Aira POV
"Mia! Let's play!" Singhal ng anim na taong gulang na batang babae.
"Where we gonna play?" Tanong naman ng batang babaeng kaedad nito.
"I don't know hahaha." Sabi nito at tumakbo palayo.
"Aira! Wait for me!" Sigaw ng batang may pangalang Mia."
Tumakbo sila hanggang sa ikalawang palapag ng bahay at aksidente naman silang nakarinig ng sigawan sa kwartong ipinagbabawal na pasukin ng kahit na sino.
"Look Mia, I thought no one is allowed to go inside?" Sabi ni Aira sabay nguso sa isang silid.
"Let's go." Sabi nito. Dahan dahan silang sumilip sa maliit na siwang ng pinto.
"Dad! Hanggang kailan niyo ba gagawin ito?! Pati mga kaibigan mo dinamay mo pa dito!"
"I want her back!"
"Dad! Imposible ng mangyari iyon!"
"Mia, lolo and daddy are fighting." Sabi ni Aira
"My lolo is inside too." Sabi naman ni Mia.
"Let's go Mia, for sure daddy will get mad if he found out that we are eavesdropping, hahaha." Sabi nito at tumakbo sila pababa.
Nagising nalang ako ng maramdaman ang sinag ng araw na dumampi sa balat ko. Napatingin ako sa oras. May isang oras pa ako para maghanda sa klase.
Bumaba na ako ng kwarto at sakto naman dahil nakahanda na ang almusal ko. Tatlong maid lang ang nandito dahil ako lang naman ang inaasikaso nila--este dalawa pala kami inaasikaso rin nila pati na ang buong bahay. Wala na ang mommy ko, namatay na pagkasilang saakin. Andito pa naman si Daddy, pero wala siya sa tabi ko. May Obligasyon siya sa bansa at dahil dun nakalimutan niya na rin ang obligasyon niya sakin.
Napailing nalang ako.
Nagmadali na ako sa pagkain ng pag-almusal para makapag-ayos na ng sarili ko.
Nang matapos ako, dumeretso ako sa garahe namin. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot palabas ng gate. Isinarado naman nito ng kasambahay namin. Marunong na akong magdrive dahil kahit noong labing limang taong gulang palang ako ay nag-aral na akong magmaneho at kahit labing pitong taon na ako ngayon, may students license na ako. I have my ways. Chos! BDO lang ang peg?
Napansin ko ang pulang kotseng nasa tabi ko. Napangisi nalang ako, binilisan ko ang takbo at ganun din siya.
Kaloka, gusto niya atang magkarera. Pwes pagbibigyan ko siya. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho at halos sabay din kaming nakarating sa School. Bumaba ako ng kotse at ganun din siya.
"Woah! Aira tha's cool!" Sabi nito at nakipagfist bump saakin. Pfft. Kahit kelan talaga.
"Himala Mia hindi ka nalate, may lagnat ka ba?" Sabi ko at akmang hahawakan ko ang noo niya pero pinalo niya ito.
"Awww!" Daing ko
"Ang sakit 'nun ah!" Sigaw ko sa kanya.
"Wala akong lagnat!" Sigaw niya pabalik.
"Tara na nga!" Anyaya ko sa kanya.
Habang naglalakad kami panay kwentahan namin sa isa't-isa."Kumusta pala si Tito?" Tanong niya, si Daddy ang tinutukoy niya eh.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...