DEAD 35 🔫

1.3K 42 0
                                    

Mia PoV

Sinundan namin si Kyler dahil hindi maganda ang kutob ko.

Kinakabahan ako, kinakabahan ako para kay Aira.

Kasalukuyan kaming bumabyahe. Hindi ako mapakali habang nakatingin sa bintana, feeling ko ang bagal bagal namin. Hindi na ako nakatiis at nagsalita.

"Stop the car!" Sigaw ko.

"What?!" Gulat na tanong ni Lee na nasa tabi ko. Nakaupo ako sa passenger seat at siya naman sa driver seat.

"I SAID STOP THE CAR!"

Halos ma subsob kaming lahat sa ginawang pagpreno ni Lee. Agad akong bumaba at umikot papunta kay Lee.

"Baba ako ang magdadrive." Sabi ko. Wala na siyang nagawa kundi ang makipagpalit ng pwesto saakin.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan, dali dali namang sinuot ni Lee ang seatbelt at napakapit ng mahigpit sa kanyang kinauupuan ganun din ang iba sa likod.

Hindi ko sila masisi dahil para na kaming lumilipad sa mabilis na pagpapatakbo ko.

"Mia dahan dahan naman!"

"Waaa! Papatayin mo ba kami?!"

"Ahhhhhh!"

Hindi ko na sila pinansin bagkus mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo.

Agad kong inihinto sa malayo ang sasakyan. Tanaw na tanaw ko a g daanan pababa sa star labs.

"Guys tara." Saad ko habang kinukuha ang seatbelt ko, ngunit wala akong narinig na nagsakita o gumalaw man lang.

Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay tulala at mahigpit parin ang pagkapit sa kaniyang kinauupuan. Tumingin ako sa iba pang kasama ko.

-___-

Takte! Kailangan bang pareho pareho ang reaksiyon?!

"Hoy!"

Malakas na sigaw ko dahilan upang bumalik sila sa katinuan.

Bigla bigla pang lumabas si Vans ng sasakyan at sumuka.

Ewww.

"Tara na nga!" Inis kong sita sa kanila. Sumunod naman sila saakin.

Umakyat kami sa pader upang makapasok sa kabila.

Maingat ang bawat paggalaw namin.
Walang mga bantay sa paligid kaya malaya kaming nakapasok hanggang sa elevator. Thanks sa guwardiyang walang malay at nakuha namin ang card.

Nang bumukas ang pinto, tumambad saamin ang tahimik at maliwanag na pasilyo. Tinahak namin ng tahimik ang pasilyo, ngunit maya maya pa ay nakarinig kami ng ingay at mukhang papunta sa direksiyon namin.

Napatigil kami dahil sa mga tumatakbong scientist.

Nakarinig rin kaming ng nakakabinging ingay na para bang emergency alarm.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo.
Nakarinig kami ng kaguluhan sa isa sa mga silid.

Nayanig ang buong paligid sa isang pagsabog.

Dali-dali kaming pumasok sa naturang silid. Nakita namin na ang gulo gulo ng paligid.

"What the hell?!

"Oh Shit!"

Nagmadali si Lee na kinuha si Kyler na ngayon ay nakasalampak sa sahig.

"Kyler! Shit! Guys! Let's get outta here!"

Binuhat niya si Kyler at nagmadaling lumabas dahil napaka delikado na dito.

Napalinga ako sa silid dahil nagbabasakali akong makita si Aira ngunit ni anino niya 'di ko nakita.

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon