Aira POV
"Ba-bakit tita chelle?" Tanong ko.
"Bakit?!" Sigaw ko habang unti-unting nanghihina ang tuhod ko at napasalampak sa damuhan.
"Pinagkatiwalaan ka namin tita chelle!" Sigaw ni Mia.
"Tita chelle, a-akala ko kakampi ka namin?"
"Nagulat ka ba Aira? Hahahahaha. Well I guess it's a surprise?"
Hindi ko na kailangan pang tingnan ang isa pang salita dahil boses palang...
Nagsasama sama lahat ng traydor!
"Lea, alam mo na ang gagawin mo."
Napatayo nalang akong bigla ng lagyan nila ng bomba ang mga kasama ko.
"Anong gagawin niyo?!!!"
"Simple lang, papatayin namin ang mga kaibigan mo." Sabi nito at sinama si Mia sa iba.
"Ano bang kailangan niyo saamin?! Ha?! Saakin?! Ibibigay ko! Huwag niyo lang galawin ang mga kaibigan ko!" Sigaw ko.
"Ikaw kapalit ng buhay ng mga kaibigan mo." Sabi ni Marcus.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
Tiningnan nila ako na para bang nagmamakaawa na huwag akong sumama.Hindi na ako nagdalawang isip pa.
Buo na ang desisyon ko. Kapalit lang ng buhay ng mga kaibigan ko."Sasama ako, basta't pabayaan niyo lang ang mga kaibigan ko."
"Nahihibang ka na ba?!" Biglang singhal ni Mia. Siya lang ang walang busal ang bibig ngunit nakita kong nagpupumiglas ang iba.
Tiningnan ko sila at malungkot na ngumiti bumaling naman ako sa kausap ko.
"Paano ako, makakasigurong tutupad kayo sa usapan?" Seryosong tanong ko.
Sinenyasan naman niya ang iba niyang kasama at tinanggal ang bombang nakakabit sa kanila.
Kinuha nila ang busal sa bibig ng mga kaibigan ko.
"Aira! Huwag kang papayag pleaseee!!!"
"Aira naman eh!!"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko.
Tiningnan ko si Mia.
Ngunit walang emosyon ang nakabakas sa mukha niya.
Nakatingin saakin si Kyler na tila nakikiusap na huwag akong sumama. Iniwas ko nalang ang paningin ko.
Napabuntong hininga ako.
Nakaramdam nalang ako ng pagposas sa dalawa kong kamay.
Bakas sa mukha nila ang pagmamakaawa kaya dahan-dahan akong tumalikod.
May marahas na kamay ang humila saakin, wala na akong magawa kundi ang sumunod nalang.
Guys, I'm sorry.
Tanging nasambit ko sa aking isipan bago ako tuluyang pinasok sa sasakyan.
Tahimik ang buong biyahe tanging tunog lang ng sasakyan ang maririnig.
Nakatungo lang ako ng biglang may umangat sa ulo ko't piniringan ang mata ko.
Hindi na ako nagawang mag pumiglas, tanggap ko na ang kahahantungan ko. Ni wala pa akong maalala sa nakaraan ko.
Napa ngiti ako ng mapait.
Naramdaman kong huminto na ang sasakyan at ang marahas na paghila saakin, muntik pa nga akong masubsob kung hindi lang ako hawak hawak ng taong 'to.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
TerrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...