DEAD 16 🔫

1.6K 65 0
                                    

Aira POV

Nakatanga kami ngayon sa mga sundalong pinapatay ang apoy sa nasusunog na stock room ng pagkain.

Gusto sana naming tumulong kaso pinagbawalan kami ni ate Mich.

"Hey Mich! Bakit nasunog ang stock room?"

Napabaling ang atensiyon namin sa likod ng may biglang nagsalita.

"Lea, ba't bumalik na kayo agad? I thought you are on your mission?".

Tanong ni ate Mich. Sa babaeng bagong dating.

"Ow, bumalik kami dahil nalaman namin kanina lang na nasunog ang stock room at baka kinakailangan niyo ng tulong.Wala bang nasaktan?" Saad nito.               

Bumuntong hininga si ate Mich bago nagsalita.

"Walang nasaktan tanging 'yan lang ang natupok ng apoy." Sabi ni ate Mich.

Mabuti na lang at kalahati lang ng stock room ang nasunog at hindi lahat ng pagkain ay natupok.

"Nga pala, Guys this is Lea kasamahan din namin." Pakilala niya sa babae.

"Hi Guys I'm Lea, you can call me ate Lea." Sabi nito at ngumiti.

Isa-isa kaming nagpakilala sa kanya at kagaya nila ate Mich mabait naman ito.

                                ✖✖✖

Kinabukasan....

"Oka'y so who want's to try first?"
Tanong ni ate Mich. Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa training room at ngayon tuturuan kami ni ate Mich sa basic kahit na marunong na kami ni Mia. Hehehe. Pero sa ngayon, bago niya kami turuan pakitaan muna raw namin siya ng aming skills.

"Naku! Ate Mich 'di po ako marunong makipaglaban!" Sigaw ni Abe

"Ako rin ate!" Segunda naman ni Christine at Denden

"Ate Mich, bakit kailangan pa po namin ng training? Diba mga zombie lang yung kakalabanin namin, di na po siguro kailangan ng mga skills?" Nag-aalanganing tanong ni Wendel.

"Hindi lang mga infected ang maaaring makakalaban ninyo, sa panahon ngayon mas lalo kayong mag-ingat hindi lang sa mga infected kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa inyo. Hindi natin alam meron na pala tayong kalaban na mga tao." Paliwanag nito. Napa 'ahh' nalang kami.

"Ako ate ang mauuna!." Sabi ni Rico at biglang tumayo at pumunta sa gitna.

Seryoso?

"As you wish Rico." Sabi nito. Humanda na sila sa pag-atake ngunit mas mabilis si ate Mich.

"Aray!" Daing ni Rico habang hawak-hawak ang kanyang muka.

"Masyado kang mabagal Rico." Seryosong sambit ni ate Mich.
Sumugod si Rico, ngunit naiwasan naman ito ni ate Mich. Hinayaan uli ni ate Mich na sumugod sa kanya si Rico pero poor Rico. Pinilipit ni ate Mich ang kamay ni Rico at ibinalibag ito sa sahig. Buti nalang hindi may parang manipis na foam ang sakit at hindi gaanong dumagdag ang sakit. Bumalik naman sa knyang pwesto si Rico habang paika-ika.

"Whose next?" Sabi nito.

Walang pasabing tumayo si Kyler at pumunta sa Gitna.

"Let's start."

Unang sumuntok si ate Mich ngunit nailagan naman ito ni Kyler. Ngunit mabilis si ate Mich kaya hindi nailagan ni Kyler ang pangalawang suntok ni ate Mich. Napaatras si Kyler habang hawak hawak ang ilong niyang dumudugo. Agad namang sumuntok si Kyler. Umiwas naman si Ate ngunit hindi niya inaasahan na tutuhurin siya ni Kyler sa tiyan.
Meh, napaka brutal naman nito.

Ngunit parang wala lang ito kay ate Mich at nag simula na uli  silang sumugod  sa isa't isa.

Binigyan ni ate Mich si Kyler ng round kick pero hindi namin inaasahan na makukuha niya ang paa ni ate Mich at ibinalibag sa sahig.

Parang hindi naman nasaktan si ate Mich ngunit he raises her two hands as a sign of defeat.

Dapat tinuluyan mo na'yan ate Mich eh!

"Well, that's nice Kyler. You know how to fight."

"Siyempre ate Mich! Basagulero 'yan eh!" Biglang sigaw ni Lee.

"Tsk." Narinig kong singhal ni Kyler.

Meh, hindi na nakapagtataka.

"Oh sino na?" Tanong ni Ate.

"From the girls!"

"Mia ikaw na!" Sigaw ko sa kanya.

"Ba't ako?"

"Sige na, kaya mo 'yan." Sabi ko sa kanya.

"Grr. Fine." Sabi nito at tumayo.

Kagaya kanina. Pumwesto na sila sa para simulan ang laban.

Unang sumugod si Mia. Binigyan niya ng straight punch si ate Mich. Nakailag naman si Ate Mich ngunit nadaplisan siya sa pisngi. Sunod-sunod ang pag-atake ni Mia kay ate Mich kaya panay ilag naman ang ginawa ng isa. Sinipa siya ni Ate Mich sa tagiliran kaya napadaing ito at napatigil sa pagsuntok. Ginawa itong tyansa ni ate Mich para suntukin si Mia sa Mukha. Napahiga naman si Mia ngunit agad naman itong nakabawi.

Sumugod uli si Mia at pinaulanan ng suntok si Ate. Tumama ang kamao ni Mia sa Mukha ni Ate.  Mia gave her a round kick dahilan upang matumba ito at wala na itong nagawa ng cornerin na ito ni Mia mula sa pagkakahiga.

"Tha't was great!" Saad ni Ate Mich habang tinutulungan itong tumayo ni Mia.

"Yow! What's happening here?"  Napatingin kami sa pinamulan ng boses. Si Kuya Marcus pala.

"As you can see, merong nagaganap na pag-eensayo." Sabi ni ate.

"Hahahahaha. Then pwede ba akong manood?"

"Yes offcourse it's free anyway. Okay guys, let's continue."

"Wait Guys! How about gawin nating game ang pag training natin?" Suggestion ni Lee.

Napakunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Girls Vs. Boys ang labanan. Bawat grupo ay mayroong representative na maglalaban, ang matatalo walang hapunan mamaya."

"What?! That's unfair!"

"Nothing is Unfair here, kaya mamili na kayo kung sino ang lalaban sa mga babae." Sabi nito.

Ano bang pumasok sa kukote nito?!

"Okay, sounds great." Pagsang-ayon naman ni ate Mich.

Seryoso?!

"Tutal baka kulangin tayo mamaya sa pagkain. Mas okay na 'to para makatipid tayo." Sabi nito at tumawa ng nakakaloko.

"Aira, ikaw na 'dun." Nagulat ako sa sinabi ni Mia.

"Ba't ako?"

"Alangan namang ako?! Duh! Kita mong kagagaling ko lang sa bugbugan. Alangan namang sina Abe at DenDen anong malay nila sa pakikipag bugbogan?!"

"Si Christine nalang."

"Ayoko nga!" Biglang second the motion ni Christine.

Tiningnan ako ni Mia with the  'no choice ka na' look.

"Fine!" Napipilitan kong sagot at tumayo.  Narinig ko ang mga sigawan ng mga kalalakihan ng biglang tumayo si Kyler.

So siya ang makakalaban ko? Well obvious naman. -____-

Well see it later kung sino ang mananalo saating dalawa. *smirk*

Done❤

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon