January Seven

194 6 0
                                    


CHAPTER 7

Tawang-tawa ako sa itsura niya habang naghihimutok, ang dami-dami nya na namang sinasabi na bakit ko daw sya pinahiya sa Mama ko paano na lang daw kapag upinakilala ko na siya sa future-in-laws nya ano na lang daw ang sasabihin nya, ang ambisyosa talaga ng babaeng to.

"Pati sa Mama mo sinisiraan mo na din ako, wala na akong reputation sirang-sira na ang maganda kong pangalan." Reklamo pa niya.

"Matagal ka nang walang reputation January, simula ng kulayan mo ng ube yang buhok mo ang tingin na sayo ng tao ay adik."

"Anong adik ka dyan?! This is art Seb-seb, this is how I express myself."

"Artist din ako pero never kong naisip kulayan ng rainbow ang buhok ko."

Umirap pa ito, pero hindi ko alam kung papunta saan ang direction ng mata nya.

"Kasi hindi bagay sayo, mag-mumuka kang ice cream na ube flavor at waffle ang cone." Natatawa niyang sabi.

"Wow ah! Makainsulto ka! Kung pababain kaya kita ng sasakyan at paglakarin na lang?"

Mabilis naman itong nagpeace sign "Sorry na Seb, nag-jojoke lang naman ako."

Naiiling na lang akong iniliko ang kotse sa gate ng subdivision nila, pinaiwan pa ng guard ang I.D. ko, medyo strict ang subdivisio kaya siguradong safe siya dito. 3rd block pa sila at medyo may distansya na ito mula sa main gate, malawak kasi ang sakop ng bawat block.

"Bahay nina Simon yan." Turo niya sa malaking green na bahay.

Paki alam ko naman kung bahay yan ni Simon, tinatanong ko ba? at paki alam ko din kung magkapit-bahay lang sila. Inihinto ko ang kotse sa isang dalawang palapag na bahay na madaming salamin at bilang future architect masasabi kung maka bago at pinag isipan ang pagkakagawa ng bahay, malamng din ginadtosan ito dahil kahit hindi ito malaki tulad ng mga kapit bahay nila masasabi mong angat ang desinyo ng pagkakagawa.

Naramdaman ko naman ang mahina niyang pag-sundot sa tagiliran ko "Oi si Seb naamaze sa bahay namin, hayaan mo kapag kasal na tayo dito kita ititira."

"Bumaba kana nga!" Taboy ko dito.

Pangiti-ngiti naman itong bumaba ng kotse, sumunod naman ako para ilabas na rin ang maleta nya, sumama na ako pag-pasuk nya sa loob ng gate, ang ganito kagandang bahay ay hindi dapat pinapalagpas, kailangan kung aralin ito.

Isang nasa late 40's na babae naman ang nag-mamadaling lumabas ng bahay at pinayongan si January kahit hindi na naman umuulan.

"Naku ka talagang bata ka! Kanina pa kita inaantay!" Salubong nito sa alaga.

May dala-dala pa itong tuwalya na agad ibinalabal sa alaga, si January naman ay napanguso na lang at itinuro ako, mabilis namang nagangat ng kilay ang matanda, akala ko pagagalitan ako, hindi pala. Mahinang kinurot nito si January.

"Hinatid ka lang ng gwapong lalaki nahihiya kana, samantalang katorse kana ako parin ang nagpapaligo sayo!" Sermon nito na ikinatawa ko, gwapo ko talaga! Lahat na lang nakakapuna.

"Ate Ganda!" Saway nito sa ale.
Pero inirapan lang siya nito bago lumapit sa akin at ikinawit ang kamay sa braso ko.

"Tara pogi at magmeryenda ka sa loob, ano bang gusto mo? Ipaghahanda ko, name it." Pagka tapos ay hinila na ako nito papasuk sa loob.

Napatingin naman ako kay January na nagpipigil ng tawa, now I know kung saan nakuha ni January ang kadaldalan nya, pinatuloy ako nito sa loob at ipinag-handa ng sandwich at maiinom, hindi ko naman makain iyong sandwich dahil peanut butter na naman ang palaman nito, may factory ba sila ng peanut butter at mukang hindi sila nauubosan?

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon