DEAD 28 🔫

1.4K 44 1
                                    


Aira POV

"Kailangan mo na sigurong malaman ang lahat." 

Napalunok ako sa sinabi ni tita chelle.

This is it.

"Si Alfonso ang kumuha sa inyo."

"Ano?!Pero--"
Hindi na natuloy ang aking sasabihin dahil pinutol ni tita chelle ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

"Alam kong nagkaroon kayo ng amnesia dahil sa isang aksidente."

Napakagat labi ako dahil sa aksidenteng nabanggit ni tita chelle.
Tahimik lang kami sa pakikinig sa kanya.

"Naalala mo ba ang aksidenteng iyon?" Tanong ni tita chelle. Sabi ni Daddy car accident daw yung dahilan pero hindi ako naniniwala.

"Sabi ni Dad, car accident daw." May pan-alinlangang sagot ko.

"No, sinabi lang ng Daddy mo iyon para ma proktehan kayo ng Daddy mo sa kamay ni Alfonso."

"Alfonso? Diba siya ang namumuno sa star labs?" Tanong ni Abe

"Oo, matalik na magkakaibigan sina Alfonso, ang lolo ni Aira at ang lolo ni Mia. Nagkaroon sila ng isang eksperimento, eksperimento para mabuhay ang lola mo." Sabi nito st tumingin saakin.

Tila nanindig ang balahibo ko sa narinig.

"Dinala ng lolo mo ang lola mo sa star labs upang doon ipagpatuloy ang eksperimento. Sumang ayon ang dalawa sa plano ng lolo mo, ngunit may ibang plano si Alfonso, ginamit niya ang ekspiremento ng lolo mo upang maisakatuparan ang sarili niyang plano."

"Anong plano?" Magkapanabay na tanong naming lahat.

"Ang gamitin ang eksperimento niya para sakupin ang buong mundo."

"B-baliw siya!" sigaw ko.

Napaawang na lamang ang aming bibig sa aming narinig.

"Pero ano ang kailangan niya saamin?"

"The truth is..." Pagbibitin ni tita chelle kaya nakaabang ako sa susunod niyang sasabihin.

"Alfonso killed your grandfather and also Mia's GrandFather."

"Ba-bakit?" Hindi makapaniwalang saad ko.

" Dahil nalaman niya ang plano nito kaya pinatay niya ito upang walang hahadlang. And tha't is the time na naaksidente kayo."

Hindi ako makapagsalita, para bang walang salita ang lalabas sa bibig ko.

"Iyon ang dahilan ng aberya ng star labs and that is also the time na dinala kayo ng lolo niyo doon kaya nadamay kayo sa aksidente. Naroon rin ang lolo ni Mia na si tito Alfredo dahil tatlo silang scientist ang bubuo sa eksperimentong gagawin ng lolo mo." 

Pigil hininga akong nakikinig kay tita chelle na animo'y kinakabahan na baka may mga detalye akong hindi maintindihan.

"Matagal nang alam ng lolo mo at ang lolo ni Mia ang plano ni Alfonso kung kaya't hindi tinapos ng lolo mo ang eksperimento niya kaya mayroong pinasaulo sayo ang lolo mo, iyon ay ang huling formula upang maisakatuparan ni Alfonso ang plano niya sa pagsakop sa buong mundo."

Napakunot ang noo ko. Wala talaga akong maalala.

"Binanggit ko na kanina na nagkaroon ng alitan ang dalawa. Hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayari ang alam ko lang, kayong dalawa ni Mia ang may alam sa mga pangyayari sa aksidente at kayo ring dalawa ang kailangan ni Alfonso sa kanyang huling plano. Nalaman niya na  sa inyo ang kahuli hulihang formula ng lolo mo. Inakala niya na nasa dugo ninyo o ang dugo niyo mismo ang huling pormula pero nagkakamali siya dahil ang pormula ay nasa utak mo Aira."

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon