Third Person's PoV
"Wala pa pong progress."
"Diba naiturok na sa kanila ang syrum?! Bakit wala pa?!"
"Hindi po siguro tinanggap ng katawan nila dahil masyado pa silang mahina at napagod, kinakailangan po munang magpahinga upang manumbalik ang lakas niya "
"Kung gayun, gawin ninyong lahat upang mabumbalik ang lakas niya, turukan niyo siya ng kung ano ano basta't makaalala na siya."
"Masusunod po."
Aira POV
Andito ako ngayon, nakatanga sa itaas ng kisame. Nakatutok sa ilaw at hindi makagalaw. (Wow, rhyme?)
Paggising ko nalang, nakaposas na ang mga kamay at paa ko.
Ni ang mag-unat ay 'di ko magawa.
Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito, dalawang araw siguro?
Palagi nalang may labas-masok na mga naka lab gown silid na 'to at palaging tinitingnan ang lagay ko.
Katulad nalang ngayon, may dalawang taong kung ano-anong pinipindot sa monitor tapos may mga tinuturok pa sila saakin.
Takot ba silang mamatay ako o hinihintay nalang nilang malagutan ako ng hininga?
Napapikit nalang ako.
Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto senyales na ako nalang uli't mag-isa dito.Wala man lang nagdala saakin dito ng tubig o makakain pero hindi ako nakakaramdam ng gutom, maybe because sa mga tinuturok nila saakin?
Ano ba talagang kailangan nila?
Nakarinig uli ako ng pagbukas sarado ng pinto.
Sigurado uli akong isang taong naka lab gown para iexamine ako.
Ngunit napatingin ako sa may gilid ko nang may nakatayong bulto ng tao.
Hindi ko alam kung bakit tila nanginginig ako sa kanyang presensiya.
"Aira, ang apo ni Alonzo." Napakuyom ako ng kamao ko ng marinig ang boses niya.
"Kay tagal nating hindi nagkita Iha." Sambit nito at tumawa.
Bumilis ang paghinga ko dahil sa pagkamuhing aking naramdaman.
Nandito sa harap ko ang taong pumatay sa lolo ko at ang taong naging dahilan ng mga kaguluhang 'to.
"Napakasama mo! Demonyo ka!" Sigaw ko sa kanya.
Tumawa naman siya, malademonyong tawa katulad niya!
"Demonyo na kung demonyo! Wahahahahahah! Ito na ang umpisa ng paghahari ko sa buong mundo!"
Saad nito at muling tumawa. Ngunit bigla itong tumigil at galit na tumingin saakin.Nababaliw na siya!
Nagulat nalang ako dahil sa bigla niyang pagsakal saakin.
"A-ack! B-bitawan mo ako!" Saad ko habang nagpupumiglas.
"Kasalan mo 'to! Kasalanan ng lolo mo!" Saad nito habang sakal sakal parin ako.
"Sabihin mo ang naalala mo!" Sigaw nito habang nanlilisik ang kanyang mata.
Nakakatakot....
Hindi ko alam kung bakit may mga nag flash na mga bagay sa utak ko.
Takot na takot ako.
Sumasakit nanaman ang dibdib ko.
Nahihirapan akong huminga."Doc! Bumababa ang kanyang heartbeat!"
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...