DEAD 36 🔫

1.3K 50 0
                                    


Aira POV

Andito parin kami hanggang ngayon,
hindi malaman ang gagawin.

Hinihintay namin sina Mia, kung nakahanap sila ng labasan.

"Okay ka na ba?" Napatingin ako sa kanya habang naupo sa tabi ko.

"Hmm." Tugon ko.

Para bang nakuryente ako ng magtama ang mga balat namin.

*dug* *dug* *dug*

Why Am I feeling like this?

"I'am so worried about you."

*dug* *dug*

"Ha?" Bigla akong napalingon sa kanya.

"Ah--I mean, nag-aalala kami sa'yo."

Sabi nito at umiwas ng tingin.

"Guys! Umalis na tayo ngayon na!"
Humihingal na wika ni Mia habang palapit saamin.

Bigla kaming napatayo.

Nagmadali kaming tumakbo.

"Kumukalat na ang usok sa buong lugar!"

"Ano?!" Gulat na sigaw ko. Hindi ito maaari. Hindi ko alam kung anong meron sa usok na iyon pero kailangan na naming makaalis dito.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"What are you doing?" Tanong ko kay Kyler.

"Hinahawakan kamay mo." Sabi nito at binilisan ang takbo. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya.

Why are you doing this to me Kyler?
And why my heart is beating too fast?!

Bigla nalang akong nakaramdam ng malakas na pwersa at ang malakas na pagsabog dahilan upang tumilapon kami.

"Ahh." Daing ko. Hahawakan ko sana ulo ko ngunit nakahawak parin kamay ni Kyler saakin.

"F*ck! Are you okay Aira?!" Sabi nito at nilapitan ako.

Napatingin ako sa kanyang mukhang nag-aalala.

"Y-yeah I'm okay." Saad ko at tumayo.

"Guys! Okay lang ba kayo?!"

"Ano 'yun?!" Ansakit ng likod ko dun ah!"

"Let's go na guys!"

Nagpatuloy na kami sa pagtakbo.

Kailangan na naming humingi ng tulong.

"Malapit na tayo sa labasan guys!"

Nakikita na namin ang labasan.

Hindi ito ang elevator kung saan ang entrance isa itong emergency exit.

Nakahinga naman kami ng maluwag ng tuluyan na kaming makalabas.

"Where's Abe?!!"

Napatingin kami bigla kay Christine.

"Ha?!"

"Wala si Abegail Dito!"

What the!

"Babalikan ko siya sa loob!" Saad ko.

Akma sana akong babalik ng may pumigil sa kamay ko.

"Sasama ako." Napatingin ako kay Kyler at tumango.

"Ako rin." Presinta ni Mia.

"Ha?! Sasama din kami!" -Lee

"No! Stay here." Madiin na sabi ni Kyler.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon