DEAD 60 (Part 2)

247 11 0
                                    


Kiera Pov

My body stiff, umalingaw ngaw ang mga kalansing ng kung anong bagay.
May ideya na ako kung ano ito ngunit hindi mag sink-in sa utak ko.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking paa, tila nanghihina ako.

No, please not now

"Guys! They're coming!"

Bumabagal ang aking paghinga, gusto kong tumakbo ngunit tila ba napako ako sa kinatatayuan ko.

"They're not alone!"

Nadagdagan ang aking takot dahil sa isang napakalakas na ungol, ungol na para bang isang halimaw.

"Paking tape! Katapusan na ba natin?!"

"Gago! Tumahimik ka diyan!"

"Kiera Come here!" Narinig kong tawag nila sakin mula sa likuran.

Ngunit isang atras lang ang nagawa ko. Napahigpit ako ng kapit sa hawak ko.

Naramdaman ko nalang ang marahas na paghila saakin. Hindi ko kayang manlaban.

Kyler

I don't know why my heart can't stop beating everytime he's near.

Napahinto kami sa harap nilang lahat.

"Hey are you okay?" Alalang tanong ni Mia saakin. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko napigilang mapaluha. Dahan dahan kong iniling ang aking ulo.

Gusto kong tanggalin ang takip ko sa mukha. Gusto kong tanungin kung ano ako sa kanila. Kung may koneksiyon ba ako sa kanila or wala, kung ako ba taga ang babae sa litrato  ngunit may isang bagay na nagpipigil saakin na gawin ang mga bagay na iyon.

Takot

Hindi ko alam kung takot ba na malaman na isa ako sa kanila, takot na malaman na itatakwil nila ako, takot na malaman na hindi nila ako tanggapin at takot na malaman na hindi talaga ako ang babaeng nasa litrato.

"Guys, be ready parating na sila." Seryosong saad ni Kyler.

Huminga ako ng malalim. I don't care kung sino ba ako sa kanila ang alam ko lang I need to protect them, I need to protect the people whom I called friends. I need to protect them from this creatures at sa mga taong gustong saktan ako.

Itinapon ko ang baril na hawak at kinuha ang katana na bigay saakin ni DenDen.

Palapit na palapit sila at bumibilis ang aking paghinga. Napahigpit ako ng hawak sa katanang dala.

Hindi pa ako nakakagamit ng isang ito ngunit hindi ko alam kung bakit malakas ang kumpyansa ko sa aking sarili na para bang matagal na akong nakahawak ng bagay na ito.

Agad na nagpaulan ng putok ang mga kasama ko. Tumakbo ako para salubungin ang isang napakalaking halimaw. Dalawang tao ang taas nito at triple ang laki ng katawan. Itim ang kanilang mga mata at may malaking bunganga at matutulis na ngipin na tila ba isang lunok ka nalang nila.

Iwinasiwas ko ang hawak kong katana habang tumatakbo sa kasalubong kong halimaw. Sumigaw ito at handa handa na akong patayin ngunit bumwelo ako patalon at agad na tinarak ang katana sa kanyang dibdib sabay bulwak ng itim at masangsang  na amoy  habang hinihiwa ko ang kanyang dibdib pababa.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon