Kiera POV
"Bitawan niyo siya!" Madiin na sambit ko sa mga lalaking hawak hawak si Tyler. Malaki ang pangagatawan nito at maraming tatoo ang katawan."Bibitawan lang namin siya kung sasama ka saamin." Deretsong saad nito saakin.
"Ano ba ang kailangan niyo saakin!"
"Marami" Nakangising wika nito.
Naalarma ako dahil sa biglang paghigpit ng hawak nito sa bata.
Mahigpit na hinawakan ko ang baril at tinutok sa kanya.
"Sige iputok mo! At sabay-sabay tayong mamamatay ng batang ito!"
Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi dahil sa takot sa sarili ko kundi ang takot kung ano ang maaari nilang gawin kay Tyler at sa mga kasama ko.
Marami sila at nakatutok ngayon ang kanilang mga baril saakin.
Napadaing nalang ako ng biglang kumirot ang dibdib ko. Unti-unti kong nararamdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko at hindi ko napigilang mapaluhod.
"They are controlling me"
Hindi ko ito kayang pigilan.
Nanlalabo na ang mga mata ko ngunit pinipigilang kong pumikit sa kadahilanang nasasaktan akong makita si Tyler ngayon na puno ng takot at pag-aalala.
Pilit akong bumabangon.
"S-sasama na a-ako." Hirap na banggit ko.
"Pa-pakawalan niyo na ang bata."
Napangisi naman silang lahat. Unti-unti kong inaabot ang kamay ni Tyler at agad na hinila siya papunta saakin."A-ate huwag kang sumama sa kanila!" Pagmamakaawa nito.
"Ano na?! Usapan ay usapan bata. Huwag kang gumawa ng maling kilos kundi pareho kayong mamamatay!"
Hinaplos ko ang muka nito.
"Maging maayos din ang lahat." Saad ko at tumayo.
"Kiera! Huwag kang sumama!"
Bigla akong napalingon sa nagsalita. Nakita ko yung mga kasama ko.
"Sino kayo?!" Nang-gagalaiting saad 'nung lalaki kanina habang nakatutok ang mga baril sa kanila.
Bigla-bigla rin silang bumunot ng kani kanilang mga baril.
"Anong ginagawa niyo!" Sigaw ko sa kanila. Marahas akong lumingon sa lalaki.
"Huwag mo silang idadamay dito." Mahinahong saad ko.
"Huh, sino ba ang mga 'yan? Kaibigan mo? Tsk tsk."
Kaibigan..
Kaibigan ko na ba talaga sila? Napailing nalang ako. Ayokong magtiwala sa kanila. Hindi ko pa sila lubusang kilala ngunit taliwas naman ito sa nararamdaman ko.
Naguguluhan ang isip ko, nalilito.
Bakit nga ba kasi sumama pa kami sa kanila ni Tyler?
Napatigil ako, pwede kong iwanan sa kanila si Tyler at lumayo sa kanila. Mapapahamak lamang sila kung nasa tabi nila ako.
"Keira! Sino ba ang mga 'yan!" Sigaw ni Mia.
"Pag-usapan natin 'to." Seryosong saad ko.
"Sabihin mo muna sa kanilang ibaba ang mga baril nila." Naningkit ang mata ko at inoobserbahan ang bawat galaw nila.
Lumingon ako sa likod.
"Ibaba niyo ang mga baril niyo." Sabi ko. Nagdadalawang isip pa sila ngunit wala na silang magagawa.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...