DEAD 61 (Part 2)

245 12 0
                                    


Kiera POV

"Where's Kuya Aries?" Tanong nila kay DenDen.

"Ewan ko po, kahapon pa po siya wala dito, ang sabi po ni Tyler nakita niya lang na lumabas ito ng kanyang opisina kahapon."

Nagtinginan naman kami.

"Who's that little girl over there? Kanina pa siya tingin ng tingin sa'tin.

Nabaling naman ang aking atensiyon sa kanyang tinuro.

"Oh! She's Chiena, friend nila DenDen. Chiena come here!" Pagtawag ni Mia sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang kunting hiya at may pagka excitement hahaha.

"Guys! I want you to meet Chiena! Denden and Tyler new friend, nakilala na namin siya 'nung pumunta kami dito at gusto niya daw kayong makilala!" Nakangiting wika ni Mka

"Hi! Chiena! I'm Christine!"

Abot ngiti naman na nakikinig si Chiena sa pagpapakilala ng iba pa.

"Teka po! Parang kulang po ata kayo!" Naguguluhan niyang pasigaw na tanong.

Nagkatinginan uli kami at napabuntong hininga.

"Pasensya na Chiena, may kunting problema lang, promise namin sayo na makikilala mo rin ang iba." Alanganing ngiti naman ang ibinigay sa kanya ni Christine.

"Oo nga asan sina Kuya Lee at ate Abegail?" Nakangusong tanong ni DenDen.

"May inasikaso lang, babalik din sila."

"Awww, ganun po ba? Sayang naman. Sige po! May aasikasuhin pa po kaming tatlo! Hehehe!" Saad nito at nagpaalam na saamin.

"So guys? Let's go?"

Naiwan sa labas sina Vans at Christine, kaming tatlo naman ay pumasok sa opisina na pagmamay-ari ni Kuya Aries.

Kaagad akong naglibot libot sa loob at dumeretso naman si Kyler sa isang laptop na nakalagay sa ibabaw ng mesa.

Napadako naman ang aking tingin sa isang picture frame kung saan may dalawang tao. Napakagat labi ako ng makilala ito. This is Aries and the girl beside him is Aira.

"Guys! Check it out." Nawala ang aking atensiyon sa bagay na iyon at pumunta kay Kyler na kasalukuyan na nagtitipa sa laptop.

"Anong meron?" Pagtatanong naman ni Mia.

"Look" Sambit ni Kyler habang nakatro sa isang petsa.

"Nakakapagtataka. Ang huling log in sa laptop ay 3 weeks ago at tingnan niyo ang alikabok na nasa keyboard nito, walang bakas ng fingerprint." Paliwanag nito.

"So, ang ibig mong sabihin. Habang nandito siya sa opisina, hindi niya ginagamit ang kanyang laptop?" Tanong naman ni Mia.

"Pero, imposible naman ata, kapag pumupunta kasi ako dito ay nakaharap siya sa laptop niya eh." Dugtong pa muli nito at nag-isip.

"Nakita ko ba siyang nagtitipa?"

"Hindi eh, kada punta ko dito ay naabutan ko siyang nakaharap lang sa kanyang laptop."

"Something strange is happening here." Napatingin kaming dalawa ni Mia kay Kyler.

"3 weeks tayong nawala, and we did'nt even know what happened here 3 weeks ago. Hindi ba kayo nagtataka? Those guards of the zone, they're not familliar to me. Parang napabayaan na itong zone na ito at wala tayong kahit anong contact kay Sir Arthur." Dugtong ni Kyler.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon