DEAD 51 (Part 2)

255 13 0
                                    

Kyler POV


Shit! Where are they!

I feel the panic inside me. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mapahamak ang mga kaibigan ko.

Ayokong may mapahamak maski isa sa kanila.

No, not again.

Hindi ko kakayanin.

I already promised myself that I will protect them. Protect them to those monsters, protect them to those people.

"Kyler! Mukhang nakawala na ang mga zombie!" Tarantang sambit ni Lee.

"Kailangan nating puntahan ang sinasabing tent ng dalawang lalaki!"

Saad ko at nagmadaling pumunta sa ibang direksiyon.

Ang masama kong kutob ay mas lalong nadagdagan pa dahil sa nangyayari ngayon.

Nagmadali kami ni Lee sa pagtahak sa isang direksiyon at nagbabasakali kaming matagpuan ang mga kaibigan namin. Iwas takbo ang ginagawa naming dalawa para hindi mabangga ng mga taong nagsisitakbo din dahil sa kaguluhan. Salungat ang daan na ito sa tinatahak namin at tinatahak ng  mga tao dito.

"Kyler! Lee!"

Napahinto sila ng makita si Vans na tumatakbo patungo sa direksiyon nila.

"Vans! Asan si Christine?!" Sigaw ko ng makita na hindi niya kasama ito.
Napahawak siya sa magkabilang tuhod bago muling nagsalita.

"Hin-hindi ko alam, akala ko nakasunod siya sa li-likod ko tapos paglingon ko wala na siya."

"Ano?!" Biglang sigaw ni Lee.

"San mo siya huling nakasama?" kalmadong tanong ko.

"Doon!" Turo niya at nagmadali naman kami sa pagtahak sa lugar na iyon.

Bigla kaming naalarma nang may makasalubong kaming mga zombie sa daan. Agad kong kinuha ang isang matulis na kahoy 'di kalayuan saakin atsaka sinaksak ang ulo ng zombie na papalapit saakin. Ganun din ang ginawa ng dalawa. Hindi na kami nagpaligoy ligoy pa sa pag-atake at pinuntirya kaagad ang ulo nito.

"Tara!"

Mabilis ang aming pagtakbo. Walang zombie sa dinaanan namin kung kaya't malaya kami sa pagkilos. 

Maya-maya pa ay nakasalubong namin ang isa sa mga bantay ng lugar, agad ko siyang sinunggaban ng suntok dahilan para matumba siya.

"Saan niyo dinala ang mga kaibigan namin?!" Sigaw ko at saka sinuntok ko siya sa mukha.

"Sumagot ka!" Akma ko sana siyang tadyakan ng magsalita ito.

"D-doon sa may m-malaking puno! Sa malaking tent!" Mabilis na sambit nito at agad ko naman siyang binitawan. Agad naming tinahak ang sinabi ng lalaki kanina at hindi nga siya nagsisinungaling, may isang tent nga sa di kalayuan.

Mabilis akong tumakbo doon at nadatnan nga namin ang mga kaibigan namin na nakagapos.

Hirap na hirap sila sa pagpupumiglas kaya agad namin silang kinalagan.

Binuhat naman ni Vans si Christine na ngayon ay walang malay.

"Thanks God Kyler!!!" Sigaw ni Mia.

"A-akala namin, katapusan na namin!!" Umiiyak na sabi ni Abegail.

"Let's go we are running out of time."

"Wait! Kailangan natin ng  Armas!" Suhestiyon ni Lee.

Agad kaming naghalungkat sa tent.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon