Keira POV
"Ate, pagod na ako." Napatingin ako kay Tyler."Magpahinga na muna tayo." Saad ko habang paupo at napasandal sa isang puno.
"Buti nalang ate, hindi tayo nahuli kanina."
"Sino ba ang mga iyon?" Tanong ko.
"Taga safe zone sila ate pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dito sa labas mukhang nasa mahirap silang sitwasyon ngayon base rin sa kanilang maruming kasuotan at mukhang pagod na pagod sila. Siguro naligaw din sila katulad natin at may kutob din ako ate na nanggaling rin sila sa kampo kung saan tayo dinala ng mga masasamang tao."
Napabuntong hininga ako.
"Buti nalang ate hindi mo tinuluyan yung lalaki kanina." Sambit nito pero nanatili akong tahimik. Paano nga ba kami napunta ni Tyler sa ganitong sitwasyon?
Flashback...
"Ate! Saan ka pupunta?!" Napapikit ako ng mariin bago nilingon ang nagsalita.
"Huwag mo akong sundan Tyler." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ate sama ako!!"
"Huwag kang sumama Tyler at umuwi ka na. Malayo na yung narating mo sa kakasunod saakin." Mahinahon na sambit ko.
"Saan ka ba kasi pupunta ate?" Pagtatanong niya uli.
Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh basta ang alam ko kailangan kong makalayo sa kanila dahil alam kong panganib lang ang dala ko sa kanila kung mananatili pa ako sa lugar nila.
"Huwag ka nang sumama, mapapahamak ka lang." Saad ko at tumalikod.
"Ate naman eh!"
Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang hikbi niya.
"I-kaw nalang nga 'yung kaibigan ko at ate ko. I-iwan mo pa ako?"
Napakagat labi ako ng marinig ko ang iyak niya.
Bakit ako nakaramdam ng ganito? Ganito ba ako?
Hahakbang uli sana ako ng maramdaman kong may yumakap saakin.
"Ateee! Dito ka kang please? *huk* 'wag mo 'kong iwan! O kung ayaw mo ate, sasama nalang ako sayo!" Saad nito.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panganib, panganib na nakaamba sa aming dalawa ni Tyler.
I can sense something na paparating sa direksiyon namin.
Agad kong tinago sa likod ko si Tyler ng may biglang tumutok na baril saamin.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...