Aira POV
"Hindi pa ba sa nagigising?""Hindi eh."
"Okay na man daw yung mga vital's signs niya kaya huwag kang mag-alala uy!"
Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at napapikit uli dahil sa silaw.
Pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko masilayan ang paligid."OMG! Gising na siya!"
"Aira, can you hear us?!"
Halo halo ang aking naramdaman ng masilayan ko muli ang kanilang mga mukha.
Totoo na ba ito?
Hindi ba ako nanaginip?Maya-maya pa ay nakaramdam ako ang pagpahid ng kung ano sa mukha ko.
"K-kyler" Untag ko sa lalaking nakatingin saakin at siyang nagpahid ng luha ko na hindi ko manlang naramdamang tumutulo.
"Grabe ka Aira! Si Kyler talaga yung una mong pinansin?!" Napatingin ako sa babaeng umiiyak ngayon.
Lihim akong napangiti."S-sino ka?" Pagkukunyare ko at halos matawa ako ng bigla siyang umatungal na parang bata.
"J-joke lang." Saad ko at agad naman akong binatukan.
"Hey!" Pagsisita sa kanya ni Kyler.
Lumapit naman saakin ang iba.
"G-guys." Saad ko at ngumiti naman sila habang. maiiyak na.
"Ba't kayo umiiyak? Ke lalaking tao." Saad ko.
"Okay na si Aira! Nakapag joke na!" Sigaw ni Lee.
Dahan dahan akong umupo sa kinahihigaan ko.
"Aira!" Sigaw ng mga babae at agad akong dinamba ng yakap.
"Miss na miss ka namin! Hindi kami makapaniwala! Huhuhuhu!" Atungal nila. Agad naman akong napaiyak ng maalala ang mga nangyari.
Kumalas sila ng yakap at nagpahid ng luha.
"Tapos na diba?" Tanong ko at tumango silang lahat.
Hinawakan naman ako ni Mia sa kamay.
"Nagawa natin Aira, nagawa mo."
Hindi ako makapaniwala.
"Ate Aira!!!!" Bigla silang nahawi para bigyan ng daan ang tumawag saakin.
"DenDen" Saad ko at sinalubong niya akk ng yakap.
"Ate! Huhuhu! Nabalik naba ala-al mo? Lahat ate?!" Pagtatanong nito.
"Oo, natatandaan ko na lahat kahit iyong pag hingi mo ng piso noon saamin ni Mia." Bigla naman humagikhik ang lahat.
"Ate naman." Saad nito.
Nagpalinga linga ako sa paligid.
"Si Tyler hanap mo ate?"
Agad akong tumango.
"Oo, asan siya?"
Tumakbo naman bigla si DenDen at may kinaladkad."Tyler." Tawag ko sa batang kaladkad ni DenDen.
"Nahihiya daw po siya ate!"
"Halika nga dito!" Saad ko at nakayuko itong lumapit saakin.
"A-ate Kie-ay mali ate Aira." Saad nito at napangiti ako.
"Ako parin naman ang ate Kiera mo eh." Saad ko at napatingin naman ito saakin.
"Atee!" Sigaw nito at yumakap uli saakin.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...