January Four

202 5 0
                                    


CHAPTER 4

Hindi na ako nagtaka noong makita ko siya sa grupo ko, the instructors group us into 12 groups kanina at after ng bunotan nakita ko siyang panay ang libot hindi para hanapin ang kagrupo niya kundi para makipag-palit ng kagrupo.

"Para sa first activity natin I want you to get to know your group mates." Instruction ng nasa isang instructor namin.

Napa tingin ako kay January na kausap ang isa pang babaeng nasa grupo namin.

"Bat wala si Simon? Diba siya ang president ng organisation nyo?"

"May chickenpox si Sisi ngayun, dinala kahapon sa hospital." Malungkot niyang sabi, pero sa kalooban ko ay natutuwa, sayang hindi nakakamatay ang ganun, pero nagiiwan naman ng pantal.

Tumayo na iyong nagvolunteer na leader namin para simulan ang activity, siya na ang nag-simulang magpakilala, counter clockwise ang ikot at kailangan mo lang sabihin ay ang pangalan, edad, course at kunting family background.

Hindi na ako tumayo ng ako na ang magpapakilala, lahat naman kasi kami naka indian seat magaangat pa sila ng tingin para makita ako.

"I'm Sebastian Olly Luzada, 21 years old, 4th year architecture student, sundalo ang Papa ko at Teacher si Mama, tatlo lang kaming magkakapatid." Maikli kong pakilala sa kanila.

"Anong favourite food mo Seb? Books? Song? At saka buildings?" Sunod-sunod na tanong no January.

"This is not a slumbook."

Napanguso na lang ito, ako naman ay inayos na lang ang pagkakaupo at nakinig sa iba.

"Hi I'm January First Solidad, 19 years old, Fine Arts ang course ko, Only daughter ako at hiwalay na ang parents ko, Si Daddy nasa Singapore nag-bebenta siya doon ng furniture, si Mommy naman as of 8 am kanina nasa himpapawid papunta sa New Zealand F.A. kasi siya. At si Sebastian my baby labs ang tadhana ko." Kinikilig niyang sabi sa hulihan.

Gusto kong mainis sa sinasabi niya but I also wonder kung parehong nasa abroad parents niya sino ang kasama niya sa bahay? They let her live alone?
Nagtaas ng kamay ang isa naming kagrupo, akala ko pareho kami ng nasa isip at iyon ang itatanong niya, mali pala.

"Bakit magbebenta ng furniture ang Daddy mo diba malawak ang lupa ng mga Solidad sa Partido?" Tanong nito.

"Maarte ang Tatay ko, ayaw non sa lupa, feeling nya kasi lalamunin siya palagi." Sagut nito na nagpatawa sa kagrupo namin.

Nagpatuloy ang getting to know portion namin, hangan sa naubos lahat ng 8 members.

Nang matapos ay may mga sumunod pang activity na dumaan, hangan sa magdinner na kami, subrang ulan sa labas, mukang lalakas pa ito mamaya. Ano kaya kung nilagyan ni kuya ng balde iyong kwarto ko? Tumutulo na kasi iyon. Shit talaga sana maisipan man lang nilang pasukin ang kwarto ko, Bwesit kasi noong isang araw lumipat na sina Queen Elsa sa amin kasama ang pamangkin kong si Ellie kaya lumipat na rin ng kwarto si Dok Jayden.

"Seb gusto mo nito?" Itinuro ni January iyong beef steak sa styro nya.

Naka disposable kasi ang pagkain namin at wala kaming alam kung ano ang nasa loob nito.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ayaw mo ng karne?"

"Bawal ako ng beef, sayang kasi."

Inilapit ko na lang ang styro ko sa kanya at isinalin nya naman iyong karne at itinira na lang iyong gulay.

I watch her as she eat, ang bagal niyang ngumuya siguro lagi siyang nahuhuli sa lamesa pero paano siya mahuhuli kung wala naman siyang kasalo. I feel sad knowing na nasa malayo pareho ang parents niya.

"January sinong kasama mo sa bahay?" Hindi napigilang tanong ko na.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya "Oyy interesado na siya sa akin." Tukso niya, nagawa pa talagang sundotin ang tagiliran ko.

Sinamaan ko siyabng tingin. Ang babaeng to talaga.

"Ibalik ko kaya sayo tong karne mo?"

"Ito naman di na mabiro." Huminga siya sa ng malalim "Si Ate Ganda ang kasama ko sa bahay, siya ang nagaalaga sa akin. Iyong isa kong pinsan madalas din sa bahay kapag hindi umuuwi ng Partido. Once a month din naman kung bumisita si Daddy, so it's okay."

Ang papa ko every weekend lang namin nakaka sama dahil sa trabaho, at hindi iyon okay sa amin hangan ngayung malalaki na kami pero siya, once a month lang.

"Ang Mommy mo?" I asked hoping na sana okay lang ang status nila nito.

"Lagi siyang nasa trabaho, at sa Manila na siya nakantira so technically hindi rin kami nagkikita. Kaya nga sila naghiwalay ni Daddy dahil pareho silang wala."

Napa-tango na lang ako, kung ikwento nya ito parang okay lang sa kanya she's just 19 dapat kasama nya pa pareho ang parents niya. Pero kung umasta siya akala mo wala siyang dinadala, ang ganung situation ay mabigat na para sa isang anak, I myself can't live without my parents specially my Mama, siya kaya ang buhay ko kahit na ang laging mukang bibig niya ay ang mag-uwi na rin ako ng babae sa bahay.

"You know what masaya ako ngayun." Masaya niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay, tapos na ang nice mode ko may time limit lang iyon, balik yelo na naman ako.

"Masaya ako kasi interesado kana sa akin, susunod nyan hahanap-hanapin mo na ako, shit kinikilig na agad ako."

"Asa ka."

"Ito naman ang bilis taposin ang kilig moment ko."

Hindi ko na ito pinansin at tinuloy ang pagkain, biglang tumunog ang phone nya at palagay ko Daddy nya iyon at nangungumusta. Panay Oo at done lang ang sinasabi niya.

"End ko na to Dad, nakaka hiya sa crush ko hindi ako maka diskarte kapag ako nabasted na naman isusumbong kita kay Mommy." Tuloy niyang sabi sa kaysap.

Napa tikhim ako ng matapod siyang makipag-usap sa tatay nya.

"Sorry huh ang kulit ng Daddy ko, ano na nga ulit ang pinagnuusapan natin?"

"Wala tayong pinag-uusapan ----"

"So ayun nga may chickenpox si Simon, dinala namin ni Trinidad sa ospital parang tanga noong tinurokan ng ......"

Nagpatuloy siya sa pag-kwento, hindi ko na pinakingan anyway it's all nonsense for me.

Noong oras na ng pamamahinga, hinati kami sa dalawang grupo sa kaliwang bahagi ng Gymnasium ay ang pwesto ng mga lalaki, habang sa kanan naman ay ang mga babae. Hindi ako agad naka-tulog lalo pa noong nakita kong hindi pa siya tulog, nasa taas siya ng mga bleacher at may kausap pa sa cellphone nya, I wonder who it is? Tangina huwag naman sana si Simon.

Sinubokan kong pumikit, kapag nandyan talaga si January ang hirap makampate.
Maaga akong nagising kina umagahan, nagkakagulo na kasi ang lahat. Iyong malakas na ulan kahapon ay nauwi sa bagyo, kaya suspended ang seminar, pinayuhan kami na umuwi na pero kailangan may susundo, hindi pinapayagang umalis ang walang sundo.

"Seb nandyan na si Papa, sumabay kana sa amin." Aya ni Jeff sa akin.

Umiling-iling ako "Huwag na, papunta na din si Kuya." Dahilan ko kahit ang totoo hindi pa ako nakaka tawag sa amin.

"Ikaw bahala." Sagut nito bago kinuha ang backpack.

Itinupi ko na ang sleeping bag ko, tiningnan ko si January may kausap ito sa cellphone niya.

Nilapitan ko na ito.

"Huwag na Mommy, kawawa naman si Ate Gana kung susundoin nya pa ako, wala din naman kaming masasakyan ..... uhuh .... Trinity is here hindi nya ako pababayaan ... okay I will take care, love you."

Dinig kong sabi niya sa kausap, na paniguradong Mommy nya.

"Wala kang sundo?" Tanong ko sa kanya.

Umiling-iling siya "Ikaw? Uuwi kana?"

"No wala akong sundo." Hindi ako magpapasundo dahil hindi kita pwedeng iwanan dito.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon