Third Person POV
"Kumusta ang experimento?" Tanong ng isang lalaking may edad na sa kanyang mga tauhan.
"Wala pa pong progress doc ang sa isa ngunit ang kanyang DNA ay kakaiba, sigurado akong may malaking maitutulong ito sa inyong experimento." Saad ng isang scientist.
"Magaling, ngunit gawin niyong lahat upang malaman ang mga sangkap sa batang iyon, gawin niyong lahat para makaalala sila! Kinakailangang makuha natin iyon para huwag masira ang plano natin." Seryosong sabi nito.
"Dahil sa oras na makuha natin ang Formula, magiging makapangyarihan na tayo sa buong mundo! Makokontrol na natin ang gobyerno! Magtatag tayo ng sarili naing batas! Tayo ang mamumuno sa buong mundo!" Dugtong nito kasabay ang malademonyong halakhak.
"Pasensiyahan tayo Alonzo ngunit natagpuan ko ang apo mo."
Saad nito sa kanyang isip at ngumisi.
Tumingin siya sa isang silid ng laboratoryo kung saan makikita ang dalawang dalagang nakahiga at walang malay. Kung titingnan sa loob isa lamang itong glass window pero kapag nasa loob ka ng silid isa itong salamin.
Nagulantang ang lahat ng marinig ang tunog ng alarm.
🚨*intruder alert*🚨
🚨*intruder alert*🚨
Paulit-ulit na sambit ng system.
"Anong nangyayari?!" Hesterikal na tanong ng Doctor.
"May nakapasok Doc!"
"Ano?! Istupido! Huwag niyo silang hayaan na makapasok ng tuluyan sa laboratoryo!!" Sigaw nito.
Inilock niya ang silid kung saan naroroon ang dalawang dalaga. Ngunit bago pa man magsara. Nakarinig siya ng putok ng baril.
Dali dali siyang umalis sa lugar na iyon at nagtago sa kanyang secret basement."Bwiset!" Galit na Galit niyang untag.
✖✖✖✖
Kyler POV
Pinasok na namin ang kuta ng mga taong kumuha kina Aira.
F*ck! I should protect her!
*bang*
F*ck you people!
"Kyler! Lee! Hanapin niyo sina Aira!"
Sigaw ni Ate Mich.We parted ways para hanapin sina Aira, kasama ko si Lee.
"Kyler andito sila!" Sigaw ni Lee
I looked at the window glass and shit! They are lying on the bed!
Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naka lock ito.
Binaril ko ang salamin at nakalikha ito ng malakas na ingay. Pumasok ako sa loob .
Bigla akong nanlamig nang makita ang sitwasyon ng dalawa.
Agad kong binuhat si Aira at gayundin si Lee kay Mia.
"Tara na Kyler!" Sigaw nito.
Agad rin kaming umalis sa silid na iyon. Nakakarinig pa kami ng putok ng baril kaya delikado pa ang sitwasyon namin dito.
Napatigil ako dahil sa lalaking nakasalubong namin.
Ngunit bago pa man itutok ng lalaki ang kanyang baril nakarinig kami ng putok ng baril at nakahandusay na sa sahig ang walang buhay na lalaki.
Napatingin ako kay Abegail.
"Guys! Tara na!" Sigaw nito at agad naman kaming kumilos.
Wala na kaming nakasalubong na mga kalaban kaya matiwasay kaming nakalabas sa lugar na iyon. Agaran kaming sumakay sa sasakyan hawak ko pa rin si Aira at wala paring malay hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...