Aira POV"Pagod na 'ko!"
"Pahinga muna tayo please!"
Sa karereklamo nila ay napagpasyahan muna naming magpahinga. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad ngayon sa gitna ng kalsada.
"Abe okay ka lang?" Tanong ko ng makaupo na kami sa ilalim ng puno.
"Oo, okay lang ako daplis lang naman 'to at hindi na dumudugo." Sabi nito.
"San tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Lee
"Ewan, maybe maghahanap tayo ng pwede nating matutuluyan mamayang gabi." Suhestiyon ni Christine.
"Mas mabuti pang tumuloy na tayo at malapit nang gumabi." Saad ko naman.
Nasa gitna kami ngayon ng kawalan at duda akong makahanap kami ng matutuluyan bago mag gabi.
Ramdam ko ang pagdampi ng hangin, napahawak nalang ako sa magkabila kong braso.
"Grr, anlamig." Saad ni Mia.
"Guys, mukhang malapit na tayo sa siyudad."-Lee
Tumingin ako sa unahan at may mga naaninag na akong mga gusali.
"Hmmm, himala ah parang walang mga zombie ngayon." Ani ni Christine
"Baka natutulog." Pagbibiro ko. Pero walang natawa sa biro ko Ha.Ha.Ha
-___- psh.Di kalaunan ay nakarating na kami sa gitna ng siyudad. As usual ganun parin ang itsura at mukhang palala ng palala ang mga lugar dito.
"Guys, sa tingin ko walang kahit na hotel dito, mabuti pa at pumunta muna tayo 'don sa mall at maghanap ng mga damit at panlinis sa sugat ni Abe." Saad ni Mia
"Tara."
Naghanda na kami sa pagpasok sa isang Mall.
"Guys, as much as possible 'wag tayong maghiwalay please?" Sabi ko
"Okay."
Una naming pinuntahan ay ang pharmacy.
Ako ang nagpresinta na kumuha ng mga kakailanganin pero siyempre kasama ko si Mia. Kumuha ako ng gasa, betadine, alcohol, bulak at iba pang mga kinakailangang mga gamit at mga gamot sa sugat.
Mabuti at may flashlight kaming dala kung hindi manga-ngapa kami sa dilim nito.
Lumabas na kami ng Pharmacy at dumeretso sa kasama naming naghihintay sa sulok.
"Guys, hanap muna tayo ng cellphone dito or telepono para makatawag kila ate Mich at marescue tayo dito." -Lee
"Eh di ikaw dun ang maghanap!" Sino pa nga bang nagsabi nun? Eh di si Mia, hindi na ako magtaka kung sila ang magkatuluyan sa huli. Pfftt
"Ako nga diba? Sinabi ko bang ikaw?!" -Lee
"Whatever!!!!"
"Tama na 'yang mga bangayan niyo at asikasuhin na ang dapat asikasuhin!" Singhal ko sa kanila. Nilapitan ko si Abe at tiningnan ang sugat niya.
Tinanggal ko ang telang nakabalot dito.
Namamaga ang kanyang sugat kaya kinakailangan talagang malinisan ito at baka ma infection pa. Binuksan ko ang alcohol at bahagyang binuhos sa kanyang sugat. Napapikit naman si Abe dahil sa naramdamang sakit at sa pagpipigil na sumigaw.
"Hooo! Ang Hapdi Air." Sabi nito. Dinampian ko naman ito ng betadine, pagkatapos kong balutin ang kanyang sugat pinainom ko na rin siya ng gamot.
Wala na kaming choice kundi dito na muna manatili sa mall at magpalipas ng Gabi.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...