Aira POV
"Hahaha! We won! Yuhoooo!"
"Kawawa naman sila hahaha. Walang hapunan!"
"Bleeee!"
-_____-
Sasabihin ko pa ba sa inyo kung sino ang nanalo?
"Aira! Tara kakain na tayo!" Sigaw ni Mia.
Sige na, mukhang alam na ninyo kung sino ang nanalo between me and Kyler eh.
Flashback.........
Pumunta na ako sa gitna. Tiningnan ko si Kyler and as usual naka poker face pa rin. Meh! Pa bad boy effect eh?
Kanya-kanyang cheer ang mga audience namin. Tsk
"Go Aira! Talunin mo si Kyler para wala silang hapunan mamaya!!!!" Malakas na sigaw ni Mia.
"Oo nga Kyler! Talunin mo si Aira para wala silang hapunan mamaya!!!!!" Sigaw rin ni Lee.
Pumito si ate Mich at naging hudyat iyon para sumugod ako. Hindi iyon inaasahan ni Kyler kaya nadaplisan pa rin siya ng suntok ko sa pisngi niya ng subukan niyang umiwas. Umatras ako para makabwelo. Hindi na ako nagpaligo'y ligoy pa at muling sumugod sa kanya. Sa pagkakataong iyon nahawakan niya ang kamao ko. He twisted my arm dahilan para mapapikit ako sa sakit. As far as I can ayokong sumigaw dahil sa sakit.
Sinipa ko siya patalikod dahilan upang mabitawan niya ang kamao ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para muling sumugod sa kanya at bigyan siya ng suntok sa panga ngunit agad din siyang nakabawi tinuhod niya ako sa tiyan dahilan upang mapaluhod ako. Hinila ko ang paa kaya lumagapak siya sa sahig. Susugod na sana ako pero bago pa man ako makalapit sa kanya sinipa niya ang tiyan ko at nagmadaling tumayo. Sinapak ko siya ng malakas at sinuntok siya sa kanang mata. Sisipa uli sana siya pero sorry nalang, buong pwersa kong kinuha ang kanyang kanyang paa at sinipa ang kaliwang paa niya. Napadaing naman ito. Tinuhod ko siya sa mukha dahilan ulang dumugo ang kanyang ilong.
Pumito si Ate Mich. Senyales na tapos na ang laban.
End of Flashback....
Heto kami ngayon at nagdidiwang sa aming pagkapanalo #girlpower daw eh.
←_←
"Waaaa!! Andaya nila! Ba't mo pinagbigyan Kyler?! Kaya mo namang talunin si Aira diba?!" Atungal ni Lee ng makabalik kami sa aming tent.
Hindi na namin sila pinansin, sigurado naman akong papakainin din sila ni ate Mich mamaya.
Napahikab nalang ako dahil sa antok. Pansin ko rin sa mga kasama ko ang pagod at pagkaantok.
"Dumeretso na tayo sa tent at magpahinga." Sabi ko.
✖✖✖✖
*bang*
*bang*
*bang*
"Good Job!"
✖✖✖✖
*blag*
*bogsshh*
*blag*
*pak*
*pak*
"Okay! That's enough!"
✖✖✖✖
Sa araw-araw na pananatili namin dito mas lalo pa kaming napalapit sa bawat isa. Mas lalo pa kaming napalapit kina ate Mich, ate Lea at kuya Marcus pati na rin sa iba. Napag-alaman din namin na pamangkin pala ni ate Mich si Xander kahit na ang bata pa ni ate Mich. Well siya raw ang bunso sa kanilang magkakapatid.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...