DEAD 31 🔫

1.3K 43 0
                                    

Aira POV

"Oh paano tayo makakapasok nito? Wala kaming susi!" Saad ni Mia.

Hindi ko na alam kung saan napunta ang susi. Sa dinami daming nangyari saamin hindi na ako nagtaka kung pati susi ko nawala. Kinuha ko ang baril ko at binaril ang doorknob. Kaya tuluyang bumukas ang pinto.

"Hay naku, baril lang pala ang katapat nito tsk." Narinig kong sabi ni Abe.

Tuluyan na kaming pumasok sa bahay. Nagulat nalang ako ng magulo ang buong bahay.

"Hala Aira, anong nangyari?!" Tanong ni Mia.

"I think someone entered your house." Sabi ni Kyler habang naroon ang paningin sa basag na bintana.

"Baka magnanakaw." Sabi naman ni Christine.

Patakbo akong umakyat sa hagdanan upang puntahan ang kwarto ko.

"Aira sandali!" Narinig kong pagtawag ni Mia at sumunod saakin.

Katulad kanina, binaril ko rin ang doorknob kaya tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nasa ayos parin ang kwarto ko bago ko ito iwanan.

"Mia, asan ko yun inilagay?" Pagtatanong ko.

"Nasa ilalim ng drawer." Sabi nito at pumunta sa may drawer at binuksan ang huling baitang, nakita ko naman ang isang itim na notebook.

Kinuha ko ito at pinunasan gamit ang kamay ko dahil maraming alikabok.

Umupo ako sa higaan ko at binuklat ang libro. Naramdaman kong tumabi rin saakin si Mia.

Sa minamahal kong apo,

Kung binabasa mo ito, sigurado
akong may nangyayaring masama
sa mundo. Patawad apo kung
dinamay ko pa kayo sa kagagawan
ko, gusto ko lang naman na
buhayin ang lola mo, ngunit hindi
ko inaasahan na mag tatraydor si
Alfonso. Ginawa namin ni Alfredo
ang lahat upang pigilan siya
ngunit hindi namin nagawa.
█Batid namin na papatayin kami ni
Alfonso kung kaya't, gumawa
kami ng sekretong plano upang
mapabagsak siya. Kinuha namin
ang ala ala niyong dalawa, upang
hindi niya malaman kung ano ang
konesksiyon ninyong dalawa ni
Mia kung kaya't ito na ang oras
para malaman ninyong dalawa.
Naalala mo pa ba ang silid na
ipinagbabawalang pumasok ang
sino man? Buksan mo ang volt sa
gilid ng kama, nandoon nakalagay
ang syrum upang tuluyan na
kayong makaalala. Nasa likod ng
kwaderno na ito ang susi ng silid.
█. Tandaan mo apo, mahal na
mahal kita, pakaingatan mo ang
sarili mo apo at alam kong kayo
ang tatapos sa gulo ni Alfonso.

Nagmamahal,
Ang iyong Lolo.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Tumayo ako sa pagkakaupo. Kinuha ko ang susi sa notebook.
"Tara Mia." Yaya ko kay Mia at tumungo na palabas ng silid.

Pinuntahan namin ang silid na sinasabi ni lolo at ngayon ay nakatayo na kami sa mismong harap ng Pinto.

Ngunit napatigil ako sa paglalakad.

"Anong problema?" Tanong ni Mia.

"There's something not right here."

"Hay naku, napaparanoid ka nanaman eh, buksan mo na yung pinto."

Nanginginig ko itong binuksan, dahil sa ilang taon kong nakatira sa bahay na ito hindi pa ako tuluyang nakapasok dito.

Narinig ko ang pag click ng pinto senyales sa pagka bukas nito.
Dahan-dahan kong pinihit ang door knob.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon