CHAPTER 41"Seb tama siya."
Umiyak na naman siya at wala akong magawa kundi ang yakapin na lang siya ng mahigpit nangibabaw na naman tuloy ang galit ko kay Cathy, sa mga sinabi nya kasi na narinig malamang ni January ay mas panghihinaan ito ng loob.
"I am dragging you down, I don't deserve you." Umiiyak iyang sabi.
"Shhhh, that's not true."
"No you see tama siya I will die, masasayang lahat ng sinakripisyo mo, maiiwanan ka kapag wala na ako."
Inilayo ko siya sa akin at tiningnan sa mga mata.
"Did you hear us right?"
Tumango siya.
"Then natinig mo na wala akong pakialam diba? Wala akong paki alam sa mga mawawala basta masaya tayo habang magkasama tayo dito."
"You still have time to change your mind."
"Really? Sorry no plan unloving you so stop trying, at isa pa matagal na tayong tapos sa push and pull episode, hindi na eepekto sa akin kung itutulak mo na naman ako palayo dahil sa huli ay babalik din naman ako sayo."
Hindi na ito kumibo siguro dahil alam nyang wala na siyang ipapanalo sa akin, I already made up my mind I am nothing will make me change it not even her.
"Teka bakit ka nga pala nandito diba dapat nasa hospital ka?" Tanong ko ng marealise na oh nga pala nasa gate kami ng bahay namin. Parang tanga ng realisation.
Hindi siya sumagot instead ay nakakaloko lang itong ngumiti.
"Umamin ka tumakas ka ano?"
"Medyo."
"January!"
"Medyo lang naman Seb, alam ni Mommy na nagpa discharge na ako pero hindi alam ni Daddy, kaya huwag mo akong isusumbong na nandito ako, tatadyakan kita!"
Gusto ko sanang magsalita para kumuntra pero ang makita siyang malakas, tumatawa at nakatayo ng magisa ngayun ay iba sa pakiramdam, she seems like the old January First iyong hindi pa lumalaban sa cancer, sadyang mas payat lang siya ngayun. Sout nya na naman ngayun ang violet niyang buhok na akala mo totoo, ang ganda nyang tingnan. Gusto kong hilingin na sana araw-araw ganto siya araw-araw pero hindi rin naman araw-araw pasko kaya malabo iyon, ang mahalaga bad days and good days nasa tabi niya ako.
"Seb, hiwag kanang magalit, alam naman ni Mommy na nadito ako though kunwari hindi nya alam at nagpapangap siyang naghahanap kasama si Daddy, and si Kuya Jay ang naghatid sa akin dito kaya no worries."
Baliw talaga, kaya pala tinawagan ako ni Mr. Solidad kanina hindi nya nga lang sinabi ang intention ng pagtawag niya he only asked kung nasaan ako sabi ko I am still at school at kasama si Raffa, maya-maya ay si Raffa naman ang tinawagan nya.
"Pinagkakaisahan nyong magnanay si Mr. Solidad, kapag nalaman non na nandito ka mas lalong bad shot na ako nyan sa tatay mo."
"Hindi ka naman bad shot kay Daddy, nagkukunwari lang iyon para naman mapanindigan nya ang pagiging tatay nya."
"Pasabi naman na over na sya mas takot na ako sa reaction nya kisa kay Papa."
"Ang OA nga napaka trying hard, kaya hindi siya natangap sa theatre noong college."
"Prostrated actor pala Daddy mo."
"Di, papansin lang sya kay Mommy na stage director noong college sila, ayun pinababa ng stage dahil pagpapacute lang ang alam, pero tingnan mo naman ang naging bunga ng kakapalan ng mukah ng Daddy ko, ang ganda."
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#