DEAD 24 🔫

1.4K 52 0
                                    

Aira POV

O_o ----> ako

-_-! ------> Mia

T_T -----> ang iba

"Waaaa! Pagod na ako!!!!" Reklamo ni Abe.

Tatlong araw matapos akong magising and as of now. Okay na ako. Feeling ko nga hindi ako nanggaling sa bugbogan. Madaling maghilom ang mga sugat ko at mga bali ko simula noong maliit pa ako. Siguro ayaw saakin ng germs kaya iniiwan kaagad nila ako. Huhuhuhu.

"Aira! Ilagay mo don." Sabi ni Mia ag inihagis saakin ang isang supot.

Tama nga si Mia, ginagawa kaming alipin dito. Tsk. Pati mga bata at matatanda mga walang pakundangan! Tapos kung makautos kala mo kung sinong mga magaling. Eh pare-pareho lang naman kami dito eh.

"Oh! Huwag magbagal bagal!" Sigaw ng kung sino.

Naghahakot kami ngayon ng pagkain papuntang stock room. Ba't ba di sila ang magbuhat?!

"Bilisan mo totoy, babagal bagal!" Napatingin ako sa may bandang likuran.

Pati ba naman bata?! Agad ko silang nilapitan at mukhang paiyak na ang bata.

"Pati ba naman, bata pinapatulan mo?" Tanong ko kaya nabaling ang atensiyon niya saakin.

"Wala kang pakialam!" Singhal niya saakin. Sasampalin niya sana ang bata ngunit nahawakan ko kaagad ang kanyang kamay.

Nagpupumiglas siya ngunit hindi ko binitawan.

"Bitawan mo ak---" Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin ng pilipitin ko ang kamay niya.

"Ahhh!"

"Sa oras na makita kitang magaspang ang pakikitungo mo sa mga tao dito, hindi lang 'yan ang aabutin mo." Saad ko at marahas na binitawan ang kanyang kamay.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa bata.

"Opo, salamat po ate Aira."

Huh?

"Kilala mo ko?" Gulat kong tanong.

"Ah opo! Sa katunayan nga po Idol ko po kayong lahat eh!" Sabi nito with sparkle eyes. Hahaha.

"Paano mo naman kami naging idol?" Nakangiting tanong ko.

"Kasi po, magaling po kayong makipaglaban tapos ang bait niyo pa po, hindi kagay ng iba na ang sama ng ugali." Sabi nito pero hininanaan ang huli niyang sinabi.

Nginitian ko lang siya at tinanong ang pangalan.

"Anong pangalan mo?"

"Ako po si Matt." Pagpapakilala niya.

"Hmmm, nice name. Ikinagagalak kong makilala ka, tara ipapakilala kita sa iba." Sabi ko.

"Talaga po? Yeheeyy!!"

Pinuntahan na namin ang iba at pinakilala ko sa kanila si Matt.

At ayun, tuwang tuwa naman ang bata.

Napabuntong hininga nalang ako.
Naalala ko sa kanya si DenDen.
Kumusta na kaya siya.

"Aira." Biglang tawag ni Mia saakin, naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko.

"Naalala ko sa kanya si DenDen." Sabi nito. Nilingon ko naman siya at nakita kong nakangiti siya pero may halong lungkot sa kanyang mata.

"Ako rin." Tanging nasabi ko nalang at ibinaling ko muli ang atensiyon kay Matt na ngayon ay masayang kausap ang iba.

"Kailan kaya tayo makakaalis dito?" Tanong niya.

"Hindi ko alam, bantay sarado tayo dito at ewan ko nalang kung ano ang gagawin nila sa oras na mahuli tayong tumatakas." Saad ko.

"Nandiyan ba cellphone mo? Nawala kasi ang mga cellphone namin."

"Nawala nga rin ang cellphone ko, hindi na ako nagtaka kung may kumuha 'non, alam mo naman na ang lugar na 'to." Sabi ko.

"Hoy! Kayo! Sumunod kayo saakin!"

Biglang sigaw ng nagbabantay saamin.
Sumunod naman na kami sa kanya.

"San naman tayo dadalhin ngayon?" Bored na tanong ni Abe.

Nagkibit balikat nalang ako at tahimik na sumunod sa kanya. Papunta kami sa may pinaka likod na parte ng gubat at ewan ko kung anong gagawin namin dito.

"Oh ayan, ayusin niyo yung bakod!" Utos samin. Nakita ko naman na nasira nga ang bakod and anytime kung hindi aayusin papasok ang mga nilalang na hindi dapat makapasok.

"Asan ang mga gamit?" Tanong ni Kyler.

"Aba eh! Kayo ang maghanap at huwag ako!" Sabi nito at umalis pero nakabantay parin saamin. Akala ko makakatakas na kami dito. Tsk

"Aira, paano kung tumakas tayo dito?"
Out of nowhere na tanong ni Mia.

"Iyan din ang nasa isip ko Mi, kaso parang imposible naman dahil may nakabantay parin." Saad ko

"Eh di patumbahin natin!" Excited na tugon niya.

"Pwede din." Pag sang-ayon ko.

Kaya ayun, nagpla plano kaming tumakas dito. Pasimple kaming nag-uusap habang nagtratrabaho at ang gunggong naman na tagabantay ay feel na feel ang pagso-soundtrip.

"Kyler at ang iba, patumbahin niyo yung tagabantay at pag once na napatumba na ninyo, talian niyo at busalan ang bibig ng hindi na makatakas at maka tawag ng back up." Sabi ni Mia at tumango nalang ang mga lalaki.

Natandaan ko si Matt. Haist, hindi naman pwedeng sumama ito saamin dahil baka mapahamak ito pero baka malungkot iyon.

Takte!

"Tara na Guys!" Napabalik nalang ako sa wisyo ng sumigaw na si Mia at nagmadali nang kumilos.

Natapos na pala sila sa nagbabantay.
Agad naman kaming lumabas sa bakod na hanggang ngayon ay hindi pa namin, naayos. ^___^V

Nang makalabas na kami ay agad na kaming tumakbo.

Babalikan kita Matt.

"Hoy!!!!! Bumalik kayo dito!"

"Guys takbo! Andiyan na sila!"

Sheyt!

*bang*

Futeekk!

*bang*

Napayuko kami dahil sa mga putok ng baril.

"Damn!"

*bang*

"Guys! May mga infected!"

Kumuha ako ng kahoy sa tabi tabi at inatake ang zombie na palapit sa direksyon namin.

Pesteng putok ng baril!

Takbo lang ng takbo ang ginawa namin. Hindi namin alam kung makakalabas pa kami ng gubat na ito dahil hindi naman namin alam kung saan ang daan palabas.

*bang*

"Arrghh!"

"Si Abe may tama!"

F*ck.

"Abe!" Sigaw ko at agad ko siyang dinaluhan at may tama ito sa binti.

"O-kay lang a-ko." Sabi ni Abe.

Agad kong pinunit ang laylayan ng suot ko at itinali sa sugat niya para ma pigil ang pagdurugo.

"Vansss!!! Buhatin mo si Abe daliii!!!"Sigaw ko

"O-o!" Sigaw naman nito at agad na binuhat si Abe.

"Let's go guys!"- Kyler.

Agad naman kaming kumilos kaagad ng marinig ang mga yabag at mahinang pag-uusap ng mga taong palapit saamin.

Done

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon