DEAD 3 🔫

3.1K 87 1
                                    

Aira POV

Sport fest day! Yehey! I'm excited! Yohoo! Archery here we come! Hahaha. Pasensya na kayo, hyper masyado! Makikita na rin namin yung ibang mga tropa, wahahaha!! Actually close friends rin namen sila but sad to say, nasa kabilang school sila eh sa Southern High. Tatlo sila puro mga babae.

"Tara na Aira! 8:00 mag-uumpisa na ang program!" Sigaw ni Mia at sumakay sa sasakyan. Nagkanya-kanya kaming drive sa sasakyan namin. Pinaharurot ko na ang kotse ko. Ayaw kong malate. Habang nasa daan naboboring na ako masyado kaya tinurn-on ko na ang radyo dito.

Aksidente namang naka tapat sa balita.

" kasalukuyan pong nagkakagulo ang mga tao dito sa ***** dahil sa biglaang pagsabog ng Star labs...." Bigla naman akong napapreno... WTH?!

Kunot noo kong  pinagpatuloy  nalang ang pagdadrive pero parang kinabahan ako ng marinig ang pagsabog ng Star Labs dapat nga matuwa ako pero bakit iba ang pakiramdam ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"...thats all student and the Sport Fest is now OPEN!" Sigaw ng Mcee at puro hiyawan lang ang maririnig sa open field. Halos marami rin ang mga estudyante na naririto ngayon dahil kalahati ng populasyon ng  Southern High ang andito. Sila makakalaban namin sa lahat ng mga matches at sa lahat ng mga activities na sinasalihan namin.

"Aira tara na!" Sigaw ni Mia. Hindi namin nakita si Abe. Tumatakbo kaming pumunta sa assign building ng mga archer ng biglang may nabunggo kami.

"Aray!" Sigaw nung nabunggo namin, hindi naman kami nasaktan dahil maliit lang ang nabunggo namin I think nasa Junior Highschool siya at base sa kanyang uniform taga Southern High.

"Okay ka lang bata?" Tanong ni Mia.

"Opo." Sabi niya sabay tayo. Napakunot nalang ako ng noo ko dahil pamilyar ang batang 'to.

"Hey, pamilyar ka!" Sigaw ni Mia

"Ikaw yung bata sa mini mart na namamalimos!" Sigaw ulit ni Mia.

"At kayo rin yung mga Ate na hiningian ko, and FYI hindi ako namamalimos, humihingi lang ko ng barya. Sa ganda kong 'to, sabi niya sabay flip ng hair." Lokang batang to.

"Anong ginawa mo sa barya?"

"Hindi ako bata I'm thirteen years old! Teen ako teen!" Pagdidiin niya.

"Oo na!" Sigaw ni Mia

"Inano mo yung pera?" Tanong ko.

"Nilunok ko tsaka sumigaw ng darna."  Sarkastikong sabi niya.

"Antipatika kang bata ka!" Sigaw ko. Haist. Pilosopa talaga!

"Ewan ko sainyo mga ate! Gandaq talaga!" Sabi niya tsaka umalis.

"Hey! Anong pangalan mo!" Sigaw ni Mia

"Just call me Dyosang DenDen." Sabi nito at tuluyan ng Lumayo

"Pigilan mo ako Mia, kukutusan ko talaga ang batang 'yon!" Ang kulit kulit!

"Hahaha, tara na Aira baka magsimula na!" Sabi niya at muling tumakbo.

Arg! Ang layo naman kasi nung building na yon! Ang lapad naman kasi ng school na 'to. Ang layo pa ng Gate tsaka parking lot. I think mga 15 minutes pa ang lalakarin simula sa gate hanggang sa principal office. Dami pang pasikot-sikot. Tsaka lahat ng Rooms dito nasa 3rd floor at may Rooftop buti nalang may ellevator kung hindi lumabas na dila mo sa kakaakyat!

Finally! Nakarating naman kami sa venue. Kunti lang yung mga students dito halos puro mga players lang pero may iba rin namang manunuod. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago mag-umpisa then after they call our name pumunta na kami sa tig-isang flat form, bawat players may nakaasign na flat forms 2 meters distance ang bawat isa. Then kailangan mong patamaan ang target, bawat level lalong lumalayo ang distance ng target sa shooter. Madali lang naman sa'min to. Isa rin ito sa hobby namin kaya hindi na kami mahihirapan pa. Sisiw lang sa'min to. Hahaha.

Pagkatapos ng game namin, naglibot-libot nalang kami sa buong school. Sari-sari ang makikita mo sa buong sulok nitong paaralan. Mga magbabarkadang masayang nag-lalakad, mga estudyanteng nagmamadali at bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan dahil nag-eenjoy sila. Napabuntong hininga nalang ako, para bang may mangyayaring masama. Napailing nalang ako sa kwierduhan na naiisip ko.

Napapraning na yata ako!

Bulong ko.

"Anong binulong-bulong mo diyan?", tanong ni Mia.

"Tara sabi sa Cafeteria!" Sabi ko.

"Maaga pa para magmeryenda. Maglibot-libot muna tayo!" Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Di naman talaga ako pupunta ng
cafeteria.-___- Sinabi ko lang 'yon para di na magtanong. Pumunta kami sa gym. Naglalaro sila ng basketball. Nahagip ng mata namin si Abe sa bleachers. Nag checheer.>___<

Pero hindi pa nga kami tumagal doon, nag-aya nanaman si Mia sa soccer field.  Andami ding mga students dito panay ang cheer nila. Hahaha. Kitang-kita ko talaga na nag-eenjoy sila. Again, hindi pa kami nakakatagal hinila na naman niya ako.

"Ang bata-bata mo pa, ganyan ka na makaasta!" Sigaw ng kung sino mukhang pamilyar ang boses ah.

"Mia, tara!" Sabi ko at ako naman ang humila sa kanya. Nadatnan namin sila sa loob ng comfort room. Mga grupo ng babae at kung minamalas ka nga naman grupo 'to ng Haily na yun.

"Totoo naman ah ang panget mo!" Mataray na sabi ng kung sino.

Bago pa niya sampalin ang bata nagsalita ako.

"Ganyan ka ba kaduwag Haily at pati bata pinapatulan mo?" Seryosong tanong ko at napalingon naman sila sa gawi naman. Sinenyasan ko naman si Mia na lapitan ang bata.

"What the hell are you two doing here?" Mataray na sambit ng haliparot.

"Haler! Comfort Room to!" Sigaw ko.

"I know tsaka wag nga kayong makia--".

"Aira Takbo!" Sigaw ni Mia habang hatak-hatak ang bata. Kaya no choice ako kung di ang tumakbo, nakita ko rin na hinahabol nila kami.  Ayaw naming makipagbugbugan at baka ma dentention pa kami nito. Hingal na hingal kami pagdating sa cafeteria.

"Hey bata, ano bang ginawa mo sa kanila?" Tanong ni Mia

"Wala! Sinabihan ko lang siya ng panget ayun na beastmode."

"Loka ka talagang bata ka!" Sigaw ko.

"Di na ko bata! Just call me Den for short." Haist. Ka highblood 'tong batang 'to.

"Tara na nagugutom na ako." Sabi ko

"Aalis na ako mga Ate!" Sabi niya at agad na tumakbo.

Pipigilan ko sana siya kaso nawala na siya sa paningin ko.

"Tara Mia." Yaya ko sa kanya. Pumila na kami sa counter at nag-order, pagkatapos naming umorder naghanap na kami ng pwesto sa tabi. Puro Glass kasi ang cafeteria kaya kitang-kita mo ang mga kaganapan sa labas.

Napatingin nalang ako sa paligid ng biglang umingay habang nakatutok sa flat screen TV.

"Oh My God!"

"Ano yan?! Nakakatakot!"

"Anong nangyari dun?!"

"May giyera na!"

"Aira look." Mahinang sambit ni Mia habang nakatutok sa TV.

"Shit! Ano yan?!" Sigaw ko.
Nakalive ang balita ngayon. Nagkakagulo na ang mga tao. Maraming tumatakbo na para bang hinahabol. Nagulat nalang kami ng may biglang sumabog, wala na. Mukhang nagkaroon ng World War 3. Inaatake na ba kami ng mga terorista? Pero mas lalo pa kaming nagulat dahil sa mga taong iba ang itsura na ngayon ay kinakain ang kapwa tao. Napahawak ako sa bibig ko. Shocks!

"Yuck!"

"Tae! Umalis na tayo dito! Baka kumalat na ang mga halimaw na 'yan.!"

Hindi ko alam tulala na ako ngayon. Napabalik nalang ako sa wisyo ng nakarinig ako ng pagbasag. Huli na namin napagtanto na nagkakagulo na pala sa labas.

Done

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon