Third Person POV
Nakaratay muli si Aira sa isang silid na puno ng mga aparatos. Habang ang tatlong scientists ay gumagawa ng tinatawag na antidote.Napangisi nalang si Alfonso sa kanyang plano.
"Tama na ang paglalaro. Tama na ang ilang taon na pagdurusa. Ito na ang aking hinihintay na pagbabalik ng aking pangalan!" Halakhak nito.
"Ibebenta ko lahat ng antidote! Makikilala na ako sa buong mundo." Sambit muli nito at pumikit umarteng pinagkakaguluhan siya ng media.
Kahit marami na ang kanyang planong napalpak, patuloy parin ito sa kanyang ambisyon.
Napahawak siya sa kanyang dibdib ng bigla itong sumakit. Unti-unting naaagnas ang kanyang balat kaya nagmadali ito para kunin ang kanyang gamot at walang pakundangan na itinurok ang limang syringe sa kanyang balikat.
Pagkalipas ng ilang minuto ay kaagad itong bumalik sa dati nitong kulay.
Si Alfonso ay isang infected, napigilan niya ang pagkalat nito bago pa man umabot sa utak niya. Ngunit hindi ito magtatagal, kahit na napipigilan niya ito hindi parin ito sapat upang bumalik siya sa normal.
Kahit anong gawin niya ay isa na siyang infected at habang tumatagal, nilalamon na nito ang kanyang buong sistema at hindi kalaunan ay magiging isa na siya sa kanila. HALIMAW
Labis ang pagpaplano at paghahanda ng lahat para sa isang misyon. Misyon para iligtas ang kanilang kaibigan at ang buong mundo.
Naniniwala sila na hindi pa dito natatapos ang lahat.
Desidido ang lahat para mailigtas ang kaibigan.
"Lee, as much as possible gawin mo lahat ng makakaya mo upang ma hack ang security system ng buong lugar, hindi na ito kagaya 'nung dati sabi ni Aries." Serysong suhestiyon ni Kyler.
"Guys listen up!" Pagatatawag ng pansin ni Aries sa lahat.
"This mission is a silent mission, meaning kukunin natin ang kapatid ko ng palihim. Hindi natin kailangang lumaban, hindi pa ngayon at darating tayo diyan."
Mas magiging delikado ang kanilang misyon kapag umatake sila. Maaring may mapahamak nanaman sa grupo kaya't hangga't maari. Walang masasawi.
"Hindi natin kailangan ng tulong nila Daddy, gusto ko tayo mismo. May nakatakdang panahon para sila ay tumulong saatin, maging maingat na tayo ngayon. Ayokong maulit uli ang nangyari noon. Understood?!"
"Yes!"
Kinakabahan man ngunit kinakailangan nilang maging positibo at maging matatag.
This is their last chance, para baguhin ang nakaraan at maging matagumpay sa kasalukuyan.
Hindi alam ni Alfonso kung ano ang magiging kahihinatnan niya, all he want's now ay makabuo ng antidote at patayin ang dalaga sa kahit na anong paraan.
Humarap ito sa isang camera at umupo sa kanyang swivel chair.
Tumikhim ito at sinenyasan ang lalaki .
"Ilang taon na ang lumipas ng mangyari ang lahat ng ito. Mga halimaw na pagala gala at kumakain at pumapatay sa kapwa nila. Ilang taon rin ang aking pananahimik kaya napagdesisyunan kong gumawa ng aksyon. This pandemic will end dahil nakagawa na ako ng lunas para rito."
Nakangiti nitong tugon.
"Everything will be okay because of me." Buong buo na pagkasabi nito.
May isang scientist na mabilis na lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)
HorrorNagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. Paano nila malulusutan ito? Dead Bodies ar...