Mia POV
"Handa na ba kayo?" Tanong ni Tita Chelle. Ala Korina Sanchez lang ang peg? Hahahaha.
Anyways, nag reready na kami ngayon because this is the day na magbabyahe kami patungong bahay ni Aira, iyon din ang bahay nila dati. Nang mawala na ang kanyang lolo at pumunta na ng US ang Daddy at ang Kuya niya, siya na ang mag-isang namumuhay well except sa kanyang mga kasambahay, nandun din ako minsan sa bahay nila nag oovernight para makatakas naman sa bahay ng tiyahin ko.
"Mia! Let's go!" Tawag nila saakin.
"Yah! Coming!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kanila. Hindi ko ba nasabi sa inyo na marami kaming pupunta doon? Well sina tita chelle, Xander, Ace, Kyler, Vans, Abe, Christine at kaming dalawa ni Aira ang aalis. See? Napakasupportive talaga nila. Sina Rico at Wendel naman ay pinaiwan ni Tita Chelle dito.
Sumakay na kaming lahat sa sasakyan. We make sure na nasa ayos ang sasakyan at full tank ito ng gasolina. Mahirap na't masiraan kami o maubusan ng gasolina sa gitna ng daan.
"Okay na ba yung mga dadalhin natin?" Tanong ni Ate Mich na nandun sa Passenger seat. Si Xander ang nagdadrive. Nasa harapan namin sina Vans, Ace at Christine at sa likod naman namin sina Kyler at Lee. Magkatabi kaming tatlo nina Aira at Abe.
"Oo ate, nandito na ang mga pagkain at ilang armas na pwede nating gamitin." Sabi ni Ace.
Mahabang byahe ang tatahakin namin kung kaya't kailangan naming maghanda.
Tahimik lang si Aira na nagmamasid sa labas ng bintana.
Napabuntong hininga nalang ako at mapasandal sa upuan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at pagmulat ng mata ko ay patuloy parin kami sa pagbabyahe, iba na din ang nagmamaneho.
Napaunat nalang ako ng kamay dahil sa pangangalay. Nakapikit si Abe at mukhang tulog parin ito.
Kinalabit ko si Aira na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa labas.
"Hmmm?"
"Kanina ka pa diyan nakatingin, may problema ba?"
Tumingin uli siya sa bintana bago mag-salita.
"Marami Mi." Tanging sambit niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Maaayos din ang lahat Aira."
"Hindi ko alam kung maaayos pa ito, pakiramdam ko kasi kasalanan kong lahat."
"Ano ba Aira, hindi mo kasalan wala kang kinalaman sa nangyayari. Don't blame yourself Air, we are here for you. Hindi ka namin Iiwan." Saad ko sa kanya.
"Thank you." She mouthed at ngumiti saakin.
Patuloy kami sa pagbabyahe at malapit nang dumilim. Nakakatakot pa naman sa labas kapag dumidilim.
"Guys, hihinto ba tayo o deretso na?" Tanong ni Tita Chelle.
"Deretso nalang ate Mich ako na muna ang mag dadrive." Prisinta ni Lee.
Huminto muna kami saglit upang magpalit ng pwesto sina Vans at Lee.
Biglang umandar na ang sasakyan.
Deretso lang ang takbo ng sasakyan.
Napasigaw nalang ako ng biglang may zombie na humarang sa daanan.
"Anong nangyari?!"
"What happen?!"
"Sh1t!"
Dahil sa gulat iniliko ito ni Lee para huwag mabangga sa zombie.
"Hoy! Baket ka lumiko?! Sana sinagasaan mo na yon!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh nagulat nga ako!"
"Lee!!!!"
Sigaw namin sa pangalan niya nang maraming zombie ang nasa daan.
"Ahhhhhh!"
Napasigaw nalang kami ng bigla niya uli itong iniliko.
Nakarinig ako ng malakas na pagbangga at ang malakas na pwersang tumulak saakin para mauntog. Napahawak nalang ako sa ulo ko. Halos pagdaing ang naririnig ko sa loob ng sasakyan. Nabangga pa kami sa puno!!
"Guys are you okay?" Tanong ni tita chelle.
"Guys, shit!"
Napatingin kami sa labas ng bintana may mga zombie na nakapalibot saamin.
"Pautangnamo!!" Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Aira dahil sa biglaang pagdungaw ng isang zombie. Buti nalang tinted ang sasakyan namin kaya hindi kami makikita sa loob.
"Ako magdadrive." Nabigla ako sa sinabi ni Aira.
Oh ow!
Hindi ko na nagawang pigilan siya ng pumunta siya sa harapan. Pinagbigyan naman ito ni Lee at bumalik sa dati nitong pwesto.
Bigla akong napahawak sa upuan ng biglaan niyang inatras ang sasakyan. Nakarinig naman kami ng mga kalabog dahil sa mga nakaharang na mga zombie.
Agad niya itong iniliko para bumalik sa tamang direksiyon at bigla niya itong pinaharurot.
Napapikit nalang ako sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.
"Waaaa!!!" Sigaw ng mga lalaki.
Kaya hindi ko rin napigilang sumigaw! Nakita ko nga si tita chelle na nakapikit habag gumagalaw ang bibig at parang nanalangin.
Sunod sunod na kalabog ang mariring at panay naman ang talsik ng mga zombie.
Maya-maya pa ay naging normal na ang takbo ng sasakyan. Narinig ko naman ang malalim na paghinga ng mga kasama ko.
"Waaa! Buhay pa ako!" Sigaw ni Lee. Tsk. Parang babae.
"Ay Hindi Patay ka na!" Pagbabara ni Ace.
"Pake mo ba?!"
Napatingin ako Kyler na tulala at namumutla. Pfftt!
"Aira ihinto mo muna Pleaseeee!!!" Sigaw ni Abe.
"Bakit?" Prenteng tanong ni Aira.
"Nasusuka ako!" Sigaw niya at akmang susuka pero biglang tumigil ang sasakyan, agad namang binuksan ni abe ang bintana at doon sumuka.
Yuck!
"Bakit mo pa pinatigil kung sa bintana ka lang naman susuka?" Tanong ni Christine.
"Try mo kayang sumuka sa labas tapos sakmalin ka ng zombie! Atsaka baka kumalat sa mukha ko ang suka ko dahil sa malakas na hangin kapag sumuka akong umaandar ang sasakyan!"
"Kung sa bagay~." Pagpuputol ni Christine.
Naramdaman kong umandar na ang sasakyan kaya napasandal uli ako sa upuan.
I took a deep sigh, hindi pa rin ako makaget over. Huhuhu. Sanay naman ako sa mabilisang pagtakbo kaso mabuti sana kung ikaw yung nagmamaneho eh! T__T
"Ilang kilometro pa ang byahe natin bago makarating sa bahay ni Aira?" Pagtatanong ni tita chelle kay Xander na ngayon ay may hawak-hawak na tablet kung saan siya ang nakatoka para sa mga direksyon o sa paghahack ng mga system.
"Bukas ng umaga makakarating na tayo." Sabi nito.
Bukas pa ng Umaga?!
Kung sa bagay, napakalayo na kami sa kabihasnan. Psh.Napacross arm nalang ako at tumingin sa labas ng Bintana.
Tumingala ako sa langit.
Napamangha ako dahil sa dami ng bituin na nakadungaw mula sa taas.Haist. Nakakamiss na yung buhay namin dati. Although mas naging exciting ang buhay namin kaso hindu dapat ganito eh. Gusto ko lang naman na bumalik na sa dati ang pamumuhay namin.
And I'll promise to myself na tutulungan ko si Aira kahit na anong mangyari.
Done❤
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...