DEAD 50 (Part 2)

257 14 0
                                    


Third Person's POV


"Eyy, nakita mo sina Mia?" Tanong ni Christine kay Lee.

"Hindi nga eh, kanina ko pa sila hinahanap pero di ko sila makita."-Lee

"Kayo nakita niyo? Eh si Abe?" Pagtatanong niya uli.

"Hindi rin, asan na ba kasi nagsusuot ang dalawang 'yun?" Inis na banggit ni Vans.

"Di kaya, nahostage sila--aray!"
Daing ni Lee ng batukan ko siya ni Christine.

Walanjong lalaki. Kung ano na yung iniisip. Saad niya sa sarili.

"Kung ano na yung sinasabi mo diyan, nakita ko sila kaninang magkasama at pumunta sa may looban. Huwag nga kayong praning diyan." Dagdag ni Ace.


Nanliit ang mga mata ni Christine at nag-isip. Umiling naman si Ace.

"Kyler saan ka pupunta!!" Sigaw nila ng nagmadaling umalis si Kyler papunta sa may looban.

"Anyari 'dun?!" Takang tanong ni Lee. Habang tinatanaw si Kyler sa mismong direksiyon kung saan huli nilang nakita ang dalawang dalaga.

"Ano bang ginagawa niya? Mapapahamak tayo nito!" Saad ni Vans.

"Kailangan natin siyang sundan kung mapapahamak siya, damay damay na 'to." Saad ni Ace.

Napasabunot nalang si Christine ng kanyang buhok at sumunod sa kanila.

"Kyler!" Sigaw nila nang makita nilang may nakatutok na baril sa kanya. Bakas ang takot at pagkagulat sa buo nilang sistema sa kanilang nadatnan. Hahakbang sana sila palapit kay Kyler ngunit napatigil sila ng tinutukan din sila ng baril.

"Hinahanap lang namin ang kaibigan namin." Seryosong saad ni Kyler sa kanila.

"Pwes, inuunahan ko na kayo, wala dito ang kaibigan niyo!" Giit ng lalaking nag ngangalang Boris.

"Wala naman sigurong masama kung hahanapin namin dito ang kaibigan namin diba?" Biglang saad ni Lee.

"Oo nga, kung wala nga kayong ginawang masama hahayaan niyo kaming halughugin ang lugar niyo." Panggagatong ni Ace.

"Guilty kayo? Guilty?" Saad ni Vans.

Bakas ang panggigigil sa mukha ni Boris ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan nila lalo na't may posibilidad na baka makahalata sila sa kung ano man ang tinatago nila.

Nanliit ang mata ni Kyler at nag-isip.

Pansin niya sa mga ikinikilos ng mga tao doon na may tinatago ang mga ito at masama ang kutob niyang iyon.

"Tara, maghiwahiwalay tayo." Saad ni Xander.

"Masama ang kutob ko." Biglang saad ni Lee.

"Ako rin, sigurado akong may ginawang masama sila kina Mia.". Paninigurado ni Christine.

"If that's the case, kailangan natin silang mahanap as soon as possible." Pag sang-ayon ni Kyler sa sinabi nila.

"Maghiwalay tayo , after 5 minutes dito rin tayo magkita kita." Saad ni Kyler. Tumango naman ang dalawa at tumungo sa iba't ibang deriksiyon.

"Mia! Abe!" Sigaw ni Christine habang palinga linga sa paligid.

"Mia! Asan na kayo!" Patuloy parin siya sa paglalakad.

"Mia! Abee--" Napatigil siya sa pagsigaw ng makarinig ng munting kaluskos. Pinakiramdaman niya ang paligid. Tanging siya lang at si Vans ang tao dito sa may mapunong lugar at kinikilabutan siya sa oras na ito.

"Ano yun?" kilabot na tanong niya.

"Ewan ko." Maikling sambit ni Vans habang patuloy parin sa paglinga sa paligid at nauna nang maglakad.

Napabuntong hininga nalang siya at napagpasyahang umalis na dahil mag lilimang minuto na. Tatalikod na sana siya ng bigla siya mapahiga sa lupa at tuluyan ng mawalan ng malay.

Hindi magkamayaw si Mia at Abe sa pagmumumiglas ng biglang ipasok ng mga lalaki ang katawan ni Christine na walang malay habang nakagapos ang parehong kamay at paa katulad ng ginawa sa dalawa. Gustuhin man nilang sumigaw ngunit hindi nila magawa dahil sa busal nila sa kanilang bibig.

Sa kabilang banda, panay ang pagtawag nina Ace at Xander sa pangalan nina Mia at Abegail. Kanina pa sila palibot libot sa buong lugar ngunit hindi nila ito mahagilap.

"Tara na Xander, mukhang wala sila rito. Kelangan natin silang puntahan baka nandun na sa kanila sina Mia."

Sumang-ayon naman si Xander kay Ace. Tatalikod na sana sila nang biglang sumalubong sa kanila ang isa sa mga tauhan ng buong lugar.

"Pinapatawag kayo ng kaibigan niyo." Madiing saad ng isa sa mga lalaki.

"Nakita na ba nila yung kaibigan namin?" Pagtatanong ni Ace.

Tumango naman ang dalawang lalaki at nauna nang maglakad. Nagkibit balikat lang ang dalawang binata at sumunod na sa paglalakad.

Kumunot ang noo ni Ace ng mapansing puro na kakahuyan ang dinadaanan nila kahit na parte parin ito ng kanilang lugar.

"Malapit na ba tayo? Asan na sila?" Tanong ni Xander.

Nakahinga naman sila ng maluwag nang may makita silang tent sa may di kalayuan dahil ang alam nila ay nandun ang kanilang mga kaibigan. Nang makarating sila sa isang tent sa may mapunong lugar agad silang dumeretso roon ngunit napatigil sila sa kanilang nadatnan. Hindi na nila nagawang pumalag ng naunahan na silang hambalusin ng dalawang lalaki at agad na nawalan ng malay.

Lingid sa kaalaman nina Kyler at Lee na nasa panganib na ang kanilang mga kaibigan.

"Tara, baka naghihintay na sina Christine doon." Pagyaya ni Lee sa kasama.

Napakuyom nalang ng kamao si Kyler. His instinct said tha't meron talagang nangyari sa dalawang dalaga.

"Teka Kyler, nakikita mo ba 'yon?" Pagtuturo ni Lee sa isa ng Tent sa di kalayuan sa kanilang kinatatayuan.

Napagdesisyunan nilang tumungo doon. Dahan dahan nilang hinawi ang pintuan at dilim kaagad ang bumungad sa kanila at masang sang na amoy.

"P*tangina Kyler! Amoy patay!" Sigaw ni Lee. Ngumiwi lang si Kyler at tinabunan ang kanyang ilong at bibig.

May nakapa naman siyang switch kaya hindi na siya nag-atubiling pindutin ito. Halos matumba naman sila sa kanilang kinatatayuan ng hindi lang ito isang ordinaryong tent.

"What the hell?! Anong ginagawa ng mga zombie na 'to dito!?" Gulantang na tanong ni Lee habang nakatingin sa mga agresibong zombie na nakakulong sa kanilang harapan na animo'y pagnakawala ang mga ito ay hindi na sila makakatakas pa.

"Bakit may ganyan dito?! Tara umalis na tayo dito!" Akma sanang aalis si Lee ng hilahin siya ni Kyler at nagtago sa gilid ng tent.

"Shhh, may tao."

Napatikom sila ng kanilang mga bibig habang nakatago sa gilid ng tent.

"Sigurado ba si boss sa gagawin niya?"

"Sigurado yan tsaka alam naman ng mga tao dito yung drill pwera nalang sa mga baguhan."

"Baguhan?"

Bulong ni Lee.

"Nasan na pala ang mga baguhan na iyon?" Tanong ng isang lalaki sa kasama.

Naalerto naman ng dalawa sa narinig at animoy hinihintay ang sagot ng lalaki.

"Sa Isang tent sa may kakahuyan." Hindi na nagpaligoy ligoy pa ang dalawa na agad naman nilisan ang Lugar upang puntahan ang sinasabing tent, ngunit bago pa man mawala ang paningin nila sa kanilang pinanggalingan, nakita nila kung papaanong buksan ng dalawang lalaki kung saan nakakulong ang mga agresibong zombie na handang sakupin ang buong lugar.

Done

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon