DEAD 59 (Part 2)

256 12 0
                                    


Kiera POV


Napatingin ako sa buwan. Bilog na bilog ito kung kaya nagbibigay ng liwanag sa buong lugar.

Nag-umpisa na silang magbantay at nandito pa kami nina Mia sa gusaling tinutuluyan nila noon dahil may sasabihin siya sa Kuya nila. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagulat ako ng may biglang kumalabit saakin.

Tiningnan ko ng batang nag- ngangalang DenDen at tiningnan naman ako nito ng deretso habang naka cross arm.

"Ate Kiera ba talaga pangalan mo? Hindi ka po ba si Ate Aira? Pwede ko bang tignan 'yung mukha mo?" Pagtatanong nito na agad nagpatigil sa paghinga ko.

Kiera ba talaga ang pangalan ko?
Natatakot akong aminin na hindi talaga Kiera ang pangalan ko at mas nakakatakot na sabihin na hindi ko kilala ang sarili ko.

Pero sino ba si Aira?
Lahat  sila, inaakalang ako si Aira kahit hindi nila nakita yung mukha ko.

Hindi ako umimik ng bigla nito akong hilahin papasok sa isang silid.

"Ito po yung kwarto nila Ate Mia at Ate Aira dati, nga pala ate sayo nalang 'yung katana ko, di ko naman magagamit." Inabot ko ito at hindi na ako nagdalawang isip na isukbit ito sa likuran ko.

Inilibot ko ang buong silid. May dalawang kama sa gitna at may malaking veranda sa gilid.

Agad akong pumasok doon. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na 'to. Lumapit ako sa veranda at malakas na hangin ang bumungad saakin. Tanaw dito mula sa taas ang iilang mga gusali at kabahayan at mga mumunting ilaw na galing sa flashlight ng mga nagbabantay.

"Ate Kiera! Ito pala ipapakita ko sayo yung mukha ni Ate Aira." Bigla akong napalingon sa bata. May kung ano sa sarili ko na gusto kong makita kung ano ang itsura ng sinasabi nilang Aira.

Inabot niya ito saakin at hindi ko lam kung bakit  nanginginig ang aking kamay habang inaabot ito.

Nang mahawakan ko ito ay agad akong napatingin kay DenDen.

"Saglit lang ate hahanapin ko pa ang kaibigan ko." Sabi nito at nagmadaling lumabas sa silid.

Unti-unti ko itong tiningnan habang malakas na kumakalabog ang aking dibdib.

Halos manlambot ang aking tuhod ng makita ang nilalaman ng litrato.

Si Mia na nakangiti at nakaakbay sa----

No,

Halos matumba ako habang tumatakbo patungong salamin na nakakabit sa dingding ng silid na ito.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang buo kong mukha.

Dahan dahan kong kinuha ang bagay na nakatakip sa kalahati ng mukha ko at tumambad ang mukha ko na may malaking peklat. Agad kong hinawi ang buhok na nakatakip sa aking mga mata at natagpuan ko nalang ang mga mata kong walang buhay ngunit may mga luhang pumapatak.

Tinignan ko ng mabuti ang aking mukha at tumingin muli sa litrato. Agad kong tiningnan ang likuran nito at binasa ang nakasulat.

Mia and Aira
Best buddies and sister forever!!!!

Hindi ko alam kung bakit napahagul gol ako ng iyak.

I hate myself!

Galit ako!

Binaling ko muli ang aking paningin sa salamin at hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin ito.

Mariin parin akong nakatitig sa mukha ko sa basag na salamin habang may bahid ng dugo.

"Kung ikaw si Aira! Bakit wala kang maalala! Sino ka ba! Sino ka?!" Sigaw ko at napaupo nalang sa sahig at umiyak.

"Ba-bakit? All t-his time?! Si-no ba talaga ako! Bakit wala akong malala! Ahhhh!"

"G-guys need back up! There's something  outside the zone! I repeat Need back up!"

Napabalik ako sa wisyo ng biglang tumunog ang radyong hawak ko.
Muli kong binalik ang takip sa mukha ko at ibinulsa ang litrato. Marahas akong lumabas ng silid at nagmadaling tumungo sa lugar kung saan kinakailangan ng tulong. Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko pero agad akong mapatigil ng palapit ang isang tao na hindi ko alam kung talagang konektado ba kami, kahit sa sarili ko, hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang babaeng  nasa litrato. Maaring kamukha ko lang ito. Hindi ko alam.

"Kiera! Let's go! They need our help!" Hingal na sambit ni Mia at agad na binigay saakin ang isang baril.

Agad kaming tumakbo patungo sa labas ng pader. Dumaan kami sa maliit na pinto at paglabas namin tumambad ang mga kasama namin na nakikipag-laban sa isang hindi ko alam na klaseng nilalang. They are like skeletons! Living Skeletons!

No--- hindi ko alam kung bakit bigla akong nanginig, natatakot ba ako?

Tanging naririnig ko lang ang mga daing ng mga kasama namin at lagatik sa pagtama ng mga baril sa mga nilalang na ito. Lahat ng baril ay may silencer or di kaya'y mga baril na wala talagang tunog sa pagputok.

Agad kong tinutok ang baril sa skeleton na papalit saakin.

"San sila galing?!" Pagtatanong ko kay Vans na malapit saakin.

"Di ko alam! Sumulpot nalang sila bigla out of nowhere! Ngayon lang sila sumulpot after 2 years!" Sigaw nito at patuloy sa papamaril.

Agad akong sumugod at pinaulanan ito ng bala. May pagkakataon din na hinahampas ko sila gamit ang baril dahilan para maputol ang ulo nito at kasabay ng malakas na sipa ko dahilan para magkandalasog-lasog ang kanilang katawan I mean buto.

"Shocks! They are bonies! Naninidig balahibo ko!" Sigaw ni Abegail sa 'di kalayuan. Naramdaman ko naman ang pag atake saakin ngunit bago pa mangyari 'yun ay agad ko na itong binaril.

"Guys Don't let this shits enter the zone!" Matigas na sigaw ni Kyler.

Nagpokus ako sa pakikipag-laban, nagpakawala ako ng round house kick sa isang bonie at agad naman itong humandusay sa lupa.

Ngunit hindi ko inaasahan na napakalas pala nito kaya agad akong natumba dahil sa paghila nito sa paa ko. I tried na sipain ito ngunit agad akong nagulat ng may bonie na tumalon sa isang puno at deretso ang bagsak saakin, buti nalang at medyo nakagulong ako pakanan kung kaya't daplis lang ang pagtama nito sa kaliwang balikat ko.

Bago ko paman ito atakihin ay bigla nalang itong humandusay sa lupa.

Napatingin ako sa pares ng paa na nasa harap ko at isang Kyler ang nakita kong paalis na.

Mabilis akong tumayo at agad na tumulong sa iba ko pang kasama, unti-unti na silang nauubos at iilan nalang ang nakikita ko.

Nakahinga kami ng maluwag ng makitang ubos na ang lahat.

"Haaaay! Wala na sila!"

Nakita ko rin na nakipag apir naman ang iba ngunit ako ay hindi gumalaw sa kinatatayuan ko, nakiramdam ako sa paligid habang nakapikit.

Biglang dumilat ang mga mata ko at nabuhay ang aking sistema dahil sa isang matinis at malakas na tunog na nag eecho sa buong lugar.

Halos manindig ang aking mga balahibo.

"T-that sound" Agad akong tumingin kay Abe.

"This ain't good"

"G-guys"

Nakakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanila ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng takot ng biglang umalingaw-ngaw uli ang tunog na 'yun.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon