January Thirty Nine

147 10 0
                                    


CHAPTER 39

Matagal kung tuliro dahil sa huling sinabi nya, pinagmasdan ko siya hababg natutulog hangan sa hindi ko na napansin na lumuluha na pala ito, agad ko naman itong pinahid. Gusto niya akong maging handa, handa ako na madami kaming pag-dadaanan the operation and the therapy will be hard pero handa ako, pero iyong mapapagud siya at susuko na kami, iyon ang hindi ko napag-handaan.

After 30 minutes bago dumating si Ate Ganda at sinabing pinapasunod daw ako ng parents ni January sa office ng doctor niya, hinalikan ko muna si January sa noo bago pinuntahan ang mga ito.

Nakaupo ang mag-asawa sa sofa ng opisina, si Tita Dale ay umiiyak na naman habang si Mr. Solidad ang kaninang matapang nitong mukah ay bakas na ang takot, kinabahan agad ako, ang expression nila ay nagpapahiwatig sa akin na dapat matakot ako at ihanda ang sarili.

"Pinag-uusapan namin Sebastian kung ano ang makabubuti para kay January, at mukang hindi nagkakasundo ang mag-asawa kaya pinatawag ka nila dito." Sabi ng Doctor.

Minsan ng nasabi sa akin ni January kung bakit naghiwalay ang parents nya, noong nagkasakit daw siya madamung bagay ang hindi nila napagkakasundoan, her father is a risk taker habang takot naman ang Mommy nya, hindi naman daw talaga ito maghihiwalay pero si January na ang nakiusap sa mga magulang nya na bigyan sandali ng space ang bawat isa, lalo na noong gumising siya at nadeclared na cancer free ay mas pinush nya ito, para mabigyan naman nila ng panahon ang bawat isa, akalain mo nga naman simula pagkapanganak sa kanya umikot na ang buhay ng mga magulang sa kanya.

Pumuntang Singapore si Mr. Solidad para palaguin lalo ang negosyo at pumasok bilang flight attendant si Tita Dale para ipursue ang pangarap nito na libutin ang mundo, sabi ni January halos hindi pa daw kasi nakaka-move-on ang mga ito sa pagkawala ni Pauwi, paano ka nga ba talalga makakapag-mourn sa pagkawala ng anak mo habang ang isa mo pang anak ay lumalaban sa cancer.

"Pj here want his daughter to undergo another operation, while Dale is afraid, ikaw Basti sa palagay mo ano ang makabubuti kay January?"

Bakit ako?

"C'mon Sebastian the operation can cure January, tulad noong mga nauna she will survive,  handa naman tayo kung sakaling macomatose ulit siya, diba? Kasi sigurado Wari will fight gigising  siya." Determinadong sabi ni Mr. Solidad.

"Nababaliw kana ba Pej?! Alam mong hindi na kaya ng katawan ni January,  the last one halos hindi na siya gumising, I can't bear to see my daughter undergo the same pain, maawa naman kayo sa katawan nya!" Pakiusap ni Tita Dale.

"Then ano? Ikujuling natin siya dito sa hospital ulit? Papanourin na magundergo sa iba't-ibang therapy, hindi bat mas mahirap iyon Dale?"

"Kisa naman maulit na naman iyong parang lantang gulay si January na pinapanoud natin habang nagaantay sa kanyang magising, did you remember what the doctor told us na kung hindi siya nagising noong mga iras na iyo  mamatay na siya!"

"Iba ngayun Dale, we have to do something! Kumakalat iyong cancer sa katawan nya."

"Do you remember her reaction noong nagising siya at wala na ang Mama mo?!"

"This time will be different!"

"This time is more difficult!"

Pareho silang may ipinaglalaban, pareho ko silang naiintidihan, I want January to stay pero ayoko namang makita siyang pinagdadaanan ganun, kumakalat ang sakit niya pero mahirapan siya if she will undergo the operation, the chance of survival is little kaya takot si Tita Dale mag-take risk, si Mr. Solidad naman gusto niyang subukan ang tingin nyang magdudugtong sa buhay ng anak.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon