DEAD 49 (Part 2)

264 11 0
                                    


Mia POV


"Guys parating na sila!" Matinis na sigaw ko habang hinahabol kami ng mga zombie. Hindi namin alam kung saan sila nanggaling ang alam ko lang ay-----.

"Guys si Vans!" Narining kong sigaw ni Abegail at agad akong napalingon sa likod.

Halos manlumo kaming lahat ng pagtulungan ng mga zombies ang katawan niya.

"G-guys please lumayo na tayo sa lugar na 'to!" Nagsusumamong sigaw ko.

"Ahhhhhhhh!"

"Abegail!" Sigawan naming lahat ng biglang may sumakmal sa kanya. Lalapitan ko sana siya ngunit wala na akong nagawa ng hilahin nila ako palayo.

No-this can't----

"Mia!" Naramdaman ko nalang na nagpagulong-gulong na ako hanggang tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Napadaing nalang ako ng makaramdam ng hapdi at kirot sa noo ko.

"Rarrrr!"

"Argghhh!" Napadaing nalang ako ng may kumagat sa paa ko.

Agad ko itong sinipa ngunit ayaw mahiwalay sakin.

Halos manlumo ako at hindi makahinga.

"Ahhhhhhhh!"

"Mia gising!!!"

Agad akong napabalikwas ng bangon at hingal na hingal. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Kanina ka pa namin ginising, kinakabahan na kami sayo kanina dahil naninigas na katawan mo at nahihirapan ka nang huminga diyan." Saad ni Abe.

"Kung ano-ano na yung ginawa namin para magising ka." Dagdag ni Christine.

Napabuntong hininga ako.

Panaginip lang pala.

"Sinapok niyo ba ako sa noo?" Pagtatanong ko at nagtinginan naman ang dalawa.

"Se Lee, yung sumapok sayo. Hehehe." Sagot ni Abe.

Matalim komg tiningnan ang paligid, at nakita ko siya sa di kalayuan samin naka peace sign.

Impaktong to, tsk. Kaya pala sumasakit yung noo ko eh.

"Magsikilos na kayo diyan!" Napalingon kaming lahat sa pinangalingan ng boses.

"Grabe naman! Hindi pa tumitirik ang araw! Trabaho na kaagad?!" Sigaw ni Lee at siniko naman siya ni Vans.

"Bilisan niyo diyan!"

"Jusko po! Walang ligo? Walang kain? Walang toothbrush?! Nadimunyu na!!!" Atungal ni Abegail.

"Tara na guys!"

"Nakita niyo ba yung Platoon 1?" Tanong ko.

"Oo nga no? Asan na sila?"

"Tsk, bahala sila sa buhay nila 'dun."

"Tsaka hindi niyo ba naalala yung sinabi satin ni Kuya Aries?"

DEAD BODIES - 1 & 2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon