DEAD 55 (Part 2)

243 12 0
                                    


Mia POV

Walang katapusang paglalakad.
Naglakad kahapon, naglakad kanina at naglalakad ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako.
Pasimple kong tiningnan si Kiera na walang imik.

Sa katunayan lahat kami ay walang imik.

Kru~~ kru~

"Uy! Kanino yun? Hahahaha!" Biglang pagbasag sa katahimkan ni Lee.

Nagkatinginan kaming lahat at napatingin kay Tyler.

"Hehehe. Akin po 'yun. Nagugutom na kasi ako eh." Sabi nito at ngumiwi.

"Baka malapit naman na yung siyudad dito. May mga kaunting bahay na doon oh!" Biglang singit ni Christine sa Usapan. Buhay pa pala to? Hahaha. Joke lang!

"At guys, kelangan na nating magpalit ng damit. Ilang araw na tayong di naliligo at nagbihis amoy zombie na tayo!" Suhestiyon ni Abe.

"Ayaw niyo pa 'nun? Para 'di tayo atakihin ng zombie?" Napafacepalm nalang kami dahil sa kabalastugan ni Vans.

"Hindi man tayo mamamatay sa zombies! Mamatay naman kami sa mmoy mo!" Pagdidiin ni Christine. Napailing nalang ako. Mukhang alam ba kung saan pupunta 'to tsk.

"Wow, hiyang-hiya! Nahiya naman yung amoy ko sa amoy mo!"

"Aba't! Asdfghjkll"

Binaling ko nalang ang atensiyon ko kay Keira at sinabayan siya sa paglalakad.

"Hmm. Keira salamat uli kanina." Saad ko. Matagal pa bago siya magsalita.

"Walang anuman."

Bahagya akong napatigil ng marinig ko ang kanyang boses. Kunot noo akong napailing at iwinaksi nalang ito sa aking isipan.

"Imposible." Bulong ko at hinabol sila sa paglalakad.

"May God! Mall nanaman?! Jusko!"

"Muling ibalik ang~~"

"Shut up guys." Walang gana 'kong pagpapatigil sa kanila.

"Parang back to basic nanaman tayo mga dre."

"Anong magagawa natin eh ito na yung kapalaran natin."

Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Tahimik naming minatyagan ang buong lugar at nakahanda sa nakaambang panganib.

Hindi naman humiwalay samin si Keira. Katunayan nga napag-usapan namin kanina na pwede silang sumabay saamin kasi napakadelikado para sa kanila lalo pa na dalawa lang sila at bata pa ang isa.

"Guys madilim sa loob." Bulong ni Lee ng nasa entrance na kami ng Mall.

"Malamang madilim, eh anong inaasahan mo? Maliwanag diyan sa loob?" Bara sa kanya ni Ace.

"Buti nga tsk"

Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at agad na pumasok doon.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon