DEAD 12 🔫

1.9K 58 0
                                    

Aira POV

We are currently eating our dinner. Pffft eating dinner eh? Hahaha. Pero seryoso. Kumakain kami ngayon tanging kandila lang at flashlight ang ginamit namin para magkaroon ng ilaw.

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Remember? Huhulugan nila ng bomba ang buong siyudad tomorrow at exactly 9 in the morning.

Napakunot ang noo ko.

"How did you know that?" Tanong ko.

"Well nagkaroon sila ng access sa labas ng bansa at nalaman nalang nila na may mga bombang ipapadala ang US sa mga siyudad dito sa Pilipinas."
Sabi ni Mia

Napabuntong hininga ako. I remember Daddy and Kuya. I know they are safe there pero pano namin kami dito? Is he even trying to contact me? May ginawa na siyang paraan para hanapin ako? Biglang bumigat ang pakiramdam ko. I immediately wipe the tears from eyes.

"Excuse me." Tanging sambit ko at
nagmadaling umalis doon bago pa ako tuluyang umiyak.

Dumeretso ako sa kwarto namin at tumunghay sa bintana.

"Dad, Kuya"

Hindi ko na namalayan na nagsipag unahan na sa pagtulo ang luha ko.
Tinakpan ko ang bibig ko ng nagsimula na ang paghikbi ko. Ayokong makita nilang umiiyak ako.
Ayoko sa lahat ay makita nilang mahina ako.

Hindi ko inaasahan na pupunta si Mia saakin at i cocomfort ako dahil alam niya na kapag nagiging emosyonal ako gusto kong mapag-isa.  Humiga ako sa isa sa kama dito. Nakatuon ang dalawang pares ng mata ko sa kisame
ng buong kwarto.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto.

"Kung hindi dahil sa'yo hindi namatay ang boyfriend ko!"

"Wala akong kasalan! He was the first to one to save me!"

"Yun na nga eh! Kung ka lang sumama saamin hindi siya mapapahamak!"

What's this? A sort of love triangle? Meh!

Nakita ko ang iba na tahimik lang sa sulok and Lee and Kyler are nowhere to be found.

"Hey Aira, feeling better?" Tanong ni Mia habang palapit.

Tumango nalang ako.

"Anyare?" Tanong ko.

"Ewan ko sa dalawang 'yan at palaging nag-aaway. Tsk. Lovelife ngan naman. Sinisisi kasi nong Amber nayun si Heide sa pagkamatay ng boyfriend nito."

"Ha? Di ko gets?" Takang tanong ko

"Malamang 'di ka pa nagkakaboyfiend"

"Tsk, parang ikaw meron." Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Che!"

"Mabuti pa na ikaw ang namatay at hindi siya!"

Ayoko ng malaman ang kadramahan nila at bumalik na sa kwarto dahil nakaramdam ako ng antok.

Naramdaman kong may bumangon at nakarinig rin ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Bumangon ako, It feel that's there something isn't right here. Tulog na lahat ng kasama ko pero someone's not here no I guess two people are not currently here.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang dalawang babae kaninang nag-aaaway na ngayon ay nag-uusap. But I found someone suspicious there's Kyle na nagtatago behind the walls.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila upang marinig ang usapan nila.

"Ano bang pag-uusapan natin at kailangan pa sa ganitong oras?"  Tanong ni Heide

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon