DEAD 21🔫

1.5K 53 1
                                    

Aira POV

"San kayo nanggaling?" Tanong ng isang baritonong boses na kaharap namin ngayon. Hindi naman siya nakakatakot pero ang kanyang tindig ang nakakapangilabot at ang kanyang mga titig saamin na animoy nagpapahiwatig na kami ang mga  lapastangan na tumapak sa kanyang pagmamay-aring lupa.

"Sa tiyan ng nanay namin." Narinig kong bulong ni Mia kaya kaagad ko siyang siniko.

"Sa gubat kami nanggaling." Seryosong banggit ni Kyler.

Hindi naman kumibo ang lalaking sa harap namin at tiningnan kami isa isa. Mukhang nangingilatis.

"Kalagan ang mga 'yan." Utos nito.

"Subukan niyong tumakas at merong sasabog na utak dito." Sabi nitong kumakalag saakin.

"Tingnan ang mga batang 'yan kung may ibubuga."

Anong ibig niyang sabihin?

Kinaladkad uli kami ng mga lalaking ito at this time patungo na kami sa mga kumpol ng tao kanina. Meron pa nga kaming nadaanang lalaking puno ng pasa sa buong katawan at taong walang buhay habang binubuhat. .

Shocks, anong lugar ba 'tong pinasok namin?

Maingay parin sa buong lugar. Hindi ako nagkakamaling may laban na nagaganap sa lugar na ito. Puro hiyawan ang maririnig.

Teka? Hindi ba sila sinasalakay ng mga infected dito dahil sa ingay nilang 'yan?!

Napabaling ang tingin ko sa lalaking nagdala saamin dito na ngayon ay may kausap. Nakita kong sinulyapan niya kami at may ibinulong sa isa pang lalaki.

Napapatingin din saamin ang ibang naroon.

Napakunot ang noo ko nang mabasa sa kanilang mukha ang awa? Pagkadismaya at mga panghusga? Anyare?

"Naku! Siguradong mamatay lang ang mga iyan dito."

"Tingnan mo nga sila! Mga mahihina."

"Hay naku, kaawa-awang mga bata."

"Pst, may mga bagong salta."

Narinig naming sabi ng iilan.

"Ano bang problema nila?" Tanong ng katabi ko.

"Malay."

Lumapit saamin ang lalaking binulungan at inutusang pumasok sa loob ng para bang arena nila?

"Bakit naman kami papasok aber?!"
Mataray na tanong ni Mia.

"Dahil iniutos ko!" Sabi nito at inihila ang buhok naming dalawa papasok sa lugar.

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko.

"Bitawan niyo nga kami!" Sigaw din ng mga kasama namin at napagtanto ko na nasa loob na pala kami. Naka lock na ang pinto at pinalilibutan kami ng mga tao. Napadako ang tingin ko sa pitong taong kaharap namin ngayon na naka ngisi. Psh. Mga adik. Unfair naman ata! Dalawang babae ang meron sa kanila at limang lalaki tapos kami apat na babae at tatlong lalaki?! Wow ha!

"Booo!"

"Weak!!"

"Hahahaha.!"

"Talunin niyo ang mga batang 'yan!"

Sigaw ng mga naroon. Napakuyom nalang ako ng kamao ko.

Ayaw ko sa lahat na tinatawag akong mahina.

"Mukhang mapapadali lang naman ang laban natin ngayon, hahahaha.!

"Sinabi mo pa, mga mukhang walang laban eh. Pwee!"
Sabi ng kabilang grupo.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon