DEAD 43 (Part 2)

275 15 0
                                    


T

hird Person's Pov

"She's awake." Sabi ng isang lalaki habang minamasdan ang isang babae sa loob ng isang puting kwarto gamit ang monitor.

"Watch Her." Saad naman ng isang lalaki.

Pinagmasdan lang nila ang babae habang umiikot sa loob ng silid.

Napatayo ang lalaki ng sipain ng babae ang bakal na pinto at unti-unti na itong nasisira.

"Gawin mo na ang dapat mong gawin." Utos nito sa kasama.

May kung anong tinitipa ang lalaki sa keyboard, maya maya pa ay may usok na lumabas mula sa kisame ng silid kung saan naroroon ang babae. Unti unting tumigil ang babae sa pagsipa sa pinto at bumagsak sa sahig.

"She's strong." Hindi makapaniwala na saad nito.

"Yeah, and at the same time tha'ts her weakness." Tukoy ng lalaki sa usok na lumabas.

"What are we going to do with her?"

"Control her and make her in our side, we need her, no we need her DNA to produce a new species of zombie."

"New Species? Wha't kind of Species?"

Ngumisi lang ang lalaki.

"You'll find out soon."

Hindi na umimik ang lalaki at naghintay lang kung ano ang mangyayari.

"Bring Project zero in the White Room kapag nagising siya. Nanghihina pa ang kanyang katawan dala ng usok na lumabas kanina kaya hindi siya makakapalag."

"Yes Sir."

Lumabas ng silid ang inutusan ng lalaki at dumeretso sa silid kung saan naroon ang babae.

Nagdala ito ng mga kasama para kunin ito.

Walang kahirap hirap nilangp binuhat ang babae. Kahit gising na ito, hindi rin siya makagalaw dahil sa sobrang panghihina.

Dinala nila ito sa sinasabi nilang 'White Room' kung saan doon gagawin ang eksperimento.

Hindi ko man nalaman ang formula ngunit nagpapasalamat ako sa babaeng ito dahil binigyan niya uli ako ng panibagong ideya sa kung ano man ang mga bagay na hindi natapos at ako ang magpapatuloy sa mga iyon.

Her Pov

What are they trying to do to me?

Pinilit kong magpumiglas ngunit hindi ko kaya.

May itinurok sila saakin. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko ng tuluyan na itong dumaloy aa katawan ko.

"Arrghhhh!"

It f*cking Hurts!

Nanginginig ang buo kong katawan.

Ngunit...

Feeling ko bigla akong lumakas.

Walang kahirap hirap na naputol ang posas na nasa kamay ko. Agad kong hinablot ang kwelyo ng lalaking nagturok saakin at inuntog sa bakal na nasa kama. Agad ko ring hinampas ng mesa ang lalaking palapit saakin.

I need to escape.

Kinuha ko ang Key Card na nasa lalaking hinampas ko kanina at agad na ginamit iyon para mabuksan ang pinto. Tumunog ang alarm at naging maingat ako sa paglabas. Nagtago ako sa pader ng may palapit na guard sa direksiyon ko, agad ko itong sinipa at binali ang leeg. Kinuha ko ang baril niya.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon