A/N: Hello! This one si Dedicated to
DarkQueen923! Thank you! You made my day kanina. Mwah!Kiera POV
"Salamat dahil sa katiting na oras nagkaroon ako ng kaibigan, salamat dahil pinaramdam niyo saakin na may mga tao pa palang mababait kagaya niyo na handang tumulong at ang naiisip ko lamang na paraan para makabawi sa inyo ay ang paglayo ko."
Sinserong saad ko at bumaba na.
Kailangan kong hanapin ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung ano ang kailangan ng mga humahabol saakin."Kiera, please don't go." Bahagya akong napatigil sa paglalakad ng marinig ang mga katagang iyon galing sa kanya. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagsimula ng maglakad sa likurang bahagi ng safezone. Pero nakalimutan ko palang may electric current ang bakod kaya napaatras ako.
Napagpasyahan kong bumalik ngunit nakailang hakbang palang ako at bigla akong tumilapon at tumama sa pader ang likod ko.
Agad naman akong tumayo ngunit biglang bumigay ang katawan ko
Bakit? Akala ko ba malakas ako?
B-baket palagi nalang akong nanghihina. Dala lang ba 'yun ng tinatawag nilang "adrenaline rush?"Ano ba ang ginawa nila sa katawan ko?
Dahan-dahan akong tumayo at naghanap ng makakapitan. Napapikit at napaubo ako dahil sa usok na kumakalat sa buong lugar.
"H-hey!" Tawag niya sa isang lalaking nagmamadaling tumakbo.
"A-anong nangyari?!"
"Sumabog po ang power system ng buong lugar. Na over heat ata. T-teka ayos lang po ba kayo?" Pagtatanong ng lalaki. Tumango ako at sinenyasan ko lang ito na umalis na. Napaupo na lamang ako pero kaagad naman akong tumayo para balikan sila.
Paika-ika akong naglalakad-takbo at mapatigil ng matanaw ko sila at parang seryosong silang nag-uusap kasama 'nung Aries.
Sumandal muna ako sa malapit na poste at hinintay silang matapos sa pag-uusap. Kaaagad naman nila akong nakita pagkatapos ng usapan nila at nilapitan ako ni Abe.
"Kiera! Okay ka lang?! May sugat ka!"
"Nah, I'm okay. What happened? Parang nagmamadali kayo?" Tanong ko.
"We need to secure the safe-zone. Wala na ang power sa buong lugar at matagal pa bago marestore ang electricity. As of today, mata na ang gagamitin namin as CCTV."
"If you need help, count me in." Saad ko, ngumiti naman ito at umalis.
Mauudlot pa 'yata yung pag-alis ko. Naudlot nga talaga.
"Hey, you're bleeding." Napatingin ako sa nag-salita. It's Kyler.
"Are you okay?" Tanong nito.
"Yeah." Maikling tugon ko.
"You need to clean your wound." Saad nito at umalis.
Napatingin naman ako sa braso ko. May sugat pala ako, hindi ko naramdaman tsk.
Manhid na nga ba talaga ako? Nah, nasaktan pa ako kanina eh.
Hahakbang na sana ako ng napalingon ako sa tumawag saakin.
Nakita ko si Mia na paika-ikang lumapit saakin.
"Anong nangyari sayo?" Pagtatanong ko.
"Ikaw? Anong nangyari sayo? Mukhang pareho lang naman 'yung nangyari saatin eh. Tara puntahan natin si Kuya Aries sa opisina niya, doon din kami dati nakatira, ipapakita ko sayo." Anyaya niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...