Dedicate to Potski3CHAPTER 40 🔫: Final Chapter
Abegail POV
Naaawa na kami kay Mia. Dalawang linggo na siyang hindi lumalabas ng bahay. Minsan nga naririnig namin siyang umiiyak sa kalagitnaan ng gabi.
Hindi na siya yung Mia na kilala namin. Matapang at puno ng sigla.
Napabuntong hininga ako habang paakyat kami ni Christine sa taas upang puntahan si Mia para yayain na lumabas kahit alam ko na ayaw niya.
Mia POV
Dalawang linggo na kaming nanatili sa loob ng safe zone.
And as of now naging maayos rin ang pananatili namin dito. Para bang balik normal na ang lahat ngunit aminin ko man sa hindi, may kulang talaga.
Madalang nalang akong lumabas ng kwarto ko. Lalabas lang ako kapag kakain na. Wala akong ganang lumabas ng bahay, tinatamad na akong kumilos at hindi ko narin masyadong kinakausap ang iba.
"Mia, sasama ka ba saamin sa labas?" Tanong ni Abegail.
"Kayo nalang." Simpleng tugon ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"Sige." Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa pinto para i lock ito ngunit napatigil ako ng may marinig akong nag-uusap sa labas.
"Ayaw niya talaga?"
"Oo, haist. Hanggang kailan ba magiging ganyan si Mia? Tayo na 'yung nahihirapan eh."
"Shhh, hinaan mo nga 'yung boses mo Abegail at baka marinig ka niya."
"Totoo naman eh. Alam ko naman na hindi parin siya naka move on dahil sa nangyari kay Aira pero hindi dapat ganun eh, kung gusto niyang mag move on hindi siya dapat nagkukulong . Bakit tayo? Hindi rin naman tayo nakamove on ah? Nagkukulong ba tayo? Nag mumukmok ba tayo? Hay naku! Tiyak na hindi magugustuhan ni Aira na nalulungkot tayo."
"Hay naku, tara na nga Abe."
Natigilan ako sa sinabi ni Abe.
Naging pabigat na ba ako sa kanila?
Ganun na ba ako ka out of place sa kanila?
I felt Guilty.
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang kabuuan ko.
Napaka tamlay ng mga mata ko.
Napabuntong hininga ako.
Kailangan ko na sigurong kalimutan ang lahat.
Kailangan ko ng bitawan,
At magsimula ng panibagong buhay.
Pumasok ako ng banyo at sandaling naligo.
Nagmadali ako sa pagbihis at agad na lumabas ng silid.
Tumakbo ako pababa ng hagdan at saktong lalabas na silang lahat.
"Hintayin niyo ko!!" Sigaw ko dahilan upang mapabaling ang atensiyon nila saakin.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mata. Kaya ako na ang naunang pumutol sa awkward moment.
"Akala ko ba aalis tayo?!" Sigaw ko.
Nagulat naman sila sa pagsigaw ko.
"Ah--oo! An-andiyan ka na pala Mia! Kanina ka pa namin hinihintay! Oh ano tara!" Biglang singhal ni Lee.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...