January Nine

206 4 0
                                    

CHAPTER 9

Nagsisi ako matapos kong sabihin iyon sa kanya kung alam ko lang. Napaka masunorin nya pa naman talagang ginawa ang sinabi ko. Sana kadi pinabayaan ko na lang, ayan tuloy. MEMORY FULL na ako sa dami ng text message na pumapasuk sa phone ko!

Mga mutangina kayo! Huwag ka kayong maka-text-text kay January kung ayaw nyong pakuloan ko kaya sa kawa na puno ng mantika! -Sebastian

Sabay block ng number.

Bakit ko nga ba ito ginagawa? Wala naman akong pakinalam sa kanya, gusto ko na ngang patahimikin nya ang buhay ko. Pero sa ginagawa ko mas lalo ko lang pinapagulo ang utak ko dahil inilalapit ko ang sarili sa kanya, sa disgrasya.

"Hoy Sebastian humahaba na naman yang nguso mo!" Pansin sa akin ni Jeff.

Kasalukuyan kasi kaming nasa gazebo ng school at may gingawang plates, mas gusto naming gumawa at tumambay dito dahil mapresko at mas maliwanag, iba parin kasi kapag totoong liwanag kumpara sa ilaw na galing sa florescent o lamp.

"Kanina ka pa dyan sa cellphone mo tapos mo na ba iyang sayo?" Dagdag pa nito.

Ibinaba ko ang tingin sa ginagawa ko attinangohan sya, okay na naman kasi iyong akin, nilagyan ko lang ng final touches bago ibinalik sa storage tube.

"Ibang klase ka talaga Seb, kaya bilib na bilib ako sayo kapag sinabing aral, aral talaga." Saad naman ni Kent na kung di ko lang alam ay nag-papalakas dahil may long quiz kami mamaya.

"Kaya nyo din namang tapusin ang trabaho nyo on time kung hindi nyo lang uunahin ang mga kalokohan nyo."
Tumawa si Jeff bago ako tinapik sa balikat "To naman parang hindi ka kasama."

Talagang idadamay pa ako. Sakto namang dumating na si Raffa at inilatag ang plates nya, unang kita ko pa lang dito alam ko ng hindi pa siya nangangalahati. Inabot ako ng tatlong oras sa paggawa at ilang minuto na lang magsisimula na ang klase namin. Hindi na iyon aabot.

"Anyari sayo Raffaelle?" Tanong ni Jeff dito.

Hindi man lang ito nagangat ng tingin dahil tuloy lang ito sa paggawa.

"Mauna na kayo sa classroom I will skip the 1st subject para maipasa ko ito, second subject pa naman ito diba?"
Turan nito habang tuloy parin sa ginagawa.

"Anong nang yari sayo Raf? May quiz tayo Literature hindi ka pwedeng umabsent." Pagpapa-alala ko dito.

"Nawawala kasi si January, hinanap pa namin kaya natagalan ako." Paliwanag naman nito na nagpa anga sa akin.

Saan na naman kaya nag-sout ang babaeng iyon? At anong nawawala, kailan pa? Kakatext nya lang sa akin kaninang umaga habang nasa klase ako, mga 4 hours ago na iyon.

"Nahanap nyo na ba?" Tanong ko.

Kahit papanu ay nagaalala rin naman ako sa kanya, kapag may nang yaring masama doon konsensya ko pa dahil tatlong taon ko siyang inisnob.

"Hindi pa, pero hinahanap parin siya nina  Simon hangang ngayun." Sagut ni Raffa.

Tinangka kong ibalik ang attention sa plates ko, wala na naman itong problema pero hindi parin ako matahimik because I know something is wrong, nasaan na ba kasi ang babaeng iyon? Kita mo na kahit wala siya dito physically ay ginugulo nya parin ako, at hindi ako matatahimik until I am not satisfied, at sa mga oras na ito ang satisfaction na kailangan ko ay ang makita siya sa harap ko at nang gugulo. Napapikit ako ng marahan, labag man sa kagustohan ng isip ko, sinimulan ko ng damputin ang mga gamit ko at inilagay sa tamang lagayan.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon