DEAD 22 🔫

1.6K 52 0
                                    

Aira POV

Nakapagtataka at naging mabait na saamin ang mga taong nandito pati ang kanilang lider ay naging maayos na ang pakikitungo nito saamin.

Psh. Nong kailan nga eh, kung makakaladkad parang wala ng bukas! Kung maka panlait parang sila na 'yong malakas!

Pero hindi rin mawawala ang aming mga dakilang bashers. Kung makatingin parang kaming mga kasumpa-sumpa lalong lalo na ang grupong nakalaban namin! Tsk. Ayun! Kulang nalang patayin kami dahil sa sama ng titig! Hindi siguro matanggap ng mga ego nila na natalo sila ng mga bubwit na mahina. Wahahaha!
Takot lang nila saamin. Pero I don't trust everybody here except sa mga kasama ko. Hindi ko sila kilala ng lubusan kaya mahirap magtiwala ng basta basta.

As usual nasa isang tent kami ngayon at merong bonfire sa labas ng tent. Ang sabi nila. Safe naman daw dito dahil araw-araw at gabi gabing may nagbabantay sa buong lugar. Meron ding nakapalibot na bakal sa buong lugar with a high voltage power galing sa generator nila dito.

"Aira kakatakot naman dito, baka may mga rapist." Sabi ni Abegail.

"Asa namang rapin kayo." Pambabara ni Lee.

"Baka ikaw nga mang rape diyan." Singhal ni Mia. Tsk ayan nanaman sila.

"A-ano?! Anak ng! Sa gwapo kong 'to Rapist? Iba ang depenisyon ng gwapo sa rapist no!"

"Baka kwago." Mahinang banggit ni Mia ngunit narinig pa ata niya.

"Anong Kwago?!" Galit na tanong ni Lee

"Yung Owl? Yung malaki ang mata tapos naka tambay sa puno?"

"Stupid! Alam ko!"

"Shut up the two of you." Malamig na sambit ni Kyler na nakapagpapatahimik sa kanilang dalawa.

"Tatakas ba tayo?" Tanong ni Vans.

"Hindi tayo makakatakas dito, maraming mga bantay at pinalilibutan tayo ng harang." Sabi ko.

"Eh di magpapabihag nalang tayo dito." Sabi ni Lee.

Napabuntong hininga  nalang ako.
Nagulat nalang kami ng may biglang pumasok sa tent namin ng walang pasabi.

"Sino sa inyo si Aira?!"

Matapang na tanong 'nong lalaki.

Sikat na ba ako nun?

"Bakit?" Tanong ko.

"Sumama ka saakin."

"Bakit naman?"

"'Wag ka nang magtanong." Sabi nito at akmang kukunin ang braso ko pero nagpagitna ang mga kaibigan ko.

"Hep!Hep!Hep!"-Mia

"Dapat kasama kami!"-Abe

"Si Aira lang ang pinapatawag---"

"Eh di walang aalis!"-Lee

"Sige na sige na!" Wala na itong nagawa kundi ang payagan silang sumama saakin.

Sino ba 'yung nagpahanap saakin?! Psh.

Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang grupo. Ang grupong nakalaban namin.

"Ganun ka na kaduwag at nagsama ka pa?" Tanong nang lider nila. Hindi ko alam ang pangalan at hindi naman ako interesado sa mga pangalan nila.

"Malay ko ba kung sinong mga walang kwentang nilalang ang nagpatawag saakin dito." Mataray na sambit ko. Si Mia lang ba ang pwedeng magtaray?!

"Aba't! Napakahangin mo naman! Akala mo kung sino! Hoy pinagbigyan lang namin kayo!" Psh. Pinagbigyan.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon