad sa kanya.
Tumikhim si Raffa "Bunot na Basti ng matapos na ito."

Bumunot na ako ng papel at binuklat ito "I hate ...."  Basa ko sa nakasulat.

Saglit akong nagisip ng kung ano ba ang pinaka-ayokong bagay sa  mundo hangan sa napatingin ako kay January,  nakatingin din ito sa akin at inaabangan ang isasagut ko.

"I hate favors."

Siguro iisipin nila na ang sama ko nga dahil ayaw ko man lang mahingan ng pabor o maabala, pero lately kasi tinambakan ako ng iba't-ibang pabor na hindi ko gusto pero napipilitan akong sundin. Tiningnan ko si Raffaelle naka-yuko ito at umiiwas sa tingin ko.

"Ako na." sabi ni Kent na nasa tabi ko "I hate deadlines."

"Tamad ka kasi." sabi naman ni Raffa kasama kong nakaka witness sa mga cramming days ni Kent. "Si ikaw na."

"I hate 2 am calls." Sabi ni Simon na agad sinangayunan ni Greg kahit hindi pa naman siya.

"Me too, I hate 2 am calls."
"So am I, aside sa mga kaibigan ni Trini I hate 2 am calls." Si Nicollo.

"I hate 2 am calls too, so much." Sabi din Raffa.

"What's with 2 am calls? Sinong tatawag ng ganung oras?" Tanong ni Kent.

Sabay-sabay na tumingin iyong apat kay January bago nagtawanan, si January ang tumatawag sa kanila ng ganun ka late? Bakit naman niya gagawin iyon? Then sana ako na lang ang tinatawagan nya, I will answer her call kahit ala una, alas dos o alas tress pa ito.

"Ako na! Ako na!" Sabi ni Trinity "I hate all the girls Nicollo flirt and still flirting with! "

"Hoi wala akong nilalandi maliban sayo!" Dipensa ni Nicollo, na agad tinoktokan ni Simon sa ulo.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon